placeholder image to represent content

1st Quarter Integrative Formative Test in MAKABAYAN (Grade 7)

Quiz by Shin Silva

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Panuto: Basahin ang talata tungkol sa pagbabagong nagaganap sa pagdadalaga at pagbibinata. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

    Ang pagdadalaga o pagbibinata ay panahon kung saan maraming pagbabago ang maaaring maranasan ng isang bata anuman ang kanyang kasarian. Sa aspetong emosyonal, nagkakaroon ng pagbabago sa mood ang mga kabataang babae dahil sa pagbabago ng mga hormone sa kanyang katawan. Nababawasan na rin ang mga pisikal na laro sa mga kabataang nagdadalaga sapagkat nagkakaroon na sila ng kamalayan sa mga pagbabagong pisikal sa kanilang katawan. Ang pagkakaroon ng buwanang-dalaw ay isa sa mga senyales ng pagdadalaga kaya’t upang mapanatili ang kalinisan ang paliligo ay kinakailangan. Samantala, ang pagkakaroon ng bigote sa mga kabataang nagbibinata ay dulot ng hormone na kung tawagin ay testosterone. Ang pagpiyok dulot ng pagbabago sa boses ay hindi dapat ikahiya sapagkat ito ay normal na pagbabago para sa mga kabataan.

    Batay sa binasang teksto, alin sa mga sumusunod ang pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga?

    Pagkakaroon ng bigote bunga ng testosterone.

    Lahat ng nabanggit.

    Pagbabago ng mood bunga ng hormone sa katawan.

    Pagpiyok dulot ng pagbabago sa boses.

    30s
  • Q2

    Batay sa binasang teksto, alin sa mga sumusunod ang pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagbibinata?

    Lahat ng nabanggit

    Pagbabago ng mood bunga ng hormone sa katawan.

    Pagkakaroon ng bigote bunga ng testosterone.

    Pagkakaroon ng buwanang-dalaw.

    30s
  • Q3

    Nababawasan na rin ang mga pisikal na laro sa mga kabataang nagdadalaga sapagkat nagkakaroon na sila ng kamalayan sa mga pagbabagong pisikal sa kanilang katawan. Alin ang sanhi sa pangungusap na ito?

    ang mga pisikal na laro

    sapagkat nagkakaroon na sila ng kamalayan sa mga pagbabagong pisikal sa kanilang katawan.

    kamalayan sa mga pagbabagong pisikal sa kanilang katawan

    Nababawasan na rin ang mga pisikal na laro sa mga kabataang nagdadalaga

    30s
  • Q4

    Ang pagkakaroon ng buwanang-dalaw ay isa sa mga sensyales ng pagdadalaga kaya’t upang mapanatili ang kalinisan ang paliligo ay kinakailangan. Alin sa pangungusap ang nagpapahayag ng bunga?

    ang pagkakaroon ng buwanang-dalaw ay isa sa mga senyales ng pagdadalaga

    ang paliligo ay kinakailangan

    ang kalinisan

    ay isa sa mga senyales ng pagdadalaga

    30s
  • Q5

    Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag na ang pagbabago sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga ay normal lamang.

    Ang pagdadalaga o pagbibinata ay panahon kung saan maraming pagbabago ang maaaring maranasan ng isang bata anuman ang kanyang kasarian.

    Ang pagpiyok dulot ng pagbabago sa boses ay hindi dapat ikahiya sapagkat ito ay normal na pagbabago para sa mga kabataan.

    Ang pagkakaroon ng buwanang-dalaw ay isa sa mga sensyales ng pagdadalaga.

    Nagkakaroon ng pagbabago sa mood ang mga kabataang babae dahil sa pagbabago ng mga hormone sa kanyang katawan.

    30s
  • Q6

    Ang Pisikal na Heograpiya ng Asya

    Napakahalaga ang pag-unawa sa pisikal na kapaligiran ng Asya. Ang kapaligiran ay may napakalaking impluwensiya sa pamumuhay at paghubog ng Kabihasnang Asyano. Ang mga kaganapan sa kasaysayan at pagbabagong kultural ay maaaring hatid at epekto ng kapaligirang ginagalawan ng tao. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa at nagkaroon ito ng malaking ugnayan sa paghubog ng iba’t ibang Kabihasnang Asyano. Ang idinidikta ng Katangiang Pisikal ng lugar kung saan naninirahan ang mga Sinaunang Asyano ang humubog sa kanilang pamumuhay.  Dito, naiaakma ng mga tao ang kanilang sarili kung paano mamumuhay batay sa takbo ng kapaligiran.

    1.     Batay sa binasang teksto, bakit mahalaga ang kapaligiran sa paghubog ng kabihasnan ng      tao?

    Natututunan ng tao ang mga paraan kung paano mapalawak ang kanyang nasasakupan

    Madaling nakakaagapay ang tao sa mga panganib na kanyang haharapin

    Natututunan ng tao na maiakma ang kanyang sarili at pamumuhay sa kanyang kapaligiran upang mabuhay

    Madaling mapauunlad ang kanyang pamumuhay sa pamamagitan ng kapaligiran.

    30s
  • Q7

    Ang idinidikta ng Katangiang Pisikal ng lugar kung saan naninirahan ang mga Sinaunang Asyano ang humubog sa kanilang pamumuhay .  Alin sa sumusunod  ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikalng kontinente ng Asya?

    Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa tulad ng tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.

    Ang hangganan ng Asya ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.

    Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay lamang ng iisang uri ng klima.

    Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng behetasyon tulad ng savanna, prairie, rainforest, taiga at tundra.

    30s
  • Q8

    Ang kapaligiran ay may napakalaking impluwensiya sa pamumuhay at paghubog ng Kabihasnang Asyano.  Kung ang tao ay hindi magpapahalaga sa kanyang kapaligiran, ano ang magiging epekto nito?

    Tuluyang masisira ang kapaligiran na magdudulot ng paghihirap ng tao

    Hindi magtatagumpay ang tao sa lahat ng kanyang mga naisin.

    Mawawalan ng pagkukunan ng ikabubuhay ang mga tao

    Magkakaroon ng digmaan at tag gutom sa buong mundo.

    30s
  • Q9

    Napakahalaga ang pag-unawa sa pisikal na kapaligiran gayundin sa pisikal na pagbabago ng isang kabataan, alin sa sumusunod ang pagbabagong nagaganap sa mga batang may edad na 8 o 9 na taon lalo na sa aspeto ng pagtanggap ng kanilang papel o gampanin sa lipunan?

    Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa

    Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa

    Tinitimbang ang mga pamimiliian bago gumawa ng pasiya o desisyon

    Lahat ng nabanggit

    30s
  • Q10

    Kaugnay ng pagbabagong nagaganap sa kapaligiran at sa tao, alin sa mga sumusunod ang mga pagbabagong nagaganap sa babae sa panahon ng pagdadalaga?

    Paglaki ng muscle

    Paglaki ng adams apple

    Paglabas ng semilya

    Paglaki ng dibdib

    30s

Teachers give this quiz to your class