placeholder image to represent content

1st Quarter Integrative Formative Test in MAKABAYAN (Grade 8)

Quiz by Shin Silva

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

                Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang malaking bituin na kung tawagin ay araw. Ang lahat ng buhay sa ating daigdig ay kumukuha ng enerhiya sa araw at ng lahat ay naapektuhan nito mula sa hangin, alon, ulan, klima at panahon. 

               Tinataya ng mga siyentipiko na ang edad ng  daigdig ay 4.6 bilyong taon. Ito ay binubuo ng crust, ang mabatong bahagi na may kapal na 30-65 na kilometro mula sa mga kontinente habang may kapal 5-7 kilometro mula sa mga karagatan. 

              Ang mantle naman ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Tinatawag naman na core ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal gaya ng iron at nickel.

             Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong batong hindi nanatili sa posisyon. Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na umaabot lamang ng 2 pulgada bawat taon. Subalit ang pag-uumpugan ng mga ito ay nagdudulot ng paglindol, pagputok ng mga bulkan at pagbuo ng mga kabundukan dahil dito ang mga kontinente ay unti-unting naghiwalay. 

    Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin na kung tawagin ay araw. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang nakasulat nang mariin?

    Umusbong

    Umiikot

    Umuusog

    Umuusad

    30s
  • Q2

    Ang lahat ng buhay sa ating daigdig ay kumukuha ng enerhiya sa araw at ng lahat ay naapektuhan nito mula sa hangin, alon, ulan, klima at panahon. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang nakasulat nang mariin?

    Bansa

    Globo

    Mundo

    Planeta

    30s
  • Q3

    Tinataya ng mga siyentipiko na ang edad ng daigdig ay 4.6 bilyong taon. Anong katangian ng daigdig ang ipinahihiwatig sa pangungusap?

    Ang mundo ay may edad.

    Ang mundo ay matanda na.

    Ang mundo ay matagal ng nabuo.

    Ang mundo ay kaarawan.

    30s
  • Q4

    Ito ay binubuo ng crust, ang mabatong bahagi na may kapal na 30-65 na kilometro mula sa mga kontinente habang may kapal 5-7 kilometro mula sa mga karagatan. Anong katangian ng daigdig ang ipinahihiwatig sa pangungusap?

    Ang mundo ay makapal.

    Ang mundo ay may iba’t ibang bahagi.

    Ang mundo ay kalupaan.

    Ang mundo ay may karagatan.

    30s
  • Q5

    Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na umaabot lamang ng 2 pulgada bawat taon. Subalit ang pag-uumpugan ng mga ito ay nagdudulot ng paglindol, pagputok ng mga bulkan at pagbuo ng mga kabundukan dahil dito ang mga kontinente ay unti-unting naghiwalay. Anong katangian ng daigdig ang ipinahihiwatig sa pangungusap?

    Nagkakaroon ng malakas na lindol

    Mabagal ang paggalaw ng plate

    Naging manipis ang ozone layer

    Nagiging mabagal ang oras  sa daigdig.

    30s
  • Q6

    Basahin at unawaing mabuti ang teksto, pagkatapos, sagutan ang mga tanong sa ibaba nito.  Titik lamang ang isusulat.

     

    Ang Ramayana at Mahabharata ay epikong pamana sa larangan ng panitikan sa India. Ang Ramayana ay umiikot sa buhay pag-ibig nina Prinsipe Rama at Prinsesa Sita.

    Sina Rama, Sita at Lakshamanan ay itinapon ng kaharian ng Ayodha at nakatira na sa isang gubat. Isang araw, ay binisita sila ng isang babae na hindi nila nalalamang ang tunay niyang anyo ay si Surpanaka, ang kapatid ng hari ng mga higante at demonyong si Ravana. Nais niya itong mapakasal kay Rama subalit tumanggi si Rama sapagkat kasal na siya kay Sita.

    Sa selos at galit ay naging malaking higante si Surpanaka at nilundag si Sita para patayin. Subalit, naligtas si Sita ni Rama at pareho silang lumayo kay Surpanaka. Iniutos ni Rama si Lakshamanan na patayin si Surpanaka, kaya nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. Nang nakita ni Ravana ang itsura ng kanyang kapatid, nagsinungaling si Surpanaka para gantihin si Rama at bihagin ni Ravanna si Sita.

     

    Alin sa sumusunod na pangyayari sa epiko ang nagpapakita ng gawain ng pamilya na kapupulutan ng aral o mayroon positibong impluwensiya?

    Nais niya itong mapakasal kay Rama subalit tumanggi si Rama sapagkat kasal na siya kay Sita.

    Sa selos at galit ay naging malaking higante si Surpanaka at nilundag si Sita para patayin

    Isang araw, ay binisita sila ng isang babae na hindi nila nilalamang ang tunay niyang anyo ay si Surpanaka, ang kapatid ng hari ng mga higante at demonyong si Ravana

    Sina Rama, Sita at Lakshamanan ay itinapon ng kaharian ng Ayodha at nakatira na sa isang gubat.

    30s
  • Q7

    Ang Epikong Ramayana at Mahabharata ay ilan lamang sa kontribusyon ng kabihasnang Indus.  Sa kasalukuyang panahon, paano natin pinapahalagahan ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan?

    Sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahanga-hangang bagay

    Sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kanilang ambag sa kasalukuyan.

    Sa pamamagitan ng pagsasaulo sa kanilang mga nagawa.

    Sa pamamagitan ng paghanga at pagpapanatili sa kanilang mga pamana.

    30s
  • Q8

    Ang Ramayana at Mahabharata ay epikong pamana sa larangan ng panitikan sa India. Ang Ramayana ay umiikot sa buhay pag-ibig nina Prinsipe Rama at Prinsesa Sita.  Sa anong paraan pinalawak ang paksa?

    pagpapaliliwanag

    pagsusuri

    paghahawig o pagtutulad

    pagbibigay-depinisyon

    30s
  • Q9

    Malaki ang pagmamahal ni Rama kay Sita ________ ibibigay nito ang sarili niyang buhay para sa kaligtasan ng asawa.  Alin ang angkop na hudyat upang mabuo ang pangungusap?

    bunga nito

    dahil

    sapagkat

    kaya

    30s
  • Q10

    Batay sa mga pangyayari, alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakatulad o pagkakaugnay ng kultura ng mga bansa sa Southeast Asia.

    Pagkakaroon ng maraming anak sa isang pamilya

    Pagpapakita ng pagmamahal sa pamilya lalo na sa asawa

    Pagpapalawak ng na sasakupansa pamamagitan ng pananakop

    Pagpapakita ng lakas ng kapangyarihan sa mga mamamayan

    30s

Teachers give this quiz to your class