1st Quarter Integrative Formative Test in MAKABAYAN (Grade 9)
Quiz by Shin Silva
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Panuto: Basahin ang maikling talata at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Ang ekonomiks ay ang disiplina na kung saan pinag-aaralan kung paano ang mga kalakal na magagamit na mga tao ay pinamamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan o sa pagkonsumo ng mga mamamayan sa isang bansa. Ang presyo ng produkto at serbisyo ay nagiging motibasyon sa pagkonsumo. Kapag mas mababa ang presyo mas tinatangkilik ng tao ang produkto at serbisyo dahil mas marami silang mabibili.
Ang kita ay nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Kapag ang tao ay malaki ang kita mas marami siyang nabibiling produkto at serbisyo kaysa sa mababa ang kita. Samantala, kapag may utang ang tao, naglalaan siya ng pambayad. Ito ay nagdudulot ng pagbaba sa kanyang pagkonsumo. Maraming nakakaimpluwensya sa pagkonsumo ng tao lalo na ang mga pag-anunsyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging internet at iba pang social media.
Batay sa binasa, ano ang katangian ng isang mabuting ekonomiya?
Limitado ang trabaho para sa mga mamamayan.
Maraming utang ang bansa.
May mababang presyo ng produkto at malaki ang kita ng mga tao.
Mataas ang presyo ng mga bilihin.
30s - Q2
Ang presyo ng produkto at serbisyo ay nagiging motibasyon sa pagkonsumo. Alin ang HINDI kasama sa denotatibong kahulugan ng salitang nakasulat ng mariin?
Pangontra
Panghalina
Panghikayat
Pang-akit
30s - Q3
Ang ekonomiks ay ang disiplina na kung saan pinag-aaralan kung paano ang mga kalakal na magagamit na mga tao ay pinamamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan o sa pagkonsumo ng mga mamamayan sa isang bansa. Ano ang konotatibong kahulugan ng salitang nakasulat ng mariin?
Benta o kita
Produkto o serbisyo
Bote at bakal
Pamalit
30s - Q4
Batay sa binasang talata, Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo?
Utang
Kita
Klima
Presyo
30s - Q5
Paano nakatutulong ang pagkonsumo sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya ng bansa?
Umaangkat ng produkto sa ibang bansa.
Nauubos ang likas na yaman ng bansa.
Nadadagdagan ang kita ng mga negosyo at natutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Dumadami ang bilang ng mga walang trabaho.
30s - Q6
Basahin ang teksto. Piliin ang titik ng tamang sagot na tutugon sa bawat pangungusap.
Nagpalabas ng isang Planong Aksyon: Pagprotekta sa Kalusugan ng Mga Tao at Ating Ekonomiya ang pamahalaan . Ang 2021 Badyet ay ang susunod na bahagi sa pagtugon sa Covid-19 at ang pangalawang Badyet na inihatid ng gobyerno sa panahon ng pandemya.
“Hindi maaaring magkaroon ng malusog na ekonomiya kung walang malusog na mga tao,” ang sabi ng pangulo. “Sa nakalipas na taon, nakapako ang isipan natin sa pagprotekta sa mga tao sa COVID-19. Marami pang mga hadlang s ahinaharap. Nguni’t sa pamamahagi ng mga bakuna sa bawa’t sulok ng probinsya, ang pag-asa ay nasa abot-tanaw na. Handa na tayong tapusin ang tungkulin na sinimulan natin noong isang taon.” Ang 2021 Badyet ay pinalalaki ang mga nakatalang pamumuhunan ng gobyerno sa pagtugon sa pangmundong pandemya, na nagbigay ng kabuuan ng mga pamumuhunan para sa pagprotekta sa kalusugan ng mga tao at upang protektahan ang ating ekonomiya.
Angkabutihang panlahat ay tumutukoy sa_____.
Nakabubuti para sa lahat ng tao
Nakabubuti para sa iilan lamang
Nakabubuti para sa nakararami
Nakabubuti para sa nakaririwasa sa buhay
30s - Q7
“Hindi maaaring magkaroon ng malusog na ekonomiya kung walang malusog na mga tao”, anong mahalagang elemento ng kabutihang panlahat ang ipinahihiwatig ng pangungsap?
Ang tawag ng katarungan o kapakanan ng pangkat
Ang kapayapaan.
Ang paggalang sa indibidwal na tao
Wala sa nabanggit
30s - Q8
Batay sa teksto, masusing pinaplano ng pamahalaan ang badget para sa pagbili ng mga bakuna at para din sa ekonomiya ng bansa. Ang kaalaman tungkol dito ay makatutulong sa pagbibigay ng _________________ ng ating pamahalaan.
matalinong pagdedesisyon
inefficient
marginal thinking
opportunity cost
30s - Q9
_______________ higit na makatutulong ang bakuna upang makaiwas ang tao sa isang mapanganib na sakit. Alin ang angkop na gamitin sa pangungusap?
Sa pahayag ko
Mababasa sa
Sa aking palagay
Ang paniniwala, ako ay
30s - Q10
Ang pagbabadget ng pamahalaan para sa pagbili ng mga bakuna ay isang mahusay at tamang paraan upang mapanatiling malusog ang tao at ekonomiya ng bansa, sapagkat ________________________.
Hindi magkakaroon ng malusog na ekonomiya kung walang malusog na tao
Magiging benepisyo sa kalusugan ng isipan ng bawat mamamayan
Makakasagabal ito sa kalagayan at kayamanan ng kapaligiran
Makakaapekto ito sa Kalusugan ng mga kabataan
30s