placeholder image to represent content

1st Quarter - PERIODICAL TEST

Quiz by NINO MENDOZA BANTA

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1

    Ang ekonomiks ay itinuturing na agham panlipunan sapagkat:

    Ito’y sumasaklaw sa pag-aaral ng kilos at gawi ng tao habang tinutugunan ang kanyang mga pangangailangan.

    Ito’y pamamahagi ng kita ng pamahalaan sa mga taong bayan.

    Ito’y pagsasama-sama ng mga datos para pag-aralan ang bilang ng mga nandarayuhan sa bansa.

    Ito’y paghahati ng mga limitadong pinagkukunang yaman ng lipunan.

    60s
  • Q2

    Bakit dapat matutunan ng bawat mamamayan ang ekonomiks?

    Ito ay may kinalaman sa lahat ng dako ng daigdig.

    Malaki ang ginagampanan ng ekonomiya sa politika ng bansa.

    Pinahahalagahan nito ang ating kalikasan.

    Nalalaman dito ang wastong paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.

    60s
  • Q3

    Ang ekonomiks ay isang mahalagang agham panlipunan. Ano ang pinag-aaralan nito?

    Paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.

    Pamamahagi ng pinagkukunang yaman.

    Paggawa ng mga produktong kailangan ng tao.

    Pagpaparami ng pinagkukunang yaman.

    60s
  • Q4

    Ano ang batayang kasagutan na hinahanap sa ekonomiks?

    Paano magagamit ang mga pinagkukunang yaman upang mapaunlad ang buhay.

    Paano makakamtan ng tao ang kasaganaan.

    Paano gagamitin ang mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang pangangailangan ng tao.

    Paano mapapaunlad ang isang bansa.

    60s
  • Q5

    Alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng ekonomiks kung ang pagbabatayan ay ang konsepto ng kakapusan?

    Ito ay agham ng pag-uugali ng tao na may epekto sa kanyang rasyonal na pagdedesisyon

    Ito ay pag-aaral ng tao at ang lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pagkabuhayan.

    Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanilang kinakaharap.

    Ito ay ang pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan.

    60s
  • Q6

    Ano ang dahilan bakit may trade-off at opportunity cost?

    Limitado ang kaalaman ng tao sa pagpapasya

    Walang katapusan ang pangangailangan ng tao.

    Upang makalikha ng mas maraming kalakal.

    Sagana ang buhay ng tao.

    60s
  • Q7

    Kung ikaw ay isang matalinong mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?

    Isinasaalang-alang ang hilig at kagustuhan.

    Isinasaalang-alang ang magiging bunga ng desisyon.

    Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala at tradisyon.

    Isinasaalang-alang ang itsura at porma.

    60s
  • Q8

    Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kahalagahan ng ekonomiks na tumutukoy sa indibidwal MALIBAN sa:

    Pagpili ng kaibigan 

    Pagbabadyet ng pagkain ng pamilya

    Pagpili ng Kurso sa kolehiyo

    Paggastos sa baon

    60s
  • Q9

    Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:

    pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao

    pinag-aaralan nito ang pag-uugali ng tao habang tinutugunan ang kanyang pangangailangan at kagustuhan

    nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig

    pinag-iisipan sa araling ito kung paano makaipon ng salapi ang tao

    60s
  • Q10

    Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng suliraning ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang “tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pangekonomiko?

    Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?

    Ano-anong produkto o serbisyo ang gagawin?

    Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

    Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?

    60s
  • Q11

    Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?

    Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks na magagamit sa kolehiyo

    Makakatulong upang makapagturo ng ekonomiks sa hinaharap

    Makakatulong ang mga konseptong malalaman upang maging kritiko ng pamahalaan

    Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at mga siyentipikong pamamaraang makakatulong upang maging matalino sa pagpapasya

    60s
  • Q12

    Ano ang tawag sa pagtatakda ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang kagustuhan at pangangailangan?

    Alokasyon 

    Reserbasyon

    Pamumuhunan     

    Distribusyon 

    30s
  • Q13

    Sa aling sistema may lubos na kontrol ang pamahalaan sa ekonomiya ng bansa?

    Mixed Economy

    Traditional Economy

    Command Economy

    Market Economy

    30s
  • Q14

    Alin sa mga sumusunod ang HINDI na naglalarawan sa lipunang may market economy?

    Malayang nakakapasok ang mga kalakal sa pamilihan.

    Ang pamahalaan ang may kontrol sa negosyo.

    Walang buwis na ipinapataw sa mga kalakal.

    Maraming nagtitinda ang nagpapababaan ng presyo.

    30s
  • Q15

    Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ang naniniwala sa malayang pamumuhunan?

    Mixed Economy

    Traditional Economy

    Command Economy

    Market Economy

    30s

Teachers give this quiz to your class