
2023 Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 7
Quiz by Rovinia A. Resuello
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
Sa ganitong paraan pinalaganap ng mga sinaunang Pilipino ang mga akdang pampanitikan gaya ng kuwentong bayan, pabula, maikling kuwento, at alamat.
Ang Mindanao ay tinatawag ding _______ ng Pilipinas.
Dahil sa ginagawa ni Lokus a Mama sa kanyang asawang si Lokus a Babae, nagpasiya itong iwanan na ang asawa. Sa pangyayaring ito mahihinuha natin na:
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng mga kaugalian, paniniwala at kulturang Muslim na tinalakay sa kuwentong bayang “Ang Munting Ibon”?
Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso. Ano ang kasingkahulugan ng salitang takipsilim?
Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng patunay?
Mulasa bidyo na ipinalabas sa programang 24 Oras, naipakita ang mga pangyayari sa pagragasang bagyong Karding. Ang pagbibigay patunay na ginamit sa pahayag ay:
Ang Departamentong Pang-agrikultura ay naglaan ng kulang 20 bilyong piso badyet para makamit ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon. Ano ang salitang pagpapatunay na ginamit sa pahayag?
Isang akdang pampanitikan na nagbibigay ng aral at kadalasang gumagamit ng mga hayop, puno, o bagay bilang tauhan.
Sino ang itinuturing na ama ng pabula?
Anong aral ang mahihinuha sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?
Sa kuwentong Ang Mataba at Payat na Usa, ano ang mahihinuhang kalagayang panlipunan ng mga mamamayan sa lugar na pinangyarihan?
1.    Ang_______________ ay isang kasanayang naglalayong hulaan ang kalalabasan ng pangyayari o kuwento.
Ang isang tao, gaano man kasama ay maaaring magbagong-buhay. Tukuyin ang ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.
Kung minsan, may mga taong tila ginagawa lamang ang pagbabago para mapagbigyan ang iba.
Kapag ang mismong tao ang nagdesisyong gusto niyang magbago, baka ito na ang pagbabagong mapapanindigan.
Isang tulang pasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan, at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan sa gitnang mga pangyayaring di kapani-paniwala.
Ang epikong Indarapatra at Sulayman ay mula sa pangkat-etniko na
“Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman. Ano ang katangian ni Sulayman batay sa tono at paraan ng kaniyang pananalita?
Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nanalot. Ano ang sinisimbolo ng “apat na halimaw" sa lipunan ng pulong mindanao?
Binigyan ng isang singsing at isang espada ang kanyang kapatid upang sandatahin sa pakikibaka. Ano ang simbolo ng singsing at espada sa mamamayan ng pulong Mindanao?
Walang sinuman ang nangahas na makaaway si Bantugan. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?
Labis na nalungkot si Indarapatra ________ nalaman niyang namatay na ang kapatid na si Sulayman.
Kinausap ng babae ang kaniyang asawa sapagkat gusto niyang malutas ang kanilang suliranin. Anong bahaging pangungusap ang naglalahad ng sanhi?
Ito ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha o pagkalap ng impormasyon na magagamit sa iba’t-ibang kadahilanan.
Ano ang tawag sa ikalawang seremonya ng Pagislam kung saan gumugupit ng buhok ang Imam at inilalagay sa mangkok na may tubig?
Marahas na inalalayan ni Ibrah ang kanyang asawang si Aminah matapos nitong makapanganak upang hindi ito masaktan. Ang pangungusap ay
Sa elemento ng maikling kuwento, ito ang panahon at lugar kung saan naganap ang kuwento.
Sa banghay, ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito ipinapakita ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento.
 Araw ng Linggo noon, kasama ni Kara David ang pamilya ni Mang Joseph na umakyat sa bundok upang pumutol ng 60 piraso ng buho, pambayad sa inutang na pagkain sa tindahan. Ang mataas na bundok na kailangang akyatin, ang matarik na daan pababa habang pasan ang mahahabang buho, ito ay para sa pag-asa na mababago ang buhay nila. Ang pagtatapos sa pag-aaral, pangarap na tila kasing tayog ng mga buhong inaasahan nila sa buhay. Anong pagsusuri ang mabubuo mo kung ang pamantayang gagamitin ay ang pagsusuri sa paksa ng dokumentaryo?
Mula sa dokyumentaryo ni Kara David na “Pangarap na Kawayan”, anong elemento ng dokyu-film ang tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
Ang tawag sa mga salita na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
Maraming magagandang oportunidad ang naghihintay sa isang matalinong mamamayan. Anong uri ng retorikal na pang-ugnay ang nakasulat ng madiin?
Lahat ng ginagawa ng mga nangunguna sa pagsugpo ng krisis ay________ kaligtasan ng lahat.
Magtanim tayo ng mga halaman _____ gulay upang makasiguro na walang kemikal ang ating kinakain.
Ang mga bayani ng lahi ay dapat na pahalagahan __________ nagbuwis sila ng buhay para sa bayan. Alin ang tamang pang-ugnay sa mga sumusunod?
Akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa tanghalan.
Sino ang may akda ng dulang Ang Mahiwagang Tandang?
Ang dulang panlansangan na ito ay ginaganap tuwing Pasko kung saan sina Maria at Jose ay naghahanap ng lugar na mapagsisilangan kay Jesus.
Ito ay sistematikong paghahanap ng impormasyon hinggil sa isang paksa
Kapag natapos na sa pagkalap ng lahat ng mga datos o impormasyon, ano ang susunod na gagawin sa pagsasagawa ng pananaliksik?
Malinis ang kapaligiran dahil sa mga masisipag na mamamayan. Anong bahagi ng pangungusap ang naglalahad ng bunga?
Ang paggamit ng index card upang maitala ang impormasyon sa isinasagawang pananaliksik ay tinatawag na:
Pinakamahalaga at unang hakbang sa pananaliksik sa pagbuo ng travel brochure dahil dito isinasaalang-alang ang iyong interes, materyales at pagkukuhanan ng impormasyon.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang travel brochure na iyong ginawa ang makaaakit sa mga turista upang pasyalan? Sila ay mahihikayat na pasyalan ito dahil sa ______________________.
Kuhanin mo ang bulad at ng atin nang maging hapunan mamaya. Ano ang kahulugan ng salitang hiram na bulad?
Paano nasasalamin sa dulang “Ang Mahiwagang Tandang” ang pagsamba ng mga tao sa itinuturing nilang Bathala?
Mga ideyang o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat ng tao o mapapatunayang totoo.
"Pasko na." Anong uri ito ng pangungusap na walang paksa?
"Walang anuman." Anong uri ito ng pangungusap na walang paksa?