placeholder image to represent content

2nd QT GMRC 4

Quiz by MARY ROSE B. CAGUILLO

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1

    Ano ang kahulugan ng “kakayahan”?

    Isang kasanayan

    Isang hilig

    Isang aral mula sa pamilya

    Isang talento 

    30s
  • Q2

    Alin sa mga sumusunod ang maaaring matutunan ng bata sa pamilya kaugnay ng maayos na komunikasyon?

    Pagtulong sa gawaing bahay

    Pag-aaral ng mga bagong laro

    Pakikipaglaro sa mga kaibigan

    Pagiging magalang sa pakikipag-usap

    30s
  • Q3

    Ano ang ibig sabihin ng “kaugalian”?

    Paniniwala

    Kasanayan 

    Gawain na palaging ginagawa

    Pangarap

    30s
  • Q4

    Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng mamamayan upang mapanatili ang kalinisan ng tubig?

    Pag-iwas sa pagtatapon ng basura sa ilog

    Pagtatanim ng puno

    Pagiging magalang sa kapuwa

    Pag-aaral ng likas na yaman

    30s
  • Q5

    Ano ang aral na maaaring matutunan mula sa pamilya tungkol sa pananampalataya? 

     Magtipid ng tubig

    Magtapon ng basura sa tamang lugar

    Magbigay ng tulong sa kapitbahay

    Manalangin bago kumain

    30s
  • Q6

    Bakit mahalaga ang gabay ng pamilya sa pagpapaunlad ng kakayahan ng bata?

    Dahil nakakadagdag ito ng responsibilidad

    Dahil natuturuan nitong magpalakas ng loob

    Dahil naituturo nito ang tamang pag-uugali

    Dahil nagpapakita ito ng pagiging mapanuri

    30s
  • Q7

    Ano ang epekto ng maayos na komunikasyon sa loob ng pamilya?

    Nabibigyan ng mas maraming oras ang pamilya sa gawain

    Nabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makapagsalita

    Nagiging mas mabuting mag-aaral ang bata

    Napapalapit ang mga kasapi sa isa’t isa

    30s
  • Q8

    Paano nakatutulong ang pagpapanatili ng kalinisan ng tubig sa kapaligiran?

    Nagiging mas ligtas ang kapaligiran para sa lahat

    Nababawasan ang tubig sa ilog

    Natututo ang lahat magtipid

    Napapalawak ang kaalaman sa likas na yaman

    30s
  • Q9

    Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tungkulin ng pamilya sa kalinisan ng tubig?

    Upang magkaroon ng mas maayos na tahanan

    Upang maging mas masaya ang bawat kasapi

    Upang may sapat na tubig sa susunod na henerasyon

    Upang mapanatili ang kanilang kalusugan

    30s
  • Q10

    Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kaugalian?

    Pakikipaglaro sa mga kaibigan

    Pagdalo sa mga okasyon ng pamilya

    Pagtulong sa mga kapitbahay

    Paggawa ng takdang-aralin

    30s
  • Q11

    Paano mo maipapakita ang iyong pagiging masunurin sa pamilya?

    Sa pamamagitan ng panunuod ng telebisyon

    Sa pamamagitan ng paglabas ng bahay

    Sa pamamagitan ng pagpapakita ng respeto sa mga nakakatanda

    Sa pamamagitan ng pagdadala ng pagkain sa paaralan

    30s
  • Q12

    Paano mo maaaring ipakita ang pananampalataya sa pamilya?

    Pagiging masayahin

    Pagsasabi ng totoo

    Pananalangin bago matulog

    Pagiging matulungin sa gawaing bahay

    30s
  • Q13

    Ano ang maipapayo mo sa isang kaibigan na nais magpatuloy sa kaniyang hilig na pagguhit?

    “Mas mabuting tumigil na lang.”

    “Hintayin mo na lang kung kailan ka matututo.”

    “Huwag mo na ituloy dahil mahirap.”

    “Ituloy mo at magpatulong sa iyong pamilya.”

    30s
  • Q14

    Paano makakatulong ang pamilya sa pagpapaunlad ng kakayahan ng bawat kasapi?

    Sa pamamagitan ng panunuod lamang

    Sa pamamagitan ng pagbigay ng mga mahal na kagamitan

    Sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta at paggabay

    Sa pamamagitan ng hindi pagsasalita

    30s
  • Q15

    Paano mo masasabuhay ang pagiging mapagpasensya?

    Sa pamamagitan ng pagtaas ng boses

    Sa pamamagitan ng pagtanggi sa payo ng iba

    Sa pamamagitan ng pakikinig sa opinyon ng iba

    Sa pamamagitan ng paglalaro

    30s

Teachers give this quiz to your class