placeholder image to represent content

2nd Quarter - EsP - #4

Quiz by BENGEN RAMIREZ

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
25 questions
Show answers
  • Q1
    Ikaw ay pumapasok sa isang eksklusibong paaralan sa inyong bayan at ang ibang mga batang katulad mo ay nag-aaral naman sa isang pampublikong paaralan. Magkaiba man ng pinapasukang paaralan, iisa lamang ang ipinapahiwatig nito na kayong lahat ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. Anong karapatan ang tinutukoy dito?
    Karapatang sa maayos na kasuotan at tirahan
    Karapatang maglaro at maglibang
    Karapatan sa pagkain at malusog na pangangatawan
    Karapatan sa sapat na Edukasyon
    30s
  • Q2
    Si Myrna ay kinupkop ng mag-asawang Abner at Nelia mula nang maulila ito sa kaniyang mga magulang. Nagsilbi silang pangalawang mga magulang ng bata. Anong karapatan ang tinatamasa niya ngayon sa piling ng bagong mga magulang?
    Karapatang mabigyan ng pangalan
    Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
    Karapatan sa Edukasyon
    Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan
    30s
  • Q3
    Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang maabot ang pinakamahusay na kakayahan?
    Ayaw ni Aling Vicky na sumasali sa pag-eensayo ang kaniyang anak lalo na sa paglalaro ng basketbol dahil ayaw niyang napapagod ito.
    Palaging sinusuportahan ni Aling Mila ang kaniyang anak sa tuwing lumalahok ito sa patimpalak ng pag-awit at pagsayaw sa kanilang lugar at karatig lugar.
    Wala sa mga nabanggit.
    Paghadlang ni Aling Alona sa mga nais matutuhan ng kaniyang anak tulad ng pagpipinta at pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika dahil nanghihinayang siya sa perang gagamitin sa pagbili ng mga gamit para rito.
    30s
  • Q4
    Alin ang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad mo?
    Pagtawag sa tunay na pangalan ng iyong kamag-aral kaysa sa alyas nito o anumang nais mong itawag sa kaniya.
    Pinagtatawanan mo ang batang may kakaibang pangalan.
    Si Jiro na tinatawag mong “Duling” kaysa tawagin siya sa tunay niyang pangalan.
    Malimit na pangangantiyaw sa batang pilay at tuwang-tuwa ka pang ipagsigawan na tawagin siyang “Pilay”.
    30s
  • Q5
    Ikaw ay binigyan ng pangalan ng iyong mga magulang noong ikaw ay isinilang at ipinarehistro sa pamahalaang lokal sa inyong bayan at lalo pa itong napagtibay nang ikaw ay binyagan. Anong karapatan ang tinamasa mo?
    Karapatang igalang at mahalin
    Karapatang makapaglibang
    Karapatang mabigyan ng pangalan
    Karapatang magkaroon ng maayos na kasuotan
    30s
  • Q6
    Ibinibigay ng mga magulang mo ang lahat ng iyong pangunahing pangangailangan at inaalagaan ka rin nila palagi maysakit ka man o wala. Anong karapatan ang mayroon ka rito?
    Karapatang magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga
    Karapatang makapaglibang
    Karapatang mapaunlad ang kakayahan
    Karapatang isilang at mabigyan ng pangalan
    30s
  • Q7
    Ang mga sumusunod ay mga pamamaraang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng batang katulad mo maliban sa isa, alin ito?
    Pakikialam sa iyong mga karapatan at paghadlang para matamo ang mga ito.
    Pangangalaga sa iyong mga pangangailangan.
    Pagpapahintulot na maabot mo ang pinakamahusay na kakayahan.
    30s
  • Q8
    Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pagtatamasa ng karapatang manirahan sa tahimik at payapang lugar?
    Wala sa mga nabanggit.
    Isang batang nakatira sa isang payak na tahanang nasa gitna ng kabukiran kasama ang kaniyang pamilya.
    Isang batang palaboy na nakikituloy lamang sa mga kakilala kung saan abutin ng gabi.
    Mga batang namamalimos sa daan at halos sa tabing kalsada na rin natutulog gamit ang karton na higaan.
    30s
  • Q9
    Nakararanas ng pagmamaltrato si Eunice sa kaniyang tiyuhin. Lagi siyang sinasaktan nito kapag hindi kaagad nakakasunod sa ipinag-uutos nito. Hindi niya na matiis kaya nagtungo siya sa DSWD upang matulungan siya ng mga ito. Anong karapatan ang natamo niya sa kaniyang pagpunta sa DSWD?
    Karapatang mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-aabuso
    Karapatang mabigyan ng sapat na Edukasyon
    Karapatang magkaroon ng maayos na kasuotan at tahanan
    Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
    30s
  • Q10
    Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa iyong mga karapatan bilang bata maliban sa isa. Alin ito?
    Karapatang mabigyan ng proteksiyon laban sa pang-aabuso
    Karapatang makapagpahayag ng sariling pananaw/opinyon
    Karapatang maipagtanggol ng pamahalaan
    Karapatang kumuha at makialam sa pagmamay-ari ng iba
    30s
  • Q11
    Nahalal kang kalihim ng inyong klase. Alam mo na marami itong kaakibat na gawain na dapat gampanan.
    Gagampanan ko ang makaya lamang na gawain.
    Sisikapin kong gampanan ito ng buong husay.
    Uutusan ko palagi ang iyong pangalawang kalihim.
    Pababayaan ko ang aking pananagutan sa klase.
    30s
  • Q12
    Matalino ka at aktibo sa klase. Gusto kang maging pangulo ng iyong mga kaklase.Sinabi nila na iminumungkahi ka bilang pinuno ng Student Council.
    Tatanggapin at iaatang sa mga kasapi ang tungkulin.
    Tatanggapin ang mungkahi upang maging popular sa paaralan
    Tatanggihan ang mungkahi at magdadahilan.
    Tanggapin at gagampanan ng buong husay ang nakaatang na tungkulin
    30s
  • Q13
    Binigyan ang pangkat mo ng iyong guro ng limang araw upang tapusin ang sand table ng ecosystem. Bilang lider ng grupo ano ang gagawin mo?
    Hahayaaan ko ang aking mga kagrupo na tapusin ang gawain.
    Iuuwi ang proyekto at ipagagawa sa mga kasama sa bahay
    Pipilitin kong matapos ang gawain kahit mahuli ako sa ibang klase.
    Pupulungin ko ang kasapi ng pangkat at sama-sama naming tatapusin ang proyekto.
    30s
  • Q14
    Gusto mong magpasikat sa iyong mga kaibigan kaya’t nangako ka na ikaw na lang ang gagawa ng inyong group project sa Sining.
    Isusulit mo sa kasapi ng pangkat kapag hindi mo natapos.
    Ipagagawa mo sa iyong kuya o ate dahil hindi mo kaya.
    Gagawin ang proyekto kasama ang mga kaklase.
    Ipagagawa mo sa iba at pababayaran mo sa iyong nanay.
    30s
  • Q15
    Napili ka ng mga kaklase at guro mo na maging lider sa gagawing paligsahan sa Clean and Green Environment. Ano ang magiging saloobin mo dito?
    Aalamin ng mabuti ang tungkulin at tatanggihan ito kung mahirap
    Tatanggapin agad at iaasa ang gawain sa mga kasamahan.
    Pag-aaralan ang tungkulin at gagampanan ng buong husay
    Iaasa sa mas nakatatanda at nakakaunawa ang mga gawain.
    30s

Teachers give this quiz to your class