
2nd Quarter - Lecture 2
Quiz by NINO MENDOZA BANTA
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Sa pagtaas ng presyo ng isa sa mga magkakaugnay (compliment) na produkto, asahang bababa ang demand sa kaugnay na produkto nito. Samantala kung maraming kapalit o kahalili ang produkto asahang sa pagtaas ng presyo nito ay ang pagtaas naman ng demand sa mga kahaliling (substitute) produkto.
Kapag inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, ang ilan sa kanila ay mamimili ng higit sa kanilang pangangailangan upang samantalahin ang mababang presyo.
Ang mga taong may mataas na kita ay may kakayahang bumili ng mas maraming produkto kaysa mga taong may mababang kita.
Sa paglaki ng populasyon, inaasahang magiging malaki rin ang demand sa lahat ng uri ng produkto at serbisyo. Ang tao ay isang mamimili kaya’t ang karagdagang tao sa populasyon ay karagdagang bilang ng mamimili na kumokonsumo ng iba’t-ibang produkto at
serbisyo.
Ang panlasa ay naaayon sa edad, kasarian, sitwasyon o pangangailangan, kaugalian, at iba pa. Halimbawa, mataas ang demand para sa bagong modelo ng cellphone dahil ito ay napapanahon o uso lalo na sa mga kabataan.