
2nd Quarter - Lecture 3
Quiz by NINO MENDOZA BANTA
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handang ipagbili sa magkakaibang presyo sa isang takdang panahon sa isang pamilihan.
Nais ng isang prodyuser na ____________________ kaya naman kailangang makagawa ng produkto o serbisyo sa mababang gastos at ipagbili sa mataas na halaga.
Nagiging batayan sa pagbebenta ng isang produkto ang ______________ nito.
Ayon sa ___________________, kapag mababa ang presyo ng isang produkto o serbisyo, ang dami ng suplay ay mababa. Subalit kapag mataas ang presyo ng naturang produkto o serbisyo, mataas rin ang suplay nito,
Mas malaki ang kasiyahang natatamo ng mga _________________________ kapag mataas ang presyo dahil mas malaki ang kanilang kikitain.
Ang mga salik ng produksyon o _____________ ay ang ginagamit upang mabuo ang isang produkto o serbisyo.
Kung may inaasahang pagtaas sa presyo ng mga produkto, bumibili na agad ang mga mamimili ng marami upang makaiwas sa pagtaas ng presyo sa hinaharap.
Ang produktibidad at episyenteng paraan ng paggawa ay nakababawas ng gastos sa pagbuo ng produkto o serbisyo. Ang makabagong teknolohiya ay nakatutulong upang mapabilis at mapalaki ang produksyon sa maikling panahon.
Ang bilang ng prodyuser ng isang produkto at serbisyo sa isang pamilihan ang siyang magsasabi kung gaano karami ang produktong maaaring ipagbili.
Kung and demand ay kumakatawan sa mga mamimili, Sino naman ang kinakatawan ng suplay?