Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Anong salik o hadlang ang tumutukoy sa kawalan ng kaalaman, at patungkol din sa dalawang uri ng bagay, ang batas at totoong bagay (facts)?

    MasidhingDamdamin (Concupiscence)

    Kamangmangan (Ignorance)

    Takot (fear)

    Karahasan (violence)

    45s
    EsP10MK-IId-6.4
  • Q2

    Anong salik ang tumutukoy sa matinding gana ng katawan (appetite), kilos, o damdamin, na humahatak sa kilos-loob ( will) na maghanap ng kabutihan at lumayo sa masama?

    Kamangmangan (Ignorance)

    Takot (fear)

    MasidhingDamdamin (Concupiscence)

    Karahasan (violence)

    45s
    EsP10MK-IId-6.4
  • Q3

    Anong salik ang nagmumula sa kaba sa hamon ng masama, at ito ang nagiging dahilan ng paglayo dito upang maghanap ng kaligtasan?

    Gawi (Habits)

    Takot (fear)

    Kamangmangan (Ignorance)

    Karahasan (Violence)

    45s
    EsP10MK-IId-6.4
  • Q4

    Anong salik ang tumutukoy sa puwersahang pagpapakilos ng isang taong mas makapangyarihan, mas malakas, sa isang taong mas mahina o walang kapangyarihan, na kadalasan ay labag sa kalooban ng huli?

    Takot (Fear)

    Karahasan (Violence)

    Kamangmangan (Ignorance)

    Gawi (Habits)

    45s
    EsP10MK-IId-6.4
  • Q5

    Anong salik ang tumutukoy sa permanenteng katangian na kaagad nagagawa nang may kagaanan? Ito ay may gawaing pauli-ulit na isinasagawa na nagiging bahagi na ng kakayahan ng isang tao.

    Karahasan (Violence)

    Kamangmangan (Ignorance)

    Gawi (Habits)

    Takot (Fear)

    45s
    EsP10MK-IId-6.4
  • Q6

    Anong uri ng kamangmangan ang nagpapakita ng kawalan ng kaalaman sa isang gawain, kaya maaari itong  madaig sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa pagsasanay o pag-aaral?

    Di-nadaraig

    Takot (Fear)

    Nadaraig

    Masidhing Damdamin (Concupiscence)

    45s
    EsP10MK-IId-6.4
  • Q7

    Anong uri ng kamangmangan ang tumutukoy sa kung walang ginagawang paraan upang maalis ito; o sadyang iniiwasan ng tao ang kaliwanagan, upang lalo itong magkasala, kaya ang kaniyang kamangmangan ay naapektuhan?

    Nadaraig

    Di-nadaraig

    Takot (Fear)

    Masidhing Damdamin (Concupiscence)

    45s
    EsP10MK-IId-6.4
  • Q8

    Anong mahalagang kaisipan ang ipinakikita ng aralin, na ito ay isang moral na obligasyon na harapin ang ano mang kahihinatnan ng ginawang pasiya at kilos?

    Kamangmangan

    Pananagutan

    Takot

    Masidhing damdamin 

    45s
    EsP10MK-IId-6.4
  • Q9

    Ano ang dalawang bagay ang ipinakikita ng ebanghelyo ayon kay San Marcos, na kinakailangang maisapuso ng bawat Kristiyano? Ang dulot nito'y hindi kapahamakan, ngunit ang muling pagkabuhay.

    Wakas ng Panahon at Paghahanda

    Wakas ng Panahon at Pagsasaya

    Pagsasaya at Pagsasama-sama

    Pakikiisa at wakas ng pagsasama

    45s
    EsP10MK-IId-6.4
  • Q10

    Ano ang kahulugan ng salitang eschatology, na nagmula sa wikang griyego na éskhaton/éskhatos?

    Pag-aaral patungkol sa pasimula ng lahat ng bagay

    Pag-aaral patungkol sa maaaring mangyari sa mga susunod na panahon

    Pag-aaral sa pinagmulan ng lahat ng bagay sa mundo

    Pag-aaral patungkol sa wakas ng panahon at paghuhukom

    60s
    EsP10MK-IId-6.4

Teachers give this quiz to your class