
2ND QUARTER REVIEWER
Quiz by JA Fstn
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?
Lahat nang nabanggit
Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.
Malusog na paglaki ng mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong komersiyal.
Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
30s - Q2
Isa sa mga paraan ng paggawa ng abonong organiko ay tinatawag na fermented fruit juice. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan dito?
Lahat nang nabanggit
Ito ay mula sa pinaghalong paminta, asin at isda.
Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at hinog na mga prutas na hindi maasim
Ito ay mula sa mga nabobolok na mga dahon, tirang pagkain at dumi ng mga hayop
30s - Q3
Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang nauunang gawin?
Ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 12 pulgada o 30 sentemetro ang taas.
Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain at iba pang nabubulok na bagay
Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit anumang pantakip
Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.
30s - Q4
Gaano katagal bago magamit bilang pataba ang mga nabubulok na basura?
Limang araw
Isang buwan
Dalawang linggo
Dalawang buwan
30s - Q5
Ano ang tawag sa isang hukay o isang lalagyan kung saan pinagsama-sama ang mga nabubulok na mga dahon, prutas at gulay at mga tira tirang pagkain?
Rainwater collector
Soil holder
Compost
Nitrogen
30s - Q6
Ang mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko maliban sa isa? Alin dito?
Hindi mabilis matuyo
Maganda ang texture at bungkal (tilt)
Malambot
Matigas
30s - Q7
Nagretiro na sa opisina si Ginoong Advincula kaya naisipan niyang gumawa ng maliit na hardin ng mga gulay at halamang gamot sa likod-bahay at inaasikaso niya tuwing umaga at hapon. Anong pinaka-angkop na kabutihang dulot na tinutukoy nito?
Mayroon siyang taniman
Mayroon silang sariwang gulay sa oras ng pangangailangan.
Nagkakaroon sila ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagbenta.
Nagkakaroon sila ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagbenta.
30s - Q8
Nais ni Emman magtanim ng mga halamang-ugat dahil mayaman ito sa kaloriya at karbohaydrato. Alin sa mga ito ang dapat niyang piliin?
Sitaw at Bataw
Sibuyas at Luya
Gabi at Ube
Rambutan at Lansones
30s - Q9
Hinati sa apat na pangkat ang mga bata sa ikalimang baitang. Bawat pangkat ay may napiling halaman na itatanim na pawang nagbibigay ng sustansya sa katawan. Napiling itanim ng huling pangkat ang madahong gulay na mayaman sa bitamina A, yero at kalsyum. Alin sa mga sumusunod ito?
Atis at Suha
Kamoteng kahoy at Ube
Papaya at Tiyesa
Malunggay at Saluyot
30s - Q10
Saan dapat sumangguni para sa wastong panahon ng pagtatanim ng halamang gulay?
Talaan ng paghahalaman
Kalendaryo ng pagtatanim
Imbentaryo ng kagamitan
Listahan ng mga gulay
30s - Q11
Nais mong magtanim ng gulay sa inyong lugar, ano ang iyong dapat isagawa?
Gumawa ng listahan ng bibilhin sa palengke
Gumawa ng survey ng itatanim
Gumawa ng listahan ng buto
Gumawa ng listahan ng kagamitan
30s - Q12
Ano ang angkop na plano sa pag-aalaga ng hayop bilang mapagkakakitaang gawain?
Pumili ng kahit na anong hayop na gusto mong alagaan
Pumili ng hayop na imported dahil mataas ang kalidad nito
Pumili ng hayop na madalas lutuin ang kanilang karne ng mga tao.
Pumili ng hayop ayon sa hilig ng iyong pamilya
30s - Q13
Paano mo ibebenta ang mga inaning tilapia sa iyong palaisdaan?
Groserya
Banyera
Kaing
Por kilo
30s - Q14
Sa pagsasapamilihan ng inaning isda dapat isaalang-alang ang mga paraang ________.
Por kilo
Groserya
Kaing
Tingian at Pakyawan
30s - Q15
Sa pagsasapamilihan ng iyong alagang manok, kailangan ito ay ________.
Wala sa nabanggit
Payat
Sakitin
Malusog
30s