
2nd Quarter Summative Test
Quiz by Emelind Molina
Grade 9
Araling Panlipunan
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Measure skills
from any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
With a free account, teachers can
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
40 questions
Show answers
- Q1Ang demand ay ang dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon. Kung ikaw ay may baong ₱100 isang araw, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maaaring magpakita ng iyong demand?Ang pagnanais mong sumama sa iyong mga kaibigan sa Time Zone na nangangailangan ng badyet na ₱200.Ang pagnanais mong bumili ng Milktea na nagkakahalagang ₱85.Ang pagnanais mong kumain sa Mang Inasal na nagkakahalagang ₱120.Ang pagnanais mong magpaload ng ₱350 para makapag-internet.30s
- Q2Kapansin-pansin na tumataas ang demand sa bigas kapag may napapabalitang paparating na bagyo. Ito ay bunga ng pagiging handa ng mga mamamayan sa maaaring pagbaha at maaaring pagtaas ng presyo nito sa mga susunod na araw. Sa ganitong sitwasyon, alis sa mga sumusunod na salik ang nakaaapekto sa demand ng mga mamamayan?PanlasaInaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharapDami ng mamimiliOkasyon30s
- Q3Nagsimula si Althea bilang isang clerk sa isang pabrika. Subalit, dala ng kanyang kasipagan, na-promote siya bilang manager sa lamang ng isang taon. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa demand ni Althea para sa damit?Tataas, dahil kailangan niyang magmukhang mas may pera kaysa sa mga tauhan niya.Bababa, dahil bibili siya ng kotse.Tataas, dahil tataas na ang kanyang sweldo.Bababa, dahil marami ang magreregalo sa kanya nito.30s
- Q4Si Aling Lita ay may-ari ng isang bakery sa kanilang lugar. Nagkaroon ng 3% pagtaas sa presyo ng harina ngunit hindi pa rin nagbago ang demand niya para dito. Aling uri ng elastisidad ng demand ang ipinapakita sa sitwasyong ito?Perfectly elastic demandInelastic demandPerfectly inelastic demandUnit elastic demand30s
- Q5Kapansin-pansin ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente. Hindi magawang umangal ng mga konsyumer dahil walang direktang maipalit sa serbisyong ito. Sa ganitong sitwasyon, tatanggapin na lamang ng mga konsyumer ang anumang pagtaas sa bill ng kanilang kuryente. Kung iuugnay natin ang halimbawang ito sa elastisidad ng demand, anong uri ito ng elastisidad?Unit ElasticElasticPerfectly ElasticInelastic30s
- Q6Kamakailan ay nagkaroon ng pagtaas ng presyo sa bigas sa pamilihan. Nag-iisang tindahan sa loob ng isang subdibisyon na malayo sa palengke ang tindahan ni Mang Florendo. Isa sa pangunahing pangangailangan ng mga mamimili ang bigas kaya bibilhin pa rin ito kahit mataas ang halaga. Sa ganitong sitwasyon, ano ang maaaring gawin ni Mang Florendo gayong siya lamang ang may tinda ng bigas sa kanilang lugar?Itataas ang suplay para mas kaunti ang makabibili.Ibababa ang suplay para mas marami ang makabibili.Itataas ang suplay para higit na tumaas ang kanyang kita.Hindi babaguhin ang suplay para bumaba ang presyo.30s
- Q7Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay kinuhang endorser ng Nescafe dahil sa kanilang kasikatan. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari sa mga produktong kanilang inendorso?Bababa ang presyo upang mas lalo pang tangkilikin ng maraming mamamayan.Bababa ang presyo dahil magkakaroon ng kompetisyon sa ibang artista na nag-eendorso ng produkto.Tataas ang presyo upang mabawi ng negosyante ang mataas na talent fee.Tataas ang presyo dahil sa marami silang mga tagahanga na tumatangkilik sa kanilang mga produkto.30s
- Q8Hindi lingid sa kaalaman nga mga mamimili na ayaw magbenta ng produkto ang mga negosyante sa mababang halaga. Ito ay nagiging bunga ng hoarding upang hintayin ang pagtaas ng presyo nito bago nila ilabas sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod na salik ng supply ang tinutukoy sa nabanggit na sitwasyon?Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksyon.Ekspektasyon ng presyoPagbabago sa bilang ng nagtitinda.Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto.30s
- Q9Sa Price Inelastic ng Supply, kinakailangan ng mga supplier ng mahabang panahon upang makapagdagdag ng supply sa isang produkto or serbisyo. Alin sa mga sumusunod na halimbawang produkto o serbisyo ang kinokonsumo ng mga konsyumer ang naaangkop dito?Pagpapatayo ng resortPagbuo ng computerPagpoprodyus ng pagkainPagmamanupaktura ng tela30s
- Q10Masasabing Price Elastic ang supply kung malaki ang naging bahagdan ng pagbabagong quantity supplied kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Mas mabilis para sa mga prodyuser na magbago ng quantity supplied sa maikling panahon. Sa paanong paraan nakikinabang dito ang mga mamimili?Ayaw magprodyus ng mga prodyuser kaya’t walang supply ng produktoMarami ang nagagawang produkto ng mga prodyuser na nagiging dahilan ng maraming pagpipilian para sa mga mamimili.Walang pagbabago sa dami ng produktong mabibili ng mga konsyumer.Walang pagpipiliang produkto ang mga konsyumer30s
- Q11Inelastic ang supply ng BMW. Ano ang ipinahihiwatig nito?Kapag tumaas ang presyo ng BMW ng 1%, tataas din ang quantity supplied ng kulang sa 1%.Ang elasticity coefficient ng supply ng BMW ay equal sa 0.Kapag tumaas ang presyo ng BMW ng 1%, tataas din ang quantity supplied ng higit sa 1%.Gaano man tumaas ang presyo ng BMW, 100 units lamang ang magagawa ng pabrika.30s
- Q12Pinaghandaan na ng husto ni Daisy ang nalalapit na Pasko kaya’t dinamihan na niya ang pagbili ng harina at asukal na gagamitin niya sa kanyang negosyong cake in can. Nang dahil dito tumaas ng mahigit sa 1% ang kanyang maisusupply sa nalalapit na pasko kahit may pagtaas ng presyo sa harina at asukal. Anong uri ng elastisidad ng supply ang tinutukoy sa ganitong sitwasyon?Perfectly InelasticElasticInelasticUnitary30s
- Q13Ano ang ipinapahiwatig sa presyo kapag ang halaga ng isang produkto ay nagkakapareho sa dami ng pangangailangan at panustos?Nagkakaroon ng interaksyon ng demand at suplay.Sa sitwasyong ito umiiral ang katatagan ng presyo.Nagpapahiwatig ng elastisidad ng demand at suplay.Nangangahulugan na ang presyo ng isang produkto ay handang magsuplay ang mga prodyuser sa gustong dami ng mamimili.30s
- Q14Dalawang tangke ng gasul ang binili ng tatay mp sapagkat ayon sa balita, tataas ang presyo nito sa mga darating na araw dahil na rin sa mataas na presyo ng langis sa Pandaigdigang pamilihan. Sa paanong paraan nakaapekto ang sitwasyong ito sa pagpili ng tatay mo ng dalawang tangke ng gasul?Maaaring ibenta ng tatay mo sa mataas na presyo ang isang gasul kapag naranasan na ang kakulangan nito sa merkado.Nakikita na ng tatay mo na liliit ang kakayahan ng kanyang pera na makabili ng dalawang tangke ng gasul kapag tumaas ang presyo nito.Mas okey na magpanic buying para hindi maranasan ang nakaambang kakulangan sa gasul.Naging ugali na ng tatay mo na maging maagap kapag may inaasahang krisis.30s
- Q15Nagkakaroon ng kakulangan kung ang suplay ng produkto at serbisyo ay mababa kaysa sa demand nito. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kalagayang ito sa pamilihan?Maraming tinda ngunit kakaunti ang bumibiliIsa lamang ang bumibili ngunit maraming itinitindaPareho ang dami ng itinitinda at bumibiliMaraming bumibili ngunit kakaunti ang itinitinda30s