Naiwan kayo sa bahay kasama ang iyong bunsong kapatid at ang iyong tiyahin dahil may pupuntahan ang iyong magulang na napakahalaga. Umalis sang iyong tiyahin upang mamili ng inyong pagkain sa palengke. Habang wala ang inyong tiyahin, ang iyong kapatid ay may nakitang posporo sa may upuan. Kinuha niya ito at kaniyang nilalaro malapit sa may tangke ng gasul. Eksaktong magluluto ka na sana ng meryenda, nakita mo ang kaniyang ginagawa. Ano ang gagawin mo?