placeholder image to represent content

2ND_ESP9

Quiz by Michael Roque

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    1. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
    Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
    Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
    Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa ito.
    Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
    60s
  • Q2
    2. Alin ang taglay ng tao kaya siya ay karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kanyang kapwa.
    Dignidad
    Pakikilahok
    Bolunterismo
    Pananagutan
    60s
  • Q3
    3. Bakit mahalagang dapat may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
    Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
    Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
    Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
    Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.
    60s
  • Q4
    4. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
    Pananagutan
    Karapatan
    Tungkulin
    Dignidad
    60s
  • Q5
    5. Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?
    Nagkakaroon siya na makilalang higit ang sarili.
    Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
    Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago.
    Nagkakaroon siya ng pagkakataong makabuo ng suporta at relasyon sa iba.
    60s
  • Q6
    6. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong ibang hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
    Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
    Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
    Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
    Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon.
    60s
  • Q7
    7. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
    Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kanyang mga kapit-bahay.
    Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat-dapat na mamuno.
    Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
    Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aaral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
    60s
  • Q8
    8. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sakong paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
    Konsultasyon
    Sama-samang Pagkilos
    Impormasyon
    Pagsuporta
    60s
  • Q9
    9. Ano-ano ang dapat makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
    Kayamanan, Talento at Bayanihan
    Panahon, Talento at Kayamanan
    Pagmamahal, Malasakit at Talento
    Talento, Panahon at Pagkakaisa
    60s
  • Q10
    10. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang taos pusong pakikilahok at bolunterismo?
    Kabutihang Panlahat
    Naitataguyod ang Pananagutan
    Pagkakaisa
    Pag-unlad
    60s

Teachers give this quiz to your class