
3 Kenji ESP Uri ng Talino by Howard Gardner PART 1 and 2
Quiz by Kenji Warlot Deniega
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Mabilis matututo sapamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. May kaugnayan din ang talinong ito sakakayahan sa matematika.
Ito ang talino sa pagbigkaso pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglaynatalinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Madali para sa kaniya ang matutong ibang wika.
Taglay ng taong maytalino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay maykinalaman sa kahusayan sa matematika,chess, computer programming. Gayunpaman,mas malapit ang kaugnayan nito sakakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstractpatterns, at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos.
Ang taong may ganitongtalino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyangkatawan, tulad halimbawa sa pagsasayawo paglalaro.
Ang taong nagtataglay ngtalinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ngpandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan.
Sa talinong ito,natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Karaniwang ang taong may ganitong talino aymalihim at mapag-isa o introvert.
Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisasa isang pangkat. Ang taong ito ay extrovert. Siya ay epektibo bilang pinuno o tagasunodman.
Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.
Ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. "Bakit ako nilikha?" " Ano ang papel na gagampanan ko samundo?" "Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, salipunan?" Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanangpag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan.