placeholder image to represent content

3RD PERIODICAL TEST IN ESP 9

Quiz by Erlanie R. Beltran

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga kaugnay na pagpapahalaga sa katarungang panlipunan?

    kapayapaan

    Pagpapakumbaba

    Pagkakaisa

    pagmamahal

    30s
  • Q2

     Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?

    Natutuong tumayo sa sarili at hindi umaasa sa tulong mula sa pamilya.

    Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.

    Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.

    Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.

    30s
  • Q3

    Pinagtatawanan at pinagkatuwaan ng barkada ni Marvin ang isang lalaki na may kakulangan sa pag-iisip na nasa lansangan. Ang gawaing ito ay                                                   .

    Mali, sapagakat hindi nila iginalang ang karapatan nito bilang tao.

    Tama, sapagkat wala naman itong maayos na pag-iisip

    Mali, dahil ipinagbabawal ito ng batas.

    Tama, dahil wala naman pakiaalam ang pamahalaan sa mga may kakulangan sa pag-iisip.

    30s
  • Q4

    Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?

    Ang moral na batas ay napapaloob sa sampung utos ng Diyos.

    Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.

    Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.

    Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan.

    30s
  • Q5

    1.  Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng makatarungang ugnayan ni Anna Lisa sa kanyang kapwa?

    Ang pagtulong niya sa kaibigan na nadapa.

    Ang paggalang niya sa mga kasama sa simbahan.

    Ang maayos niyang pakikisama sa mga guro sa paaralan.

    Ang pagsunod niya sa utos ng magulang at nakakatanda.

    30s
  • Q6

      “ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito.

    Nakatakda na ang mga batas na kailangan sundin ng mga tao habang siya ay nabubuhay.

    Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito.

    Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda na batas.

    Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kaniyang buhay.

    30s
  • Q7

     Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?

    Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan

    Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.

    Igalang ang karapatan ng kapuwa.

    Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at simbahan.

    30s
  • Q8

    Anong uri ng batas ang maituturing na panloob na aspekto ng katarungan?

    batas sibil

    moral na batas

    legal na batas

    lahat ng nabanggit   

    30s
  • Q9

    Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?

    Binubuo ng tao ang lipunan.

    Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.

    Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan.

    May halagaang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay bilang tao.

    30s
  • Q10

    Ang pangungurakot ng isang pulitiko ay sumasalamin ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang pangungusap ay ____________________.

    Mali, dahil minsan talagang nagkakamali ang tao

    Mali, dahil natural lang na masilaw ang tao sa pera at kapangyarihan

    Tama, dahil ito ay hindi nagdudulot ng kabutihan para sa lahat

    Tama, sapagkat ito ay hindi pinahihintulutan ng batas ng tao

    30s
  • Q11

    Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?

    Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.

    Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.

    Nagkakaroon ng “Feeding Program”ang paaralan para sa mga mag- aaral na kulang ng timbang.

    Bumibili ang lahat sa paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.

    30s
  • Q12

    Alin sa sumusunod ang angkop na kilos ng isang makatarungang tao?

    Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.

    Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.

    Binibisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kanyang mga magulang na bumalik ito sa pag- aaral.

    Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng basketbol.

    30s
  • Q13

    Ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-unawa sa karapatan ng kapwa maliban sa 

    Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase.

    Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.

    Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.

    Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa.

    30s
  • Q14

    Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?

    Pakikisalamuha sa kapwa

    Paglilingkod sa karapatan ng naaapi

    Pakikipagtulongan sa mga mayayaman at mga mahihirap

    Pakikipag-ugnayan sa kapwa at kalipunan

    30s
  • Q15

    Ano ang tamang pagtugon upang makamit ang Katarungan Panlipunan?

    Ikulong ang lumabag sa batas.

    Patawarin ang humingi ng tawad  

    Sumunod sa tamang proseso

    Bigyan ng limos ang namamalimos

    30s

Teachers give this quiz to your class