placeholder image to represent content

3RD QUARTER A.P. WRITTEN WORK #3

Quiz by BENGEN RAMIREZ

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
20 questions
Show answers
  • Q1
    1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa konsepto ng nasyonalismo?
    Ang pagsunod sa mga maling patakaran upang mapanatili ang kapayapaan ng bansa
    Ang pagbubuwis ng sariling buhay upang makamit ang katanyagang hinahangad.
    Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o sinilangan.
    Ang paggawa ng maraming batas na kailangang sundin ng mga mamamayan.
    30s
  • Q2
    2. Paano ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo o pagmamahal sa bansa?
    Pagsunod sa mga patakaran ng mga Espanyol.
    Pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol.
    Pagsasagawa ng mga pag-aalsa o pakikipaglaban sa mga Espanyol
    Pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol.
    30s
  • Q3
    3. Ang mga sumusunod ay naghudyat sa mga Pilipino na magsagawa ng mga pakikipaglaban sa mga Espanyol, maliban sa isa, alin ito?
    makilala bilang mamamayan ng Pilipinas at bigyan ng posisyon sa pamahalaan.
    di-makataong patakaran ng kolonyalismong Espanyol
    malupit na pamamalakad ng mga pinunong Espanyol
    hangad na muling maging malaya at mamuhay nang mapayapa
    30s
  • Q4
    4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapamalas ng kaisipang nasyonalismo.
    Pagtatanggol sa kalayaan ng bansa sa laban sa mga mananakop.
    Pangangalaga sa taglay na likas na yaman ng bansa.
    Pagtangkilk ng mga produktong imported.
    Pagsunod sa mga batas na umiiral sa bansa.
    30s
  • Q5
    5. Kung ikaw ay nabuhay na sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, sasali ka ba sa mga pag-aalsang naganap upang maipamalas ang iyong nasyonalismo o pagmamahal sa bayan?
    Hindi, dahil maipamamalas ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga Espanyol upang maiwasan ang kaguluhan.
    Oo, dahil ang mamamatay para sa bayan ay tanda ng pagiging bayani.
    Hindi, dahil magdudulot ito ng matinding kalungkutan sa pamilya.
    Oo, dahil marami ang makakalaya kung magtatagumpay ang pakikipaglaban.
    30s
  • Q6
    6. Sino ang may katungkulang magpamalas ng nasyonalismo o pagmamahal sa bansa?
    ordinaryong mamamayan
    manggagawa sa komunidad
    lahat ng nabanggit
    pinuno at empleyado ng pamahalaan
    30s
  • Q7
    7. Ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kolonyalismong Espanyol. Maliban sa pakikipaglaban, sa paanong paraan pa maaaring maipamalas ang nasyonalismo?
    pagsunod sa ipinatutupad na batas
    pagtalima sa mga aral ng simbahan
    pagbibigay ng lahat ng yaman sa mga mahihirap
    30s
  • Q8
    8. Sino sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo sa bansa?
    Si Maria na pinili ang karapat-dapat na pinuno ng bayan.
    Si Jose na binalewala ang mga batas na ipinatutupad ng barangay.
    Si Juan na sumasali sa mga rally na bumabatikos sa pamahalaan.
    Si Pedro na ginawa ang lahat nang magpapasaya sa kanya.
    30s
  • Q9
    9. Bilang isang mamamayan ng bansa, paano mo maipapamalas ang iyong pagmamahal sa bansa sa panahon ngayon na ang bansa ay nakararanas ng matinding pagsubok sa pakikipaglaban sa COVID-19?
    sa pamamagitan ng pagbili ng maraming facemask at alcohol upang maging ligtas.
    sa pamamagitan ng pagpost sa social media ng mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan.
    sa pamamagitan ng pananatili sa loob ng bahay at paglalaro buong maghapon gamit ang celphone.
    sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan.
    30s
  • Q10
    10. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang nasyonalismo sa loob ng paaralan?
    Pangangalaga sa mga silid-aralan at kagamitan na handog ng pamahalaan.
    Paglalagay ng mga vandalism o guhit sa mga pader ng paaralan.
    Paglalagay ng mga nakakatawang guhit sa mga larawan na nasa aklat
    Pagbili sa canteen ng masustansiyang pagkain.
    30s
  • Q11
    11. Kompositor ng pambansang awit ng Pilipinas
    Apolinario Mabini
    Julian Felipe
    Jose Palma
    Antonio Luna
    30s
  • Q12
    12. Gumawa ng Watawat ng Pilipinas sa Hongkong
    Marcela Agoncillo
    Delfina Herboza
    Emilio Famy Aguinaldo
    Ambrosio Rianzares Bautista
    30s
  • Q13
    13. Pangulo ng Unang Republika
    Manuel Roxas
    Carlos Garcia
    Manuel L. Quezon
    Emilio Famy Aguinaldo
    30s
  • Q14
    14. Naglapat ng liriko, isang sundalong makata
    Antonio Luna
    Jose Palma
    Juan Luna
    Julian Felipe
    30s
  • Q15
    15. Sumulat ng Saligang Batas ng Malolos
    Julio Nakpil
    Felipe Calderon
    Emilio Famy Aguinaldo
    Antonio Luna
    30s

Teachers give this quiz to your class