placeholder image to represent content

3RD QUARTER PERIODICAL TEST

Quiz by NINO MENDOZA BANTA

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
50 questions
Show answers
  • Q1

    Paano malalaman kung may narating na pagsulong at pag-unlad ang ekonomiya ng isang bansa?

    Sa pag-alam ng National Income Accounting

    Sa pagsukat ng Gross National Income

    Sa paggamit ng mga economic indicators

    Sa pagsusuri ng mga economic performance

    45s
  • Q2

    Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?

    Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya

    Kita at gastusin ng pamahalaan

    Transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal

    Kalakalan sa loob at labas ng bansa

    45s
  • Q3

    Kung patuloy na makakaranas ng implasyon ang ating bansa, ano ang maaaring maitulong ng pamahalaan sa mga mamamayan?

    Magsagawa ang pamahalaan ng price control upang maiwasan ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin

    Magsagawa ng survey sa mga produktong hindi dapat magtaas ng presyo

    Maaaring hulihin ng mga awtoridad ang mga negosyanteng magtatataas ng doble sa mga produktong kanilang ipinagbibili

    Mag-anunsyo ang pamahalaan ng bahagdan ng presyong kanilang itataas

    45s
  • Q4

    Bakit mahalagang mabatid ang antas ng implasyon?

    Natutukoy ang mga produktong naaapektuhan nito

    Nauunawaan ang mga dahilan ng pagtaas ng suplay ng salapi

    Nalalaman ang angkop na hakbang upang mapababa ang presyo

    Nagagawan agad ng solusyon ang mga epekto nito

    45s
  • Q5

    Paano natin masasabing overheated ang ekonomiya ng isang bansa?

    Mataas ang kabuuang demand kumpara sa suplay

    Mababa ang suplay ng salapi

    Mataas ang antas ng walang trabaho

    Mababa ang kabuuang demand kumpara sa suplay

    30s
  • Q6

    Ang pamahalaan ay laging nakaagapay sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Ano ang tawag sa pinansiyal na tulong na ipinatutupad ng pamahalaan sa mga nangangailangang magsasaka upang magkaroon sila ng sapat na puhunan?

    Taripa

    Buwis

    Subsidy

    Renta

    45s
  • Q7

    Mula taong 2022, may buwanang remittance si Mrs. Rivera mula sa kanyang asawang OFW na $1,000 kada buwan , pero bumaba ang palitan ng piso sa dolyar, mula Php 51.00 noong 2022, ito ay naging Php 48.00 ngayong 2023. Paano maaapektuhan ang monthly budget ni Mrs. Rivera?

    Walang pagbabago sa budget

    Mas maraming mabibiling produkto

    May mailalaan pa para sa pag-iimpok

    Mababawasan ang budget dahil bumaba ang purchasing power ng piso.

    45s
  • Q8

    Alin sa mga sumusunod ang sakop sa pag-aaral ng pambansang ekonomiya?

    Dami ng binebentang pakwan sa Palengke ng Paniqui

    Kita ni Aling Josie mula sa kanyang maliit na Sari-Sari Store

    Pagtaas ng presyo ng langis sa Gitnang Silangan

    Dami ng bigas na inaangkat ng Pilipinas

    45s
  • Q9

    Paano ipinapakita sa dayagram ang ugnayan ng pag-iimpok sa sambahayan at bahay-kalakal sa pambansang ekonomiya?

    Question Image

    Ang pag-iimpok ay nagsisilbing dahilan upang muling pumasok ang lumabas na salapi

    Hindi lahat ng kita ng mamamayan ay ginagamit sa pagkonsumo

    Ang naimpok ng bahay-kalakal ay maaaring gamitin ng mga bangko bilang pautang sa sambahayan bilang karagdagang puhunan

    May bahagi ng kita ng bahay-kalakal na hindi ginagasta

    45s
  • Q10

    Si Mr. Park ay isang Korean National na lumilikha at nagbebenta ng kalakal dito sa Pilipinas. Saan isinasama ang pagkwenta ng tapos na produkto na nilikha ng namumuhunang dayuhan sa ating bansa?

    Gross Domestic Product

    Gross National Income

    Net Factor Income from Abroad

    Personal Income

    30s
  • Q11

    Kumikita ang sambahayan sa interes, kita ng entrepreneur, renta, o upa, at pasahod sa paggawa. Sa pananaw naman ng bahay-kalakal, ang mga ito ay:

    Supply

    Gastusin

    Demand

    Commodity

    45s
  • Q12

    Noong 2022 nakapagtala ang Pilipinas ng 5.82% na antas ng implasyon, samantalang 6% naman ang naitala noong 2023. Ano ang ipinahihiwatig nito?

    Walang pagbabago sa presyo ng bilihin

    Bumaba ang presyo              

    Tumaas ang presyo ng mga bilihin

    Matatag na halaga ng piso

    45s
  • Q13

    Alin sa mga sumusunod ang kumakatawan sa kontribusyon ng mamamayang Pilipino sa kabuuang produksyon sa kalakal at paglilingkod ng Pilipinas sa loob ng isang taon?

    Gross Domestic Product

    Gross National Income

    National Income

    Personal Income

    45s
  • Q14

    Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng cost-push inflation?

    Tumaas ang presyo ng hamon dahil pasko

    Tumaas ang presyo ng isda dahil mahal na araw

    Tumaas ang presyo ng bulaklak dahil sa panahon ng undas

    Tumaas ang presyo ng sardinas dahil sa pagtaas ng presyo ng lata

    45s
  • Q15

    Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?

    Ang salaping ipinapautang sa namumuhunan ay lumalago dahil sa interes sa deposito

    Habang dumarami ang empleyo, dumarami rin ang namumuhunan

    Ang matatag na sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng mataas na antas ng pag-iimpok at kapital

    Habang lumalaki ang naideposito sa bangko, lumiliit naman ang maaaring ipautang sa mga namumuhunan

    45s

Teachers give this quiz to your class