4th Quarter Examination Reviewer sa ESP 6
Quiz by Mark Sy
Grade 6
Edukasyon sa Pagpapakatao
Philippines Curriculum: Grades 1-10
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 1 skill from
Measures 1 skill from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
With a free account, teachers can
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
40 questions
Show answers
- Q1Papasok ka na sa paaralan. Natalsikan ng putik ang malaking bahagi ng iyong uniporme. Mahuhuli ka na sa klase. Ano ang gagawin mo?Uuwi ka na lang at hindi na papasok.Papasok ka sa paaralan kahit madumi ang uniporme.Iiyak ka na lang sa isang tabi para maawa ang mga tao sa iyo.Uuwi muna ng bahay at magpapalit ng uniporme. Ipaliliwanag na lamang sa guro ang dahilan ng pagkakahuli sa klase.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q2Ikaw ay nakatakdang mag-ulat sa klase. Nakalimutan mong bumili ng Manila paper. Nakita mong may lumang Manila paper na nakatabi sa loob ng kabinet. Wala pa itong sulat. Ano ang gagawin mo?Bibili na lang ako ng bagong Manila paper dahil nakakahiyang gumamit ng lumang papel.Gagamitin ko ang mga lumang Manila paper na maaari pang sulatan.Manghihingi ako sa aking kapitbahay para makatipid.Hindi na lang ako papasok dahil mapapahiya lang ako.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q3Napunit ng bunso mong kapatid ang limang pahinang ulat na ipapasa mo sa iyong guro. Wala ka ng panahon upang ulitin ito. Ano ang gagawin mo?Hindi na ako papasok dahil sira na ang aking ipapasang ulat.Iiyak na lang ako sa guro habang kasama ko ang aking bunsong kapatid na magpapaliwanag sa kanya.Sasabihin sa guro ang nangyari at mangangako na ipapasa ito kaagad kinabukasan.Isusumbong ko ang aking bunsong kapatid sa aming mga magulang para mapagalitan.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q4Nasira ang rubber shoes mo. Wala kang magagamit para sa klase mo sa PE. Ano ang gagawin mo?Kukunin ko ang sapatos ng kamag-aral ko.Magpapabili agad sa nanay ng bagong sapatos.Iiyak ako para maawa ang guro ko at bigyan ng bagong sapatos.Manghihiram muna ako sa aking kapatid o kaibigan na kasingsukat ng paa ko.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q5Umiiyak ang bunso mong kapatid dahil nahulog sa kabilang bakod ang kanyang laruan. Ano ang gagawin mo?Hahayaan ang kapatid na pumunta sa kabilang bakod upang siya ang kumuha ng laruan.Bibiruin at iinisin lalo ang kapatid.Magpapaalam sa kapitbahay at kukunin ang laruan.Pagagalitan ang kapatid dahil malikot siya.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q6Oras na ng recess. Inilabas mo ang iyong baunan. Nang buksan ay nakita mong walang kutsara at tinidor. Malayo ang kantina sa inyong slid-aralan ngunit malapit ang banyo kung saan may malinis na tubig. Ano ang gagawin mo?Manghihiram ng ginamit na kutsara ng kamag-aral.Hindi ka na lang kakain.Maghuhugas ng kamay at magkakamay na lang.Hihintayin ang kamag-aral na pahiramin ka ng kutsarang ginamit niya.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q7Dala-dala mo ang proyektong kailangang ipasa sa iyong guro. Sa hindi inaasahang pangyayari nabitawan mo ito sa putikan at nadumihan. Ano ang gagawin mo?Ipaliliwanag sa guro ang pangyayri upang makagawa ulit ng panibago.Sikretong kukunin ang gawa ng kamag-aral.Ipapasa ko ang proyekto kahit ito ay puno ng putik.Uuwi ng bahay at gagawa ng bago.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q8Araw ng Sabado at ikaw ay inutusan ng iyong nanay na maglinis. Nilalaro mo ang walis tambo nang mabali ito dahil tumama sa poste. Kabilin-bilinan ng nanay mo na ingatan ang mga kagamitan. Ano ang gagawin mo?Sasabihing pinalo mo ang malaking daga kaya ito nabali.Isisi sa bunsong kapatid ang pagkakabali nito.Sasabihin sa nanay ang totoong nangyari at hihingi na paumanhin.Kukuha ng pera sa pitaka ng tatay at bibili ng bagong walis.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q9Pinagsaing ka iyong kapatid. Nilagyan mo ng bigas ang saingan at hinugasan. Nagmamadali kang isalang ang kaldero dahil parating na ang iyong mga kalaro. Nakalimutan mong buksan ang kalan. Lumabas ka na ng bahay at naglaro. Makalipas ang isang oras ay nakita mong hindi pa ito luto. Ano ang gagawin mo?Pupunta sa bahay ng kaibigan at magtatago.Pagalitan ang kapatid dahil pinagsaing ka.Hihingi ng paumanhin sa kapatid at mangangako na hindi ito mauulit.Magsisinungaling sa kapatid at sabihin binuksan mo ang kalan.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q10Hinihiram ng kamag-aral mo ang iyong aklat sa Science. May pagsusulit kayo kinabukasan. Ano ang gagawin mo?Sasabihin sa kamag-aral na sabay kaming magrebyu gamit ang aklat sa Science.Sisisihin ang kamag-aral dahil burara siya sa gamit.Pag-aaralan ko na lang ang mga tala sa kwaderno at ipapahiram sa kanya ang aklat.Hindi ko siya papahiramin dahil ayaw kong mas mataas ang makuha niyang marka sa pagsusulit.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q11Pinatawag saglit ang inyong guro sa opisina ng punongguro. Nag-iwan siya ng pagsasanay at ihinabilin kayo sa pangulo ng inyong klase. Ano ang gagawin mo?Maglalaro sa labas ng silid dahil kaibigan ko ang pangulo ng klase.Bibiruin ang pangulo ng klase na pabida at sipsip sa guro.Gagawin nang tahimik ang pagsasanay at irerespeto ang pangulo ng klase.Makikipag-usap sa katabi at magkukuwento ng mga napanood sa YouTube.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q12Nakita mong walang baon ang katabi mo. Gutom na gutom na siya. Ano ang gagawin mo?Tatapunan ko siya ng pagkain ko.Babahagian ko siya ng aking pagkain.Iinggitin ko siya na masarap ang aking pagkain.Hahayaan siyang tingnan akong kumain.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q13Nakita mong namamalimos sa kalsada ang iyong kaklase. Ilang araw na siyang hindi pumapasok. Wala silang pambili ng gamot sa kanyang inang may sakit. Ano ang gagawin mo?Pagtatawanan ko siya habang namamalimos.Sasamahan ko siyang mamalimos.Ipagbibigay alam ko sa aming guro ang kanyang kalagayan.Sasabihin ko sa kanya na bawal mamalimos.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q14Nasa loob kayo ng kapilya ng mapansin mo ang kapitbahay mong dalaga na maiksi ang suot at nagpapatugtog siya gamit ang cellphone. Ano ang gagawin mo?Ikakahiya ko siya dahil hindi marunong rumespeto.Makikinood din ako sa cellphone niya para mas masaya.Sasabihan ko ang mga tao sa kapilya para palabasin siya.Kakausapin ko siya at pagsasabihan na kailangang irespeto ang kapilya.120sEsP6PDIVa-i–16
- Q15Niregaluhan ka ng iyong nanay ng laruang babasagin. Sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabitawan mo ito. Nabasag ang laruan. Ano ang gagawin mo?Pababayaan ang nabasag na laruan para makita ng nanay.Bibili ng pandikit at sisikaping buoin ito.Hihingi ulit ng bagong regalo kapalit ng nabasag.Hihingi ako ng paumanhin kay nanay.120sEsP6PDIVa-i–16