placeholder image to represent content

4th Quarter Examination Reviewer sa Filipino 4

Quiz by Mark Sy

Grade 4
Filipino
Philippines Curriculum: Grades 1-10

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
40 questions
Show answers
  • Q1
    Si Gng. Santos ang aming guro sa Filipino. Ilan ang pangngalang ginamit sa pangungusap para sa ngalan ng tao?
    isa
    dalawa
    tatlo
    apat
    120s
    F4WG-Ia-e-2
  • Q2
    Buoin ang pangungusap. Pupunta kami sa _________ upang bumili ng mga gulay at karne.
    palengke
    ospital
    simbahan
    paaralan
    120s
    F4PT-IVd-e-1.13
  • Q3
    Ano ang relasyon ni Lolo Pedro kay Narcisa?
    Question Image
    apo
    asawa
    kapatid
    anak
    900s
    F4PB-IIi-3.1
  • Q4
    Ano ang niluluto ni Lolo Pedro?
    Question Image
    menudo
    sinigang
    kare-kare
    adobo
    900s
    F4PB-IIi-3.1
  • Q5
    Base sa kuwento, ano ang nararamdaman ni Tomas noong nakita niyang pinagluluto sila ng sinigang?
    Question Image
    natatakot
    natutuwa
    nagtataka
    nalulungkot
    900s
    F4PB-IIi-3.1
  • Q6
    Bakit mababakas na masayang-masaya si Lolo Pedro habang nagluluto?
    Question Image
    Dahil umiibig na si Narcisa.
    Dahil walang galang makipag-usap si Tomas at Narcisa.
    Dahil hindi nag-aaral nang mabuti si Tomas.
    Dahil alam niyang matutuwa ang kaniyang anak at apo.
    900s
    F4PB-IIi-3.1
  • Q7
    Ano kaya ang maaaring ginawa ni Narcisa noong makita niya ang nilutong sinigang ng ama?
    Question Image
    Kakausapin niya ito ng masinsinan at huwag na ulit bibisita.
    Papagalitan niya ang ama at papaluin.
    Yayakapin ang ama at magpapasalamat.
    Pagsasabihan niya ito at tuturuang magluto nang maayos.
    900s
    F4PB-IIi-3.1
  • Q8
    Anong salita ang mabubuo kapag inayos mo ang mga titik sa apat na sulok ng kahon? Ginagamit ito sa pag-inom ng tubig.
    Question Image
    BASO
    ABOS
    BOSA
    OBAS
    120s
    F4PT-IVd-e-1.13
  • Q9
    Anong salita ang mabubuo mo gamit ang mga gabay? Araw = titik S Tatsulok = titik I Buwan = titik W
    Question Image
    SISIW
    SIWIW
    Walang sagot
    WIWIS
    300s
    F4PT-IVd-e-1.13
  • Q10
    Ibigay ang kahulugan ng salitang "pagdarahop" sa pangungusap. Labis na ang pagdarahop na nararanasan ng ating mga kababayan sa Bicol. Halos wala na silang makain dahil natuyo na lahat ang kanilang mga pananim.
    pagka-inis
    pagsusumikap
    paghihirap
    pagkatuwa
    300s
    F4PT-IVd-1.10
  • Q11
    Ibigay ang kahulugan ng salitang "ikubli" sa pangungusap. Huwag mo nang ikubli kung anuman ang nagawa mong kasalanan dahil malalaman ko din kung ano iyon.
    ibaon
    itago
    isigaw
    ilagay
    300s
    F4PT-IVd-1.10
  • Q12
    Piliin ang angkop na mga magalang na pananalita para sa sitwasyon. Isang umaga, dumaan si Anna sa bahay ng Pamilya Cruz upang ayain si Karen na magsanay ng kanilang sayaw para sa pagtatanghal sa paaralan. Kumatok siya sa labas ng gate at dumungaw ang nanay ni Karen. “Magandang umaga po. ___________________ si Karen?”
    Nandiyan po ba
    Nakaalis na ba
    Hoy!
    300s
    F4PS-IVb-12.15
  • Q13
    Piliin ang angkop na mga magalang na pananalita para sa sitwasyon. Araw ng pagsusulit sa paaralan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi sumusulat ang ballpen ni Jeric. Kailangang humiram siya ng ballpen sa kaklase.
    Hoy! Pahiram nga ng ballpen.
    Psst! Ballpen nga diyan.
    Maaari mo ba akong pahiramin ng ballpen?
    300s
    F4PS-IVb-12.15
  • Q14
    Piliin ang wastong panghalip panao upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Si Kuya Robert at Ate Glenda ay magaling sa negosyo. ___________ ay parehong nagpatayo ng computer shop.
    Siya
    Ako
    Kami
    Sila
    120s
    F4WG-If-j-3
  • Q15
    Piliin ang wastong panghalip panao upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Ako at si Henry ay pupunta sa plaza. __________ ay maglalaro ng basketball.
    Siya
    Kami
    Tayo
    Sila
    120s
    F4WG-If-j-3

Teachers give this quiz to your class