placeholder image to represent content

4th Quarter Reviewer in Araling Panlipunan 3

Quiz by Mark Sy

Grade 3
Araling Panlipunan
Philippines Curriculum: Grades 1-10

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1
    Kung ang rehiyon mo ay may malawak na kapatagan, ano kaya ang pangunahing industriya na ikinabubuhay ng mga tao dito?
    agrikultura
    pagmimina
    pangingisda
    turismo
    120s
    AP3LAR-Ih-12
  • Q2
    Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Tayo ay napaliligiran ng iba't ibang anyong tubig. Ano sa tingin mo ang ikinabubuhay ng pamilya ni Abram kung sila ay nakatira sa tabing-dagat?
    paghahayupan
    pagtrotroso
    pagsasaka
    pangingisda
    120s
    AP3LAR-Ih-12
  • Q3
    Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong sa turismo ng isang lalawigan?
    Magagandang tanawin
    Mga kakaibang hayop
    Lahat ng nabanggit
    Makasaysayang pook
    120s
    AP3EAP-IVa-2
  • Q4
    Ano ang ikinabubuhay ng maraming Pilipino lalo na nakatira sa matataas na lugar gaya ng Baguio?
    Paggawa ng uling
    Pag-aalaga ng tilapia at bangus
    Pangingisda
    Pagtatanim ng gulay
    120s
    AP3EAP-IVb-4
  • Q5
    Kung si Erwin ay isang negosyante na nagsusuplay ng itlog sa Maynila, ano kaya ang kanyang inaalagaan?
    kambing at kalabaw
    manok, pugo at pato
    mga tanim na gulay
    tilapia at bangus
    120s
    AP3EAP-IVb-4
  • Q6
    Kung ang Gitnang Luzon ay isang malawak na kapatagan at pagsasaka ang ikinabubuhay ng maraming tao dito, alin sa mga sumusunod ang dapat nilang gawin?
    Gumamit ng lason o insecticide para hindi maapektuhan ang mga pananim.
    Magkainingin para mas marami ang lugar na matataniman.
    Ayusin ang patubig sa mga pananim para maging maganda ang ani.
    180s
    AP3EAP-IVc-5
  • Q7
    Ano ang mangyayari kung hindi makakapagtanim nang sapat ang mga magsasaka?
    Sisisihin ng mga tao ang mga magsasaka.
    Matutuwa ang mga tao dahil mahal ang bigas.
    Marami ang aalis ng Pilipinas.
    Magugutom ang mga tao dahil walang makakain.
    180s
    P3EAP-IVc-6
  • Q8
    Ano ang magiging epekto kung ang pangangailangan ng mga tao sa isang rehiyon ay hindi natutugunan?
    Magkakasundo ang bawat lalawigan.
    Tataas ang antas ng ekonomiya.
    Bababa ang kalidad ng ekonomiya.
    Madali ang pag-unlad ng bawat lalawigan.
    180s
    P3EAP-IVc-6
  • Q9
    Kung sobra ang produkto, ano ang maaaring gawin dito?
    Ibenta lahat sa mas mataas na presyo.
    Ipamigay sa mga mahihirap para maubos agad.
    Ubusin agad ang mga produkto para si masayang.
    Itago pansamantala at gamitin sa oras ng kalamidad.
    180s
    P3EAP-IVc-6
  • Q10
    Dumating ang napakalakas na bagyo. Nasalanta ang mga pananim. Nagkulang ang suplay ng gulay at palay sa inyong rehiyon. Ano ang dapat gawin kung ikaw ang mayor ng bayan?
    Gagawa ng batas na magsasabing magtanim sa bakuran para may makakaing gulay.
    Bumili ng suplay ng gulay at bigas sa ibang lugar na hindi nasalanta ng bagyo at ibigay sa mga tao.
    Magbigay anunsyo na huwag nang kumain ng gulay.
    Utusan ang mga tao na mamalimos sa kalsada para makakain.
    300s
    P3EAP-IVc-6
  • Q11
    Saan nagmumula ang maraming suplay ng gulay sa Luzon?
    Metro Manila
    Baguio
    Tagaytay
    Lalawigan ng Quezon
    60s
    AP3EAP-IVa-2
  • Q12
    Kung ang pangunahing industriya sa isang lugar ay paghahayupan. Alin sa sumusunod ang HINDI produkto na galing dito?
    karne
    tubo
    gatas
    itlog
    60s
    AP3EAP-IVb-4
  • Q13
    Alin sa sumusunod na produkto ang mula sa mga pabrika?
    prutas
    gulay
    sabon
    bigas
    60s
    AP3EAP-IVb-4
  • Q14
    Alin sa sumusunod ang kinakailangang daanan upang mabilis na makarating ang produkto sa isang lugar.
    Paliparan
    Maayos na kalsada at tulay
    Lahat ng nabanggit
    Daungan o piyer
    120s
    AP3EAP-IVd-7
  • Q15
    Alin sa mga sumusunod ang nakapagpapadali ng transportasyon at pagbiyahe ng mga produkto sa iba't ibang panig ng bansa?
    Sira-sirang pantalan
    Maayos na kalsada
    Lubak-lubak na kalsada
    Putol na mga tulay
    120s
    AP3EAP-IVd-7

Teachers give this quiz to your class