Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
40 questions
Show answers
  • Q1
    Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga sa sarili?
    Natutulog ng tatlo hanggang limang oras bawat araw.
    Mag-ehersisyo minsan sa isang linggo.
    Kumain ng sapat at tamang pagkain.
    Pag-iwas sa pag-inom ng gatas dahil nakasisira ito ng tiyan.
    300s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q2
    Bakit kailangang pahalagahan ang ating buhay?
    Dahil ipinanganak ka ng nanay mo kaya kailangan mong mabuhay.
    Dahil ang buhay ay kaloob ng Diyos at kailangan natin itong alaagaan.
    Dahil kailangan tayo sa mundong ibabaw.
    Dahil masayang mabuhay.
    300s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q3
    Alin sa mga sumusunod ang TAMA at dapat sundin?
    Magiging masaya at panatag ang loob natin kung tayo ay mayaman.
    Magiging masaya at panatag ang loob natin kung tayo ay maraming pera pagpasok sa paaralan.
    Magiging masaya at panatag ang loob natin kung tayo ay maraming kaaway.
    Magiging masaya at panatag ang loob natin kung tayo ay malusog.
    300s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q4
    Si Lian ay laging kumakain ng tocino, instant noodles, at hotdog. Ano ang maaaring mangyari sa kanyang kalusugan?
    Magiging maganda
    Magiging masigla
    Magiging sakitin dahil sa preservatives
    Magiging maliksi
    120s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q5
    Alam mong masustansya ang gulay ngunit ayaw mong kumain nito. Inimbitahan ka ng kaibigan mo ngunit ang ulam nila ay gulay. Ano ang iyong gagawin?
    Itatabi sa gilid ng plato ko ang gulay.
    Ipapakain ko sa aso ang gulay.
    Susubukan kong kainin ang gulay.
    Uuwi na lang ako sa amin at doon ako kakain.
    120s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q6
    Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapamalas ng pagpapahalaga sa kapwa?
    Umaakay sa mga matatandang tumatawid sa lansangan.
    Pagbabahagi ng pagkain sa walang makain.
    Pagbibigay ng tulong sa mga piling nasalanta ng bagyo.
    Pinakikitunguhan ang mga taong may kapansanan tulad ng pakikitungo ko sa iba.
    300s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q7
    Buuin ang kasabihang, “Nilikha ng Diyos ang kapwa upang ating maging _____________”?
    kalaban
    kaaway
    alila
    kasama
    120s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q8
    Alin sa sumusunod ang HINDI tamang gawi sa pakikipag-kapwa?
    Pagsunod sa lahat ng nais gawin pati sa pagtulong sa gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng plato.
    Pagsunod sa lahat ng nais niyang gawin pati ang pagsisimba.
    Pagsunod sa lahat ng nais niyang gawin pati sa pagliban sa klase.
    Pagsunod sa lahat ng nais niyang gawin pati sa paggawa ng takdang-aralin.
    300s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q9
    Ang pagtulong sa kapwa sa panahon ng kahirapan, kaguluhan at malnutrisyon ay tanda ng ________?
    pagsasakripisyo
    pagmamahal
    pagtutulungan
    pagbibigayan
    120s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q10
    Si Lola Amanda ay 78 taong gulang at mag-isang naninirahan sa kanyang bahay sa Brgy. San Pedro, Vigan City. Napansin mong lagi siyang malungkot. Ano ang maaari mong gawin para sa kanya?
    Tatanungin ko siya kung bakit siya malungkot.
    Pupuntahan ko siya sa kanyang bahay at makikipagkwentuhan para hindi siya malungkot.
    Maglalaro sa harap ng kanyang bahay kasama ang mga kalaro.
    Hindi papansinin at iiwasan na lang.
    300s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q11
    Apat kayong magkakapatid at kulang na ang kinikita ng iyong tatay para sa inyong magkakapatid. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nabuntis ang iyong nanay at pagkalipas ng siyam na buwan ay nanganak na may diperensya sa binti. Ano ang iyong gagawin bilang panganay na anak?
    Tatanggapin ko ng maluwag sa aking kalooban ang aking kapatid na may kapansanan.
    Pababayaan ko ang aking kapatid kapag wala ang aking mga magulang.
    Paaalagaan ko ang aking kapatid sa mas nakababata sa akin.
    Tatanggapin ko ang aking kapatid na may kapansanan pero sa harap lamang ng aking mga magulang.
    300s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q12
    Nakita mong basang-basa ng pawis ang damit ng iyong kapatid dahil naglinis siya sa bakuran at nagdilig ng mga halaman. Gusto na niyang maligo agad. Ano ang sasabihin mo?
    Sige maligo ka na agad. Ikukuha kita ng sabon at tuwalya para makapagpunas ka agad.
    Hayaan mo ng basa ang iyong likod ng pawis mababasa ka rin naman pagnaligo.
    Sige sasabayan na kitang maligo.
    Magpahinga ka muna at patuyuin natin ang iyong pawis sa likod bago ka maligo.
    120s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q13
    Niyaya ka ng iyong tatay sa paghingi ng binhing itatanim ngunit niyaya ka rin ng iyong kaklase na maglaro sa plasa. Ano ang iyong gagawin?
    Sasama ako sa aking tatay at paghihintayin ko ang aking kaklase.
    Hindi ako sasama sa aking tatay sasabihin kong maglalaro kami ng aking kaklase.
    Sasama ako sa aking kaklase para maglaro.
    Hindi ako sasama sa aking kaklase sasabihin kong may pupuntahan kami ng aking tatay at sa susunod na lang kami maglalaro.
    300s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q14
    Tayo ay nilikha upang ipahayag o ipakilala ang kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng______?
    kasamaan sa kapwa
    kamuhian ang kapwa
    kalokohan sa kapwa
    kabutihan sa kapwa
    120s
    EsP4PDIVa-c–10
  • Q15
    Namasyal kayo sa Manila Zoo at nakita ninyo ang nakapaskil. “Bawal Batuhin ang mga Hayop.” Nakita mong binabato ng isang bata ang buwaya. Ano ang gagawin mo?
    Pagsasabihan ko siya na sumunod sa nakapaskil.
    Babatuhin ko rin ang buwaya.
    Pagsasabihan siya ng mabibigat na salita.
    Isusumbong ko siya sa namamahala sa Manila Zoo.
    300s
    EsP4PDIVd–11

Teachers give this quiz to your class