
8 Megumi ARALIN Ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas PART 2 at 3
Quiz by Megumi Deniega
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ang kasunduan sa pagitan ng USA at Spain na higit na nagpalawak sa teritoryo ng Pilipinas dahil naisama sa teritoryo ang lahat ng maliliit na pulo sa isla ng SULU at lahat ng nasasaklaw nitong malapit sa isla ng BORNEO.
Sa ilalim ng kasunduang ito na nilagdaan sa pagitan ng USA at Great Britain noong 1930, dalawa pang pangkat ng pulo ang naibalik sa Pilipinas
Ayon sa UNCLOS, ito ay tumutukoy sa katubigang sakop ng teritoryo ng isang bansang napalilibutan ng katubigan sa alin mang panlabas na bahagi nito mula sa aplaya hanggang 12 nautical miles.
Ito ang itinuturing na pinakamahalagang dokumentong legal na pinanghahawakan ng Pilipinas na kung saan nakadeklara rito ang lawak ng saklaw ng teritoryong sakop nito.
Tumutukoy ito sa mga lupaing nasasakupan na nasa ilalim ng dagat kasama ang mga yamang likas na naririto.
Tumutukoy ito sa lahat ng mga nasa ilalim ng nasasakupang lupain gayon din ang ano mang yamang likas na naririto.
Itinatakda sa tuntuning ito ang eksklusibong karapatan ng isang estado sa ano mang kapakinabangan katulad ng mga yamang likas na matatagpuan sa 200 nautical miles mula sa aplaya o pinakamababaw nabahagi ng dagat.
Ito ay batas na ipinalabas ni dating Pangulong Marcos noong 1978 na nagtakda ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng Pilipinas na may sukat na 200 nautical miles mula sa aplaya na teritoryong pandagat ng bansa.
Ito ang tawag sa mga kapuluang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea na isang pangunahing usapin sa agawan ng teritoryo lalong-lalo na sa China, gayon din ng Vietnam, Malaysia, Brunei.