placeholder image to represent content

A. Pakikiisa sa tahanan o bahay Sa loob ng pamilya nagsisimula ang kagandahang-asal na ibinibigay ng magulang sa anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga tungkulin na dapat gampanan. Anu-ano nga ba ang mga ito? Ginagampanan ng ating mga magulang na itaguyod an gating pagaaral para sa maganda nating kinabukasan. Inaasikaso ni nanay ang pangunahing pangangailangan ng ating pamilya katulad ng pagluluto ng pagkain, paglilinis ng bahay, pagsubaybay sa ating Gawain at iba pa. ang tatay naman ang siyang nagtatrabaho upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya. Siya ang nagtatanggol sa pamilya sa oras ng kagipitan. Sa iyo bilang anak, tungkulin mong igalang at mahalin ang iyong magulang. Tumulong sa mga gawaing bahay, sumunod sa pangaral nila at mag-aral ng mabuti. Ikaw bilang isang masunuring anak, ginagawa mo ba ang lahat ng ito? B. Pakikiisa sa paaralan Ikaw ba ay isang mabuting mag-aaral? Anu-ano na ang mga 30 bagay na naitulong mo na sa iyong paaralan? Sumunod sa mga tuntunin ng paaralan tulad ng pagsusuot ng I.D at tamang uniporme ay ang ilan lamang sa mga dapat mong ginagawa sa tuwing ikaw ay nasa loob nito. Nakikinig ka rin dapat sa iyong guro habang itinuturo niya ang inyong leksyon. Pagpapanatili sa maayos at malinis na silid-aralan ang iba pa sa iyong mga Gawain. Dapat ay aktibo ka rin sa pakikiisa sa mga programa ng inyong paaralan. Alam mo ba na ang guro ay kasama natin sa pakikiisa sa paaralan? Naibabahagi niya ang ilan mga impormasyon na kailangang malaman ng mga mag-aaral. Tungkulin niya rin ang alamin ang mga problema t pangangailangan ng mga mag-aaral at tulungan ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. Higit sa lahat, ang isang guro ay kinakailangan na maging isang modelo sa kanyang mga magaaral. C. Pakikiisa sa simbahan Mahalaga na sa isang simbahan, magtulongtulungan ang mga kasapi para sa ikabubuti ng kaluluwa ng bawat isa. Kaya nga dapat, ikaw bilang isang bata ay maging isang aktibo para sa gawaing 31 pansimbahan. Maipapakita mo ito sa pamamagitan ng pakikinig habang nagmimisa ang pari, pagiging tahimik sa loob ng simbahan at pagdarasal hindi lamang para sa iyong sarili kundi maging para sa ikabubuti ng ibang tao na nangangailangan din ng panalangin. Nagdarasal ka ba araw-araw? Anu-ano ang mga hinihiling mo sa Diyos? D. Pakikiisa sa pamahalaan Sa isang batang mag-aaral na katulad mo, paano mo ba maipapakita ang iyong pakikiisa at pakikipagtulungan sa inyong barangay o pamayanan? Tayo bilang mamamayan, maipapakita natin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin at batas ng ating pamayanan. Kapag nagawa natin ang mga bagay na ito, tiyak ang pagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan sa ating lugar. Dapat din natayo ay nakikiisa at sumasali sa mga programa at proyekto ng pamahalaan gaya ng programa sa wastong pagtatapon ng basura, paghihiwalay ng mga ito sa nabubulok at di nabubulok, pagtatanim ng mga halaman at puno sa mga bundok, pagsunod sa mga batas trapiko at pagsugpo sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot

Quiz by Jeford Charles Cagas

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    Ano ang dapat mong gawin bilang isang masunuring anak sa iyong mga magulang?
    Hindi makikinig sa kanila
    Laging nag-aaway
    Walang pakialam sa kanilang sinasabi
    Igagalang at mamahalin sila
    30s
  • Q2
    Ano ang isang paraan para maipakita ang iyong pakikiisa sa iyong paaralan?
    Maglaro sa loob ng silid-aralan
    Magdala ng maraming pagkain sa klase
    Huwag sumunod sa guro
    Sumunod sa mga tuntunin ng paaralan
    30s
  • Q3
    Ano ang dapat mong gawin habang nagmimisa sa simbahan?
    Magsalita ng malakas
    Maglaro habang nagmimisa
    Makinig at maging tahimik
    Uminom ng tubig
    30s
  • Q4
    Paano mo maipapakita ang iyong pakikiisa sa inyong barangay?
    Magkalat ng basura sa kalye
    Hindi makinig sa mga matatanda
    Sumunod sa mga alituntunin at batas
    Pagsuway sa mga batas trapiko
    30s
  • Q5
    Ano ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak?
    Magbigay ng labis na pera
    Pabayaan silang mag-aral nang wala silang tulong
    Maging masungit sa kanila
    Itaguyod ang kanilang pag-aaral
    30s
  • Q6
    Ano ang dapat gawin ng isang mag-aaral kapag nagtuturo ang guro?
    Magtext sa kaibigan
    Makinig ng mabuti
    Maglaro ng cellphone
    Matulog sa klase
    30s
  • Q7
    Bilang isang aktibong bata sa simbahan, ano ang dapat mong gawin sa panahon ng misa?
    Manalangin para sa ibang tao
    Magdala ng maraming pagkain
    Makipag-chat sa mga kaibigan
    Manood ng TV
    30s
  • Q8
    Ano ang dapat mong gawin upang mapanatili ang kaayusan sa silid-aralan?
    Magkalat ng papel sa sahig
    Itapon ang basura sa tamang basurahan
    Huwag maglinis pagkatapos kumain
    Iwan ang mga gamit sa sahig
    30s
  • Q9
    Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong mga magulang?
    Tumulong sa mga gawaing bahay
    Magpabakasyon nang mag-isa
    Huwag makinig sa kanilang mga payo
    Bumalik sa kanila ng masama
    30s
  • Q10
    Ano ang responsibilidad ng bawat mag-aaral sa kanilang paaralan?
    Pagsuport sa mga programa ng paaralan
    Walang pakialam sa mga gawain
    Hindi bumalik sa paaralan
    Mag-aral lamang kapag may pagsusulit
    30s

Teachers give this quiz to your class