placeholder image to represent content

Agwat Teknolohiya

Quiz by Jeverly Calabia

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Noon: Paggamit ng snail mail Ngayon: _______

    E-mail

    Radyo

    Typewriter

    Telepono

    30s
  • Q2

    Ito ang mga taong pinanganak ng umusbong na ang teknolohiya.

    Digital Natives

    Digital Immigrants

    Digital Ethics

    Lahat ng nabanggit.

    30s
  • Q3

    Ito ay tumutukoy sa agwat ng kaalaman at kahusayan ng bawat taong kabilang sa isang partikular na henerasyon sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya.

    Agwat Panahon

    Agwat ng edad

    Agwat Teknolohiya

    Agwat Henerasyon

    30s
  • Q4

    Ang mga sumusunod ay mga henerasyong nakapaloob sa Digital Immigrants maliban sa isa.

    Baby Boomers

    Generation X

    Silent Generation

    Net Generation

    30s
  • Q5

    Ang mga sumusunod na pahayag ay mga hamon ng agwat teknolohikal MALIBAN sa?

    Maliit ang partisipasyon ng mga nakatatandang henerasyon tungkol sa paggamit ng teknolohiya.

    Ang mahirap na panghihikayat para sa mga older generations na dumalo sa mga computer literacy programs.

    Limitado ang klase ukol sa teknolohiya.

    Karagdagang kaalaman ukol sa wasto at mapanagutang paggamit ng teknolohiya.

    30s
  • Q6

    Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng responsableng paggamit ng teknolohiya?

    Si Donna ay isang sikat na vlogger. Ang kanyang mga paksa sa kanyang mga vlog ay tungkol sa pagluluto. Sa sobrang abala niya sa paggawa ng mga bidyo ay hindi na niya naasikaso ang kanyang pag-aaral.

    Si Filip ay mayroong bagong cellphone na regalo sa kanya ng kanyang ina dahil nanalo siya sa isang patimpalak at nakamit ang unang pwesto. Sa kanyang tuwa, palagi niya itong hawak at palagi niya rin itong ginagamit kahit saan siya magpunta.

    Si Margaux ay may Ipad, ginagamit lamang niya ito kapag siya ay nasa bahay. Nagagamit niya ang kanyang Ipad sa paggawa ng mga activity na ibinibigay sa kanya ng kanilang guro.

    Si Arthur ay nakararanas ng pambubulas mula sa kanyang kamag-aral na si Christopher, bilang ganti, gumawa ng dummy account si Arthur. Ginagamit ito ni Arthur upang laitin at ipahiya sa social media si Christopher.

    30s
  • Q7

    Isa ang ina ni Astrid sa mga trabahador na nalipat sa work-from-home setup dulot ng pandemya. Alam ni Astrid na hindi sanay ang kaniyang ina sa paggamit ng teknolohiya kaya inaalalayan niya ito. Sa palagay mo tama ang naging aksyon ni Astrid?

    Tama, sapagkat ina niya iyon

    Mali, sapagkat hindi naman ito obligasyon ni Astrid bilang anak.

    Tama, sapagkat isa itong paraan ng pagbibigay galang sa agwat teknolohikal.

    Mali, sapagkat nakakaabala lamang ang kaniyang ina

    30s
  • Q8

    Nagtatrabaho sa ibang bansa ang ina ni Aly. Walang alam sa bagong teknolohiya ang kaniyang ama kung kaya’t si Aly ang kumukuha at humahawak ng mga padalang pera ng kaniyang ina. Kahit kailan ay hindi niya naisip na bawasan ang ipinapadalang pera ng kaniyang ina. Anong katangian ang ipinamalas ni Aly?

    Pagiging makasarili

    Wala sa nabanggit

    Pagiging mataray

    Paggalang at pagmamahal

    30s
  • Q9

    Dahil makakalimutin na ang lolo ni Terence, madalas ay paulit ulit itong nagtatanong kung paano gumamit ng computer. Matiyaga naman itong tinuturuan ni Terence ng walang pagdadabog. Anong katangian ang ipinamalas ni Terence?

    Pagiging tamad

    Paggalang at pagmamahal

    Lahat ng nabanggit

    Mainitin ang ulo

    30s
  • Q10

    Nakita mong nahihirapan ang iyong ina sa paggamit ng video call upang makausap ang iyong ama na nagtatrabaho abroad. Bilang kabataan na may higit na kaalaman sa teknolohiya ano ang nararapat mong gawin?

    Lapitan ang ina at turuan kung paano gumamit ng video call

    Hayaan na lamang at huwag pansinin ang ina

    Pagtawanan ang ina dahil hindi marunong mag-video call

    Lapitan ang ina at panurin ang ginagawa

    30s

Teachers give this quiz to your class