Loading...
Ang sinumang bansa ay madalas makilala dahil sa mga sagisag nito. Isa ang ating bansa, ang Pilipinas sa mga bansang mayaman nito. Narito ang mga sagisag ng ating bansa na talaga namang kahanga-hanga. Halika na! At sabay-sabay natinitong basahin at pag-aralan. Ito ang watawat ng ating bansa. Ito ang tinatawag na sagisag ng ating bansa. Natandaan mo ba ang nakaraang aralin tungkol dito? Ang ating Pambansang awit ay inaawit habang itinataas o ibinababa ang ating watawat. Ang pamagat nito ay Lupang Hinirang. Ang Pambansang tula ay binibigkas pagkatapos awitin ang Lupang Hinirang. Panatang Makabayan ang tawag natin dito. Nakikilala mo ba kung sino ang nasa larawan? Walang iba kundi ang ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Siya ay matapang, mapagmahal sa kapwa Pilipino at sa bayan, at hindi rin matatawaran ang kanyang katalinuhan. Isa siya sa mga bayani n gating bansa na ibinuwis ang buhay para tayo ay maipagtanggol at makalaya sa mga dayuhan na sumakop sa atin. Marahil ay marami ka pang nalalaman tungkol kay Dr. Jose Rizal at sa kanyang mga kabayanihan. Maaari mo itong ibahagi sa iyong mga kamag-aral MAKABAYAN 2 SEIBO COLLEGE 36 habang binabasa ninyo ito. Saan nga natin matatagpuan ang kanyang monumento? Filipin | Quizalize