placeholder image to represent content

ANG TAYUTAY AT ANG PAGSASALIN NITO

Quiz by Adam Helson G. Elardo

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
21 questions
Show answers
  • Q1

    Anong tayutay ang ginamit sa pahayag na: "Kumukulo ang dugo ko sa taong iyan."

    Metapora

    Metonymy

    Pagmamalabis

    Sinekdoke

    30s
  • Q2

    Ang mga sumusunod na pahayag ay ginamitan ng tayutay na pagmamalabis, MALIBAN sa isa. Alin sa mga ito ang hindi kasama?

    bumaha ng dugo

    aabutin ko ang buwan para sa iyo

    niyakap ako ng lamig ng gabi

    pasan ang daigdig

    30s
  • Q3

    Ano ang dapat isaalang-alang kapag nagsalin ng taludtod ng tulang ginagamitan ng tayutay na pagmamalabis?

    Isalin ang taludtod kahit na ginagamitan ito ng ibang tayutay. Tiyakin lamang na mapanatili ang mensahe ng pahayag.

    Literal na isalin kung saan salita-sa-salita ang estratehiyang gagawin dahil kalakip ng mga salita'y ang diwa nito.

    Tiyakin na kapag ito ay isinalin ay mapananatili ang eksaheradong bisa ng mensahe.

    Isalin ang taludtod kahit mawala ang bisa ng eksaheradong katangian ng pahayag.

    30s
  • Q4

    Ano ang Eupemismo o Eupemistikong pahayag?

    Ito ay paggamit ng mga matatalinhagang pahayag upang itago ang konsepto ng taludtod sa pamamagitan ng pagbibigay ng simbolismo.

    Ito ay mga salita o pariralang bulgar, nakasasakit ng damdamin o malawang pakinggan.

    Ito ay tayutay kung saan ang bahagi ng inilalarawang bagay o konsepto ay kumakatawan sa kabuoan nito.

    Ito ay ang paggamit ng mga salitang magagaan at hindi tuwiran.

    30s
  • Q5

    Alin sa mga sumusunod ang HINDI TOTOO tungkol sa Euphemism?

    Isang agenda na humihikayat sa marami sa paggamit ng mga salitang may kaugnayan sa sekswal o kamatayan nang tuwirang pakikipag-usap.

    Tinatawag din itong paglumanay.

    Halimbawa nito ay "punlay" para sa sperm, at "kaluban" para sa vagina.

    Sa mga konseptong may kinalaman sa kamatayan sa mga pormal na patalastas, sa halip na sabihin ang "bangkay ng patay", ang ipinapalit ay "labi ng yumao."

    30s
  • Q6

    Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsasalin ng euphemistikong pahayag?

    Isaalang-alang ang kalakip na kultura ng wikang pagsasalinan nito.

    Isalin ang mga pahayag na sekswal at mga kauri nito nang tuwiran.

    Kung walang eupemismo ang pahayag sa wikang Ingles, isalin din ito nang hindi ginagamitan ng eupemismo.

    Kung ang pahayag sa Ingles ay ginamitan ng eupemismo isalin ito nang ginagamitan din ng eupemistikong katangian.

    30s
  • Q7

    Alin sa mga sumusunod na pahayag sa Ingles at Fiilipino ang HINDI ginagamitan ng tayutay na personipikasyon o pagsasatao?

    O Buwan! Bumaba ka't ako ay aliwin

    kumakaway ang mga dahon

    Answer the phone

    the sea is mad

    30s
  • Q8

    Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa apostrophe o panawagan?

    Pag-asa, nasaan ka na?

    Ang isang bagay o abtraktong bagay ay tila may buhay at kinakausap.

    Pinasan ng magsasaka ang kanyang matapat na araro

    "Ang lahat ng ito, maawaing langit,

    iyong tinutungha'y ano't natitiis?"

    20s
  • Q9

    Ito'y uri ng tayutay kung saan ang isang tao o wala sa harap ay waring nagsasalita at kinakausap.

    Pahiraya (Prosopopoeia)

    Parabula

    Irony (Pag-uyam)

    Antitesis (Antithesis)

    30s
  • Q10

    Ito ay tatlong uri ng salaysay na kalimitang nagbibigay aral, ang (a)________ ay hango sa Banal na Kasulatan, ang (b)_________ naman ay gumagamit ng hayop, at ang (c) _________ na bagamat kahawig ng unang dalawa, ay nagsasalaysay na kung saan ang tao o bagay at mga pangyayari ay nagtataglay ng naiibang kahulugan na karaniwan ay nagbibigay din ng makabuluhang aral sa buhay.

    (a) pabula, (b) parabula, (c) awiting-bayan

    (a) parabula, (b) pabula, (c) soneto

    (a) pabula, (b) parabula, (c) dagli

    (a) parabula, (b) pabula, (c) alegorya

    30s
  • Q11

    Kung ang idyoma (at tayutay) ay mga pagpapahayag na hindi literal. Ano ang idyomatikong salin ng pahayag na: "Give me a ring tomorrow."

    Tawagan mo ako bukas.

    Tawagan mo ang singsing bukas.

    Bigyan mo ako ng singsing bukas.

    Bigyan mo ako ng telepono bukas.

    30s
  • Q12

    Paano isalin nang literal ang "snake in the grass."

    may traydor sa paligid

    ahas sa ang damo

    traydor sa damuhan

    ahas sa damuhan

    30s
  • Q13

    Paano ba dapat isalin ang idyoma?

    lahat ng nabanggit

    isalin nang literal

    isalin ang diwa ng idyoma sa idyomatikong pahayag

    tumbasan ng saling  kapwa idyoma sa Filipino

    30s
  • Q14

    Ano ang mga sumusunod ay mga idyomatikong salin sa Ingles ng salitang "lagay" MALIBAN sa isa. Ano ito?

    to put

    under the table money

    bribe

    grease money

    30s
  • Q15

    Ano ang pinakaepektibong salin ng idyoma sa ingles na: "light-fingered."

    magaan ang daliri

    malikot ang kamay

    magnanakaw

    umiilaw ang daliri

    30s

Teachers give this quiz to your class