
AP - 2. Mga Pagdiriwang Panrelihiyon
QuizΒ by Razmhel Sambas
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Inaalala sa pagdiriwang na ito ang pagsilang ni Hesus.
Inaalala sa pagdiriwang na ito ang mga mahal sa buhay na namatay.
Ito ang pinakamasayang araw na pagdiriwang ng mga Muslim pagkatapos mag-ayuno nang isang buwan.
Ito ay pagdiriwang panrelihiyon kung saan inaalala ang mga paghihirap, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus.
Ito ay panrelihiyong pagdiriwang ng mga Muslim kung saan hindi sila kumakain at umiinom kapag araw at lalong pinagbubuti ang kanilang relasyon kay Allah at sa kanilang kapwa.
Ito ay ang banal na aklat ng mga Muslim.
Ito ang tawag ng mga Muslim sa kanilang Diyos.
Ito ay pagkukuwento nang pakanta tungkol sa paghihirap, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus.
Ito ay pagdiriwang kung saan nagkakaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria.
Sila ang mga dalagang itinatampok bilang reyna sa prusisyon.
Ito ay prusisyon kung saan inaalala ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus na sinasabing pinagpakuan kay Hesus.
Ito ang tawag sa handang mga pagkain tuwing Pasko.
Ito ay kilalang tradisyon sa mga komunidad kung saan ipinagdiriwang at inaalala ang patron ng isang lugar.
Ito ay isinasagawa ng mga tao kung saan isinasayaw nila sa kalsada ang rebulto ng santo o santa.
Ito ang simula ng Semana Santa o Mahal na Araw.
Ito ang pagtatapos ng Semana Santa o Mahal na Araw.
Ito ang tawag sa parada ng mga rebulto tuwing Semana Santa o Mahal na Araw.
Ito ay tradisyon tuwing Semana Santa kung saan ginagaya ng ilang mga tao ang naging paghihirap ni Hesus.
Ito ay tradisyon tuwing Pasko kung saan nag-aalay ng mga pam-Paskong awitin ang mga bata sa mga bahay-bahay.
Kailan ipinagdiriwang ang Undas?
Kailan ipinagdiriwang ang Pasko?
Kailan ipinagdiriwang ang Flores de Mayo?
Nag-aalay ng bulaklak sa nitso at nagtitirik ng kandila kasabay ng pagdarasal sa kaluluwa ng mga namatay na.
Sa pagdiriwang na ito ay nakabihis ng magagara ang mga Muslim at pinagsasaluhan ang masasarap na mga pagkain.
Ito ay pangdisenyo tuwing Pasko.