
AP 4 3rd quarter test
QuizΒ by Manelyn Jimenez
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa samahan o organisasyong politikal na ang layunin ay mapanatili ang kaayusan at magtatag ng isang sibilisadong lipunan?
Anong uri ng pamahalaan mayroon ang Pilipinas?
Ano ang tawag sa pinuno ng bansang demokratiko?
Paano nailuluklok sa posisyon ang isang pinuno ng demokratikong bansatulad ng Pilipinas?
Alin ang katangian ng mga opisyal na dapat nating ihalal?
Aling gawain ang nagpapakita ng tamang tungkulin ng isang opisyal ng pamahalaan?
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pamahalaan MALIBAN sa isa. Alin ito?
Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamahalaan MALIBAN sa isa. Alin sa mga ito?
Ilang sangay mayroon ang ating pambansang pamahalaan?.
Anong sangay ng pamahalaan ang gumagawa ng mga batas?
Anong sangay ng pamahalaan ang nagbibigay ng interpretasyon ng batas?
Anong sangay ng pamahalaan ang itinuturing na pinakamataas nahukuman na siyang pinamumunuan ng Pinunong Mahistrado o Chief Justice.
Ang sangay na tagapagpaganap o ehekutibo ay pinamumunuan ng _____ ng bansa.
Ang Sangay na Tagapagbatas o lehislatibo ay nahahati sa ___ kapulungan.
Ilang taon ang panunungkulan ng isang pangulo sa bansa?
Sino ang katuwang ng Pangulo sa pamamahala ng bansa?
Anong kagawaran ng pamahalaan ang nangangasiwa sa lahat ngpampubliko at pampribadong paaralan sa elementarya at sekondarya?
Ito ang nagsasagawa ng mga proyekto at pagsasaliksik para sapagpapaunlad ng agham at teknolohiya sa ating bansa. Anong kagawaran angtinutukoy dito?
Anong kagawaran ng pamahalaann ang nagpaplano kung paano dapat gamitin ang pondo ng pamahalaan o ang pambansang badyet.
Ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng bakuna sa mga bata, deworming sa mag-aaral at libreng gamot para sa mga nangangailangan nito. Sa iyong palagay, anong uri ng serbisyo o gampanin ang naibibigay sa mga tao?
Ang mga sumusunod ay mga gampanin o gawain ng pamahalaan para sa mga tao. Alin dito ang gawaing o serbisyong pangkapayaan?
Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutuhan mo sa paaralan na may programa sa Edukasyon para sa mga nahinto ng pag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
Si Mario ay inakusahan sa pagkakasalang pagnanakaw ng kanyang kapitbahay. Ano kaya ang maaaring gawin niya para maipagtanggol ang sarili?
Sa nagdaang bagyo tulad ng Rolly at Ulysses, maraming bahay at kabuhayan ang naapektuhan ng mga nito. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang pamahalaan sa mga nasalanta ng kalamidad?
Alin sa mga sumusunod na programa ang itinataguyod ng pamahalaanupang magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng healthinsurance?
Alin sa mga programang ito ng pamahalaan ang naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mga ina?
Napanood mo sa telebisyon ang tungkol sa pag-aangkin ng China sa kalupaan at karagatang pag-aari ng Pilipinas.Ano ang dapat gawin ng ating pamahalaan?
May banta ng puwersahang pag-aalis ng pinuno ng lokal na pamahalaan. Ano ang dapat gawin?
Nagtayo ng irigasyon sa bayan ng Luna para matugunan ang pangangailangan ng mga tao doon. Sino ang tuwirang makikinabang sa proyektong ito?
Anong ahensiya ang nagpapatayo ng mga impraestruktura upang mapabuti ang mga daungan, at paliparan sa bansa.
Bakit sinimulan ang Public-Private Partnership Program noong taong 2012?
Bakit mahalaga ang ahensiyang National Telecommunications Commission?
Paano pinaunlad ng pamahalaan ang transportasyon at komunikasyon sa iba-ibang dako ng bansa?
Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan ang mga mamamayan lalo na yaong maliliit ang kita. Anong ahensiya ang tumutulong sa proyektong pabahay ng pamahalaan?
May mga pamilyang masuwerteng nabigyan ng murang pabahay ng pamahalaan. Paano nila ito pahahalagahan?
Aling ahensya ng pamahalaan ang naatasang bumalangkas ng mga patakaran ukol sa mga isyu ng mga may kapansanan at alalahanin?Β
Nakararanas ang Pilipinas ng iba-ibang kalamidad tulad ng bagyo, baha, sunog, lindol at pagputok ng bulkan. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang pangunahing nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna?
Aling ahensiya ng pamahalaan ang naatasang tumulong sa mga batang inabuso, inabandona, mga nasa lansangan at mga nasa mapanganib na sitwasyon?
Paano ka makakatulong sa pamahalaan na pahahalagahan ang mga matatandang inabandona ng kanilang mga kamag-anak?
Ang pamilya ni Eduardo ay nakatira malapit sa ilog. Tuwing may papalapit na bagyo, inaabisuhan sila ng kanilang Punong Barangay na lumikas sa mataas na lugar. Kalimitan sa malapit na paaralang pampubliko sila dinadala upang pansamantalang palipasin ang bagyo. Kung ikaw si Eduardo paano mo pahahalagahan ang ginawang pag-aabiso at paglilikas sa inyo ng lokal na pamahalaan?