placeholder image to represent content

AP 4 Araling Panlipunan 2nd Second Quarter test

Quiz by Manelyn Jimenez

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
40 questions
Show answers
  • Q1

    Ang mga likas na yaman ng bansa ay may malaking pakinabang pangekonomiko sa buhay ng mamamayan at bansa. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa likas na yaman ng bansa?

    lupa

    tubig

    mineral

    mga gusali

    30s
  • Q2

    Ano ang maituturing na mahalagang salik upang makamit ng bansa ang kaunlaran pang ekonomiko nito?

    pakinabang pang-ekonomiko

    pamumuno

    pagtutulungan

    pamahalaan

    30s
  • Q3

    Alin sa mga sumusunod ang produktong pangkabuhayan ng mga taong nakatira sa ilog, sapa at baybaying-dagat?

    kaingin

    pangingisda

    pananahi

    pagsasaka

    30s
  • Q4

    Ang Romblon ay kilala sa pagmimina ng maputing bato na tinatawag na marmol. Ano ang pakinabang pang-ekonomiko nito sa bansa?

    turismo

    enerhiya

    produkto

    minahan

    30s
  • Q5

    Ang Talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya ay malaki ang naitutulong sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng mga planta at kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig at lakas ng hangin sa Bangui, Ilocos Norte sa pamamagitan ng windmill. Anong pang-ekonomiko ang tinutukoy nito?

    produkto

    tanawin

    enerhiya

    turismo

    30s
  • Q6

    Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang naglalarawan sa iba’t-ibang pakinabang pang ekonomikong likas na yaman ng bansa?

    Ang mamamayan ay nabibigyan ng trabaho

    Ilan sa mga pinagmumulan ng kapakinabangang pang-ekonomikoay ang mga produkto at kalakal mula sa mga likas na yaman,turismo, at pinagkukunan ng enerhiya.

    Maraming produktong nakukuha sa ating mga likas na yaman. Angmga ito rin ang nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa.

    Ang ating bansa ay pinagpala sa pagkakaroon nito ng masaganang likas na yaman kung kaya’t madaling natutugunan ang mga pangangailangan ng mga tao

    30s
  • Q7

    Alin sa mga sumusunod na pakinabang pang-ekonomiko ang hindi kabilang?

    lokasyon

    turismo

    produkto

    pinagkukuhaan ng enerhiya

    30s
  • Q8

    Ang mga sumusunod ay kabutihang maaaring maidulot ng turismo sa bansa MALIBAN sa isa. Alin ito?

    Malaking dolyar ang naipapasok ng mga turistang dayuhan sa bansa.

    Malaki ang naiaambag nito sa paglago ng negosyo malapit sa mga pook pasyalan.

    Malakas itong atraksiyon sa mga sa turista, buhat sa mga karatig-lalawigan at maging sa labas ng bansa.

    Maghahatid ito ng pagdami ng tao sa isang lugar at maabuso ang mga likas yaman dito.

    30s
  • Q9

    Bakit mahalaga ang mga kabataan sa pangangasiwa at pangangalaga ng likas na yaman?

    Sila ang mga may mataas na kaalaman sa pagpapalaganap ng kaalaman sa teknolohiya.

    Malalakas at matitibay ang pangangatawan sa gawaing pisikal.

    Sila ang mangunguna sa kampanya at pagtataguyod ng pangangalaga ng likas na yaman upang may magamit pa sila sa darating na panahon.

    Mas higit silang nakakarami upang maipalaganap ang kaalaman samakabagong paraan.

    30s
  • Q10

    Ano sa iyong palagay ang magandang epekto ng gawain na nasa larawan sa ibaba?

    Maaari kang kumita sa pagtatanim

    Ang mga bata ay matututong magtanim.

    Makakatulong ka sa iyong paaralan at komunidad.

    Maraming bagong puno ang maitatanim at lalaki, na makakatulong sa pag-iwas sa mga kalamidad na maaaring mangyari.

    30s
  • Q11

    Marami sa kasalukuyan ang nahihilig sa paghahalaman, ngunit marami rin ang nanghihinayang kung ang kanilang mga halaman ay namamatay agad. Ano kaya dapat malaman ng isang naghahalaman upang mapanatili ang maayos na buhay ng halaman?

    Ilagay ang mga halaman sa magagandang paso.

    Lagi itong diligan at ilagay sa ilalim ng sikat ng araw.

    Bumili ng mga fertilizer upang makatulong ito sa mga halaman.

    Alamin ang kalagayan ng halaman kung saan siya dapat manatili at anglupang nararapat para sa kanya.

    30s
  • Q12

    Ang mga mamamayan sa buong kapuluan ay sumusuporta sa proyektong iligtas ang mga ilog. Sila ay nagnanais na malinis ang ilog. Ano ang iyong gagawin?

    Hindi nalang ako lalabas ng bahay.

    Hindi sasali, sapagkat ako ay bata lang.

    Makikinig lamang sa kanilang mungkahi.

    Makikiisa at susuporta sa kanilang gawain.

    30s
  • Q13

    Bakit mabuti na gamitin ang mga lambat na may katamtamang butas sa pangingisda?

    Mas magaan ito gamitin sa paghuli ng isda

    Mas marami ang nahuhuli sa ganitong uri ng lambat.

    Makakatulong ito na mapagaan ang gawain ng mga mangingisda.

    Mabuting gamitin ito sa dahilang hindi mahuhuli ang mga maliliit pang mga isda o itlog nito at patuloy pa sa pagdami.

    30s
  • Q14

    Anong ahensya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin na pamahalaan at pangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa?

    Department of Environment and Natural Resources (DENR)

    Department of Public Works and Highways (DPWH)

    Department of Science and Technology (DOST)

    Department of Energy (DOE)

    30s
  • Q15

    May nahuling ibon na napakaganda ang iyong mga kalaro, ano ang iyong imumungkahi?

    Iuwi at alagaan ang nahuling ibon.

    Ipagbili ito sa mga mahilig mag-alaga ng ibon.

    Ikaw na lang ang mag-alaga upang mabigyan mo ito ng sapat napangangailangan.

    Ipagbigay alam ito sa may kapangyarihan na may kaugnayan sa pagaalaga ng mga hayop

    30s

Teachers give this quiz to your class