
AP 7 REVIEWER
Quiz by Gracia
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ito ay isang malawak na disiplina na hindi lamang tumatalakay sa pisikal na aspeto ng mundo, kundi pati na rin ang mga kultural at panlipunang aspeto na nag-uugnay sa mga tao sa kanilang kapaligiran.
Heograpiya
Kabihasnan
Kasaysayan
Ring of Fire
120s - Q2
Alin sa sumusunod ang pangkalahatang katangiang pisikal ng mga bansang insular sa Timog-Silangang Asya?
may mahahabang baybayin at aktibong bulkan
may mataas na kabundukan at disyertong may ulan
may mababang mga lupa at malalawak na kagubatan
may luntiang kapaligiran at lawa na mahalaga sa kalakalan
120s - Q3
Ang pagkakaiba-iba ng wika at etnisidad sa Timog-Silangang Asya ang pangunahing katangian ng mga Asyano. Ano ang epekto nito sa paghubog ng kabihasnang Asyano?
pagkakaroon ng isang mayamang kultura sa buong rehiyon
pagkakaroon ng hindi pagrespeto sa kultura ng ibang pangkat
pagkakaroon ng diskriminasyon at pagkakaiba-iba ng pananaw
pagkakaroon ng magulong anyo ng mga pananaw at paniniwala
120s - Q4
Ang pagkakaiba-iba ng wika at etnisidad sa Timog-Silangang Asya ang pangunahing katangian ng mga Asyano. Ano ang epekto nito sa paghubog ng kabihasnang Asyano?
pagkakaroon ng hindi pagrespeto sa kultura ng ibang pangkat
pagkakaroon ng diskriminasyon at pagkakaiba-iba ng pananaw
pagkakaroon ng isang mayamang kultura sa buong rehiyon
pagkakaroon ng magulong anyo ng mga pananaw at paniniwala
120s - Q5
Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit lumaganap ang mga Austronesyano sa malaking bahagi ng rehiyong Indo-Pasipiko?
Ang mga Austronesyano ay may kasanayan sa pagsasaka
Ang mga Austronesyano ay magaling maglayag sa karagatan.
Ang mga Austronesyano ay mahusay sa pangangaso sa kagubatan
Ang mga Austronesyano ay may kakayahan sa pakikipagkalakalan
120s - Q6
Ayon kay Peter Bellwood, maipaliliwanag ng Mainland Origin Hypothesis ang pagkakaparehas ng kultura ng mga lugar o bansang narating ng mga Austronesyano. Alin sa sumusunod ang pagpapatunay sa kaniyang sinabi?
magkakamukha ang wangis ng mga taong Austronesyano
magkakahalintulad ng pananamit ang mga Austronesyano
magkakapareho ang relihiyon o sistema ng paniniwala ng mga ito
may pagkakahawig sa mga salita ng mga taong naninirahan dito
120s - Q7
Ang pagpapahalaga sa pinagmulang lahi ng mga Pilipino ay isang mahalagang bahagi ng pagkakaroon ng isang malakas at mayamang identidad. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng HINDI pagpapahalaga sa pinagmulang lahi ng mga Pilipino
Pagbisita sa mga museo at makasaysayang pook upang makita ang mga artifact at gusali na nagpapakita ng ating pinagmulan.
Paggamit ng social media upang ibahagi sa iba ang maling impormasyon sa ating mayamang kulturang pinagmulan.
Paglalaan ng oras upang basahin ang mga aklat at artikulo tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, lalo na ang nagtatakda ng ating pinagmulan.
Panonood ng mga dokumentaryo na nagtatampok sa ating kasaysayan at kulturang pinagmulan.
120s - Q8
Alin sa mga sumusunod na imperyo ang pinakamahalagang sentro ng kalakalan at kultura sa Timog-Silangang Asya noong sinaunang panahon na tumanggap at yumakap ng kulturang Indian?
Imperyong Angkor
Imperyong Funan
Imperyong Gupta
Imperyong Srivijaya
120s - Q9
Ang Angkor Wat ay kilala sa kaniyang simetriya (symmetry) at detalyadong mga ukit na naglalarawan ng mga eksena sa mitolohiyang Hindu. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa Angkor Wat sa Cambodia MALIBAN sa ______
Ang templo na ito ay ugat ng mga puno na lumilikha ng isang misteryoso at romantikong tanawin na nagpapakita ng kapangyarihan ng kalikasan
Malalaking kwadrado na bloke ng buhangin na bato at mga nakasalansan na templo na sumisimbolo sa mga bundok ng Mount Meru sa Hinduismo
Nagsilbing inspirasyon sa maraming mga artista at arkitekto sa buong mundo na nagpapakita ng isang natatanging kumbinasyon ng relihiyon, sining, at inhinyero.
Sinaunang lungsod-templo na nagsisilbing ebidensya ng pagbabago ng klima at pagbagsak ng isang makapangyarihang imperyo.
120s - Q10
Sa mahabang kasaysayan ng Thailand, ang kanilang legal na sistema ay bunga ng iba’t ibang impluwensiya. Alin sa mga sumusunod na kodigo ang nagpapakita ng malalim na pagsasama ng mga paniniwala at kaugalian ng mga sinaunang Indian at mga katutubong Thai?
Code of Hammurabi
Dharmasastra
Justinian Code
Palastra
120s - Q11
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI naglalarawan ng pag-unlad ng mga kabihasnan sa Timog-Silangang Asya?
Ang Panahong Neolitiko sa Timog-Silangang Asya ay nagsimula sa agrikultura na naging pundasyon ng kulturang Hoabinhian sa Vietnam.
Ang mga Austronesyano ang mga unang pangkat ng mga tao na nakarating at namuhay sa ating bansa.
Ang mga lugar tulad ng Stonehenge ay nagsimulang lumitaw sa huling bahagi ng panahong ito.
Bagama’t hindi nakapagtatag ng sentralisadong kaharian bunga ng kadahilanang heograpikal, maipagmamalaki ng Pilipinas ang mga barangay
120s - Q12
Ang mga sumusunod ay mga epekto ng direct control sa mga kolonya ng mga Kanluraning bansa MALIBAN sa _______
pagkawala ng lokal na identidad ng mga tao
pagpapalakas ng lokal na pamahalaan
pagpapalit ng lokal na kultura at relihiyon
pang-aalipin ng mga lokal na mamamayan
120s - Q13
Ano ang naganap noong 1869 na nagbigay-daan sa mas mabilis na kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya?
pagsakop sa Ehipto
pagtatayo ng mga riles
pagkakabuo ng Suez Canal
pagkakaroon ng Kumperensiya ng Berlin
120s - Q14
Sa bawat produktong ating binibili ay may kaakibat na value-added tax o buwis na napupunta sa pamahalaan na ginagamit sa mga proyektong pagpapaunlad ng bansa. Anong uri ng patakaran ng mga Espanyol maihahalintulad ang pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino?
tributo
monopolyo
polo y servicio
sentralisadong pamahalaan
120s - Q15
Paano ginamit ng mga Pilipino ang sistema ng edukasyon upang isulong ang kanilang kalayaan mula sa mga Amerikano?
pagtutol sa mga programa ng edukasyon
pagsunod sa mga patakarang pang-agrikultura
paggamit ng edukasyon sa demokratikong proseso
pang-aangkin ng kolonyal na sistemang ekonomiko
120s