
AP PERIODICAL TEST
Quiz by Marion Reyes
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?
Ito ang opisyal na pangalan ng ating bansa.
Alin sa mga sumusunod na elemento ng pagkabansa ang tumutukoy sa organisasyong pulitikal na itinataguyod ng grupo ng mga tao na may layuning panatilihin ang kaayusan ng bansa?
Ito ay tumutukoy sa lugar o teritoryo na may naninirahang grupo ng mga tao na pinagbubuklod ng wika, tradisyon, kaugalian, lahi, relihiyon at kasaysayan.
Ito ay tumutukoy sa kapangyarihang mamahala ng pamahalaan sa kanyang nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa na hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
Ito ay isang lapat o patag na paglalarawan sa daigdig o sa isang lugar.
Ito ay replika o modelo ng mundo.
Ito ay ang pinagsamang guhit latitud at longhitud.
Sa anong mga buwan karaniwang nararanasan sa bansa ang tag-araw?
Ito ay tumutukoy sa pabago-bagong kalagayan ng atmospera sa isang lugar.
Ang Vietnam ay matatagpuan sa _________ na bahagi ng bansa.
Ang mga bansang Taiwan, China at Japan ay matatgpuan sa ________ ng bansa.
Ang bansang nasa ________ na bahagi ng Pilipinas ay ang Indonesia.
Ang Karagatang Pasipiko ay makikita sa ________ ng Pilipinas.
Matatagpuan sa _______ ng Pilipinas ang Bashi Channel
Ito ang parallel na nasa 66 ½ ° timog ng ekwador ang pinakatimog na hanggahang naabot ng pahilis na sinag ng araw.
Ang linyang matatagpuan sa 00 latitud na humahati sa mundo sa hilagang hating globo at timog hating globo.
Ito ang guhit na nasa 1800 longhitud at katapat ng prime meridian.
Ito ang mga linyang pahiga na tumatawid pasilangang-kanlurang direksyon paikot na mundo.
Ang tawag sa distansiya sa pagitan ng dalawang meridian
Ito ang linyang may kabuuang sukat na 1800 na humahati sa mundo sa kanlurang hemisperyo at silangang hemisperyo.
Ito ang mga linyang patayo na tumatawid mula sa isang polo patungo sa isa pang polo
Ito ang parrallel na nasa 23 ½ ° timog ng ekwador
Ito ang pinakahilagang hanggahang naabot ng bertikal na sinag ng araw
Ang pinakahilagang hanggahang naabot ng pahilis na sinag ng araw
Ang mga bansang tulad ng Vietnam, Laos at Cambodia ay nasa Timog ng Pilipinas.
Ang insular na lokasyon ang nagtuturo ng mga anyong tubig na nakapalibot sa isang lugar.
Sa Timog Silangang Asya matatagpuan ang bansang Pilipinas.
Nasa Timog na bahagi ng PIlipinas ang Bashi Channel.
Kung ikaw ay naninirahan sa bansang Thailand, makikita mo ang Pilipinas sa Silangang bahagi nito.
Ang bansang Japan ay makikita sa Timog ng Pilipinas.
Ang anyong tubig na makikita sa Kanlurang bahagi ng bansa ay ang Dagat ng Celebes.
Ang Indonesia ay bansang makikita sa Silangang bahagi ng Pilipinas.
Ang mga pangunahin at pangalawang direksyon ang ginagamit sa pagtukoy ng relatibong kinalalagyan ng isang lugar
Insular na lokasyon ang tinutukoy kung hinahap ang isang lugar sa pamamagitan ng mga karatig bansa nito.
Matatagpuan sa Silangang bahagi ng Pilipinas ang Karagatang Pasipiko?
Ito ay pangmatagalang kalagayan ng panahon sa isang lugar. Ito ay maaring maranasan nang hindi bababa sa tatlo hanggang anim na buwan.
Ang hangin ______________ ay nagmula sa Indian Ocean na tumatama sa Timog-Kanluran ng Pilipinas.
Ito ay pansamantalagang kalagayan ng atmospera na maaring magbago anumang oras.
Ang _______ ay nararansan mula Nobyembre hanggang Pebrero, Ito ay hangin mula sa Siberia at umiikot patungong Karagatang Pasipiko mula sa direksiyong Hilagang-Silangan. Ang panahong ito ay tuyo ngunit malamig ang simoy ng hangin.
Ano ang pangkalahatang klima sa ating bansa?
Bahagi ng bundok kung saan bumabagsak ang ulan?
Malakas na hanging may bilis na hhindi bababa sa 30 kilometro bawat oras.
Ang mababang lugar ay nakakaranas ng ______ na temperatura.
Ito ay tumutukoy sa dami ng water vapor sa atmospera.