placeholder image to represent content

AP Qtr4, 1st Summative Test (wk 1-2)

Quiz by Noriza D. Farinas

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1
    Ano ang tawag sa damdaming makabayan na naipapakita sa pamamagitan ng maalab, marubdob at matinding pagmamahal sa lupang sinilangan?
    nasyonalismo
    pakikiisa
    bayaning Pilipino
    30s
  • Q2
    Sino ang pangkat ng mga kabataan na nakapag-aral sa ibang bansa at tinatayang naliwanagan?
    peninsulares
    insulares
    ilustrado
    30s
  • Q3
    Naging salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino ang pagtatapos ng Kalakalang Galyon. Ano ang mabuting naidulot nito?
    nahirapan ang mga Pilipino na makahanap ng bagong kapalitan ng kalakal
    nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makisali sa malayang kalakalan
    nahinto ang produksyon ng mga produkto
    30s
  • Q4
    Alin sa mga sumusunod ang naging epekto nga pagbubukas sa Suez Canal?
    nahirapan ang mga dayuhang manlalakbay na makarating sa Pilipinas
    naging mabilis ang paglalakbay mula sa Pilipinas patungong Europa
    Naging matagal ang paglalakbay mula sa Pilipinas patungong Europa
    30s
  • Q5
    Ano ang naging epekto ng pagbitay sa tatlong paring martir sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?
    nag-ugat sa matinding takot at pangamba sa mga Pilipinong tumataliwas sa mga Espanyol
    naging daan upang umalab ang damdamin ng mga Pilipino at nagsimulang tumindi ang pagnanais na lumaban sa mga Espanyol
    natakot at sumunod ang mga Pilipino sa mga Espanyol
    30s
  • Q6
    Ano ang masamang epekto ng merkantilismo sa bansa?
    nagpahirap sa sakop na bansa tulad ng Pilipinas
    nagpaunlad sa bansang mananakop
    naging sukatan ang ginto sa yamang taglay ng isnag bansa
    30s
  • Q7
    Isa sa mga salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino ay ang pagkakaroon ng liberal na pamumuno. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag ukol sa liberal na pamumuno?
    Pagtanggal ng pagkakataon na makilahok ang mga mamamayan tungkol sa usaping pampamahalaan
    Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas at patakaran sa mga mamamayan.
    Panghihikayat sa mga mamamayan na sumali at makiisa sa mga usaping pulitikal at suliraning kinakaharap ng mga tao
    30s
  • Q8
    Paano nakatulong ang paglitaw ng panggitnang uri sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?
    Humingi ang mga panggitnang uri ng pantay na karapatan ng mga paring regular at paring sekular.
    Nakapaglakbay at nakapag-aral ang mga Pilipinong maykaya at nabuksan ang isipan nila sa kaisipang liberal at mapang abusong pamamalakad ng mga Espanyol.
    Nakiisa ang mga panggitnang uri upang mabuksan ang Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan.
    30s
  • Q9
    Ang mga sumusunod ay salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino, maliban sa isa.
    Rebolusyon ng mga bansa
    Pagbubukas ng Malayang Kalakalan
    Paglitaw ng Panggitnang uri
    30s
  • Q10
    Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa ginawang mga hakbang ng mga Pilipino noon sa pagpapamalas ng kanilang pagmamahal sa bayan?
    Pahahalagahan at gagamitin sa mabuti ang kalayaang tinatamasa na ipinaglaban ng mga Pilipino noon.
    Mahihiya akong ipahayag sa mundo na ako ay kabilang sa lahing Pilipino.
    Ipagpapalit ko ang aking pagiging Pilipino kapalit ng magandang buhay sa ibang bansa.
    30s

Teachers give this quiz to your class