
AP Quarter 1 pt.2
Quiz by Hazel Grace Nuñez
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Si Teresa Magbanua aytinaguriang “Joan of Arc ng Kabisayaan sapagkat____
Namuno siya sa mga gruponggerilya at nagpakita siya ng kakaibang tapang at pamumuno sa Isla ng Panay
Lahat ng nabanggit
Nagpakitang gilas siya ngkanyang kakayahan sa pagiging asintado sa baril at sa husay sa pangangabayo.
Siya ay isa sa maipagkakapuri ng Pilipina,ang natatanging babaeng heneral na pinatunayan na ang babae ay may angking kakayahan, tibay ng puso at katapangan at handang isakripisyoang buhay kung kinakailangan
30s - Q2
Bakit naging mahalaga ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos?
Nagkaroon ng pagkakataon naipamalas ng mga Pilipino ang kanilang husay sa paggawa ng batas.
Naging daan ng pagkakasundo ng pamahalaaang Espanyol at Katipunan.
Nagpasimula ng pagkakabuo ng Konstitusyon na ginamit upang maitatag ang Unang Republika ng Pilipinas.
Nakilala ang Bulacan bilang sentro ng pamamahala sa bansa.
30s - Q3
Tuwing sumasapit ang ika-12 ng buwan ng Hunyo ay idinideklarang Holiday o walang pasok sa mga paaralan at maging opisina sa buong Pilipinas. Bakit?
paggunita sa Araw ng mga Manggagawa sa Pilipinas
paggunita sa Araw ng mga Mag-aaral sa Pilipinas
paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas
paggunita sa Araw ng mga Bayani sa Pilipinas
30s - Q4
Noong Hunyo 23, 1898, ang Pamahalaang Diktatoryal na itinatag ni Emilio Aguinaldo ay pinalitan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo. Ang mga sumusunod ay layunin ng Pamahalaang Rebolusyonaryo MALIBAN isa .
Makabuo ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang lalawigan tagapagpaganap upang gumawa ng mga batas para tiyak na mamalagi ang kaayusang panloob at mapangalagaan ang bansalaban sa dayuhang mananakop.
Ihanda ang bansa upang maitayo ang isang Pamahalaang Republika.
Ipagpatuloy ang pakikipaglaban ng Pilipinas para sa Kalayaan.
Ipakulong at parusahan ang mga Pilipinong nagtaksil sa bayan.
30s - Q5
Bakit napilitang inilipat niEmilio Aguinaldo ang kabisera ng Republika mula Malolos patungong Pampanga, Tarlac hanggang sa bulubundukin?
dahil takot na takot siya sa mga tao at sa mga sundalong Amerikano
dahil ayaw niya ng gulo
dahil tinutugis siya ng mga Amerikano at ayaw niyang bumagsak ang Republika
dahil yon ang talagang gusto niya
30s - Q6
Ano ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ukol sa pakikibaka ng mgaPilipino sa panahon ng Digmaaang Pilipino-Amerikano.
Users link answersLinking60s - Q7
Ang Kasunduan sa Paris ay ang kasunduang nilagdaan ng mga pinuno ng Estados Unidos at ng España. Alin sa mgasumusunod na pahayag ang TOTOO tungkol sa kasunduang ito?
Kasunduangpangkapayapaan na nagtatadhana sa paglilipat ng Español ng pamahalaan sa Estados Unidos
Pagtanggap ng España ng dalawampung milyong dolyar mula sa Estados Unidos.
Lahat ng nabanggit
Paggagarantiya ng EstadosUnidos na makapapasok ang kalakal ng España sa Pilipinas sa loob ng sampung taon.
30s - Q8
Alin sa mga sumusunod ang HINDI naganap sa Labanan sa Pasong Tirad?
Isang Igorot, si Juanario Galut, ang nagturo sa mga Amerikano ng isang lihim na daanan papunta sa itaas ng bundok kaya napuntahan ng mga Amerikano si Aguinaldo
Nagkaroon ng malawakang labanan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano pagkatapos ang labanan sa buong Luzon at nang napasakamay na ng mga Amerikano ang Malolos.
Dumating ang araw ng nakailangang iligtas ni Heneral Gregorio M. del Pilar si Aguinaldo sa Pasong Tirad dahil tinutugis ng mga Amerikano si Aguinaldo
Inutos ni Heneral Jacob Smith na patayin ang lahat ng mga batang lalaki na 10 taong gulang pataas.
30s - Q9
Ang mga sumusunod ay naging hudyat ng pagbabago ng pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Pilipino MALIBAN sa isa
Ang pagbaril ng isang sundalong Amerikano sa isang sundalong Pilipino.
Ang kayumanging balat ng mga Pilipno
Ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kanilang pinuno at sa Republika.
Ang hindi pagkilala ng Estados Unidos sa Republika ng Pilipinas.
30s - Q10
Ano ang TOTOO tungkol sa tinatawag na Balangiga Massacre?
Tumutukoy ito sa malupit napamamahala ng mga Espanyol sa Balangiga.
Tumutukoy ito sa paninirahan ng mga Amerikano sa Balangiga
Ito ay tumutukoy sa pag-aalsa ng mga residente ng Balangiga sa mga sundalong Amerikano at pagpatay sa mga batang lalaki na sampung taong gulang pataas
Ito ay ang pagtugis kay EmilioAguinaldo ng mga sundalong Amerikano sa Balangiga
30s