
AP10_2nd Quarter Assessment test (DIAGNOSTIC)
Quiz by josephine daluz
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
1. Ang mga sumusunod ay mga pagbabagong naganap na sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon MALIBAN sa isa.
2. Ito ang malawakang pag-uugnayan ng mga bansa sa pandaigdigang gawaing pangkultura,pang ekonomiko at pampolitika
3. Ang Perspektibo o pananaw sa kasaysayan at simula ng globalisasyon na pinaniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa
4. Dahil dito, isa sa naging epekto ng globalisasyon ay napadali ang paghahatid ng mga kaganapan sa iba’t ibang bansa.
5. Kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan nito.
6. Isyu sa paggawa na kinakaharap ng bansa at paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa
7. Isang suliranin sa paggawa na tumutukoy sa pag-tungo ng mga propesyunal na paggawa sa ibang bansa.
8. Ang pinakamababang pasahod na itinakda ng gobyerno na dapat tanggapin ng manggawa ng naayon sa batas.
9. Sinasabing nagkalat ang mga Pilipino saanman sa mundo. Maraming pamilyang Pilipino ang matagal nang naninirahan sa ibang bansa. Dahil dito, nagnanais din silang makuha ang kanilang mga kamag-anak lalung-lalo na ang kanilang mga anak upang manirahan doon. Ano ang positibong salik ng pandarayuhan ang naging dahilan ng migrasyon?
10. Isa sa mahalagang salik ng produksiyon ay PAGGAWA. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, alin sa mga sumusunod ang nararapat mong bigyang pansin upang mapangalagaan ang mga manggagawa?
11. Alin sa mga sumusunod ang patunay sa kalagayan ng paggawa ng mga manggagawang Pilipino na pinipili ng iba’t ibang kompanya sa maraming bansa dahil sa taglay nitong kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya?
12. Ang mga sumusunod ay positibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon MALIBAN sa isa
13. Ang pangingibang-bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya,lalo na sa kanilang mga anak. Ano ang maaaring maging negatibong epekto nito sa mga anak?
14. Maraming mga Pilipinong propesyunal sa ibang bansa ay hindi nakakukuha ng trabaho na akma sa kanilang tinapos, dahil sa kakulangan ng bilang ng taon sa basic education kaya naman second class professionals ang tingin sa maraming mga Pilipino.Ano ang ipinatupad ng pamahalaan bilang tugon sa suliranin na naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa ibang bansa?
15. Dahil sa malayang kalakalan nakakapasok ang mga imported na produkto sa ating bansa. Ano ang negatibong epekto ng pagpasok ng mga imported na produktong Agrikultural sa bansa?
16. Malaki ang ginagampanan ng pamahalaan sa pagharap sa hamon ng globalisasyon maging ito man ay sa dimensiyong ekonomikal, politikal o sosyo-kultural. Ano ito na isa sa solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan kung saan nakikialam ang pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
17. Ang nararapat gawin ng mga manggagawang Pilipinong Propesyunal upang makatulong sa pagpapatatag ng kalagayan ng paggawa sa bansa.
18. Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa na naglalayong palakasin at siguraduhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa
19. Ano ang nararapat gawin ng pamahalaan upang hindi dumagsa ang mga tao sa mga lungsod gaya ng Kalakhang Maynila?
20. Ano ang patunay na ang Pilipinas ay isang import dependent country at ito ay ramdam sa pamilihang lokal ng bansa?