placeholder image to represent content

AP10_Isyung Pangkapaligiran

Quiz by Gemma Soneja

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
21 questions
Show answers
  • Q1

    Anong batas ang ipinatutupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala sa solid waste sa bansa?

    RepublicAct 7586      

    RepublicAct 8742     

    RepublicAct 7942

    RepublicAct 9003

    30s
  • Q2

    Isinasaad din ng batas na ito ang wastong paghihiwa-hiwalay ng pagtatapon ng basura ayon sa uri nito. Ano ang tawag dito?

    waste disposal

    waste management

    waste segregation

    waste recycling

    30s
  • Q3

    Ang mga basurang wala ng pakinabang tulad ng basag na salamin, ceramics, baso at bote ay halimbawa ng anong uri ng basura?

    biodegradable

    recyclable       

    residual

    special

    30s
  • Q4

    Ayon sa Waste Characterization Survey ng Asian Development Bank,  ang pinakamalaking bahagdan ng kabuuan ng mga solid waste sa bansa ay binubuo ng:

    biodegradable

    special

    recyclable      

    residual

    30s
  • Q5

    Isa sa mga best practices ng solid waste recycling na pinangunahan ng Green Antz Builders ay ang paggiling ng mga plastics upang gawing sangkap at makabuo ng :

    construction materials

    pader

    monoblock chairs

    eco-bricks

    45s
  • Q6

    Karamihan ng mga basura sa bansa ay nagmula sa anong sektor ?

    residential

    industrial

    institutional

    commercial  

    30s
  • Q7

    Isa sa mainam na paraan upang makatulong sa maayos na pangangasiwa ng ating mga basura ay ang tatlong R( 3Rs ), ito ay ang Reuse, Recycle at ____________

    Recycle

    Replace

    Reduce

    Remake

    45s
  • Q8

    Ang isang paraan ng maayos na pangangasiwa ng ating mga biodegradable waste ay ang composting. Ano ang paraang ito?

    pagsasama-samahin ang mga biodegradable waste upang maging isang sangkap ng kemikal

    paglalagay ng mga biodegradable waste sa isang hukay upang gawing pataba

    pag-iipon ng mga biodegradable waste upang dalhin sa mga piggery

    paghihiwalay ng mga nabubulok na basura sa hindi nabubulok

    45s
  • Q9

    Mapalad ang Marikina dahil mayroon itong sariling landfill o dumpsite. Saan ito matatagpuan?

    Champaca, Fortune

    Rodriguez, Rizal

    Marquinton, Sta. Elena

    Doña Petra, Nangka

    30s
  • Q10

    Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang maitapon nang maayos ang mga special waste tulad ng lumang baterya, pintura, mga ginamit sa hospital, atbp, MALIBAN SA ISA:

    Ang mga ito ay nakakapanghinayang at maaari pang maibenta sa junk shop

    Ang mga basurang tulad nito ay maaaring makapanakit sa mga namamahala ng basura

    .Ang mga basurang tulad nito ay maaaring maging dahilan ng pagsabog o sunog

    Ang mga basurang ito ay mapanganib sa kalusugan ng mga tao

    45s
  • Q11

    Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ay nangangahulugan ng pagtaas ng demand ng tao sa mga pangunahing produkto kaya't kinakailangan putulin ang mga puno at patagin ang mga kagubatan para maging tirahan ng mga tao. Ang sitwasyong ito ay nagiging dahilan ng _____

    Deforestation

    Climate Change                

    Slum Tourism

    Global Warming                   

    45s
  • Q12

    Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Mayroon industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha sa kagubatan." Anonglikas na yaman ang tinalakay sa talata?

    Yamang mineral

    Yamang lupa

    Yamang tubig                    

    Yamang gubat                      

    60s
  • Q13

    Ang kagubatan ay mahalagang yaman para sa mga tao dahil dito nagmumula  ____

    ang mga hilaw na produktong kailangan ng mga tao

    ang mga pangunahing pangangailangan ng tao

    ang mga kahoy na ginagamit sa paggawa ng mga bahay

    ang sariwang hangin na ating kailangan                   

    45s
  • Q14

    Ang global warming ay ang patuloy na pag-init ng mundo dahil sa mataas na konsentrasyon ng carbon dioxide sa atmosphere, kaya tayo nakararanas ng ___

    La Nina

    Climate change

    Deforestation

    El Niño

    45s
  • Q15

    Sinasabing ang Climate Change ay maaaring natural na pangyayari subalit ito ay napapabilis at napapalala ng mga gawain ng tao tulad ng mga sumusunod maliban sa isa:

    Paninigarilyo

    Paggamit ng bisekleta            

    Pagputol ng punongkahoy

    Pagsusunog ng mga basura

    45s

Teachers give this quiz to your class