AP10_Q3-Paunang Pagtataya
Quiz by josephine daluz
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 3 skills from
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
bi-sexual
transgender
sex
gender
30sAP10IKP-IIId-7 - Q2
Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
gender
bi-sexual
transgender
sex
30sAP10IKP-IIId-7 - Q3
Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyonbatay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang,at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
pananakit
diskriminasyon
pang-aabuso
pagsasamantala
30sAP10IKP-IIId-7 - Q4
Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang tradisyon sa India at sa iba pang bansa sa Timog Asya. Ang magulang ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki.
Ang ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa India noongpang 1961. Anong batas ang ipinatupad kaugnay nito?
Nine-point checklist
Violence – against Dowry Law
IndiaPenal Code
Anti-DowryLaw
30sAP10IKP-IIId-7 - Q5
Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay napagkabilanggo?
Uganda
United Arab Emirates
South Africa
Pakistan
30sAP10IKP-IIId-7 - Q6
Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
Kababaihan na may edad 15 pataas
Kababaihanna iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
Kababaihanna nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraangrelasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.
Kababaihan na walang asawa at mga anak
30sAP10IKP-IIId-7 - Q7
Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma.Siya ay tinatawag na
bakla
lesbian
homosexual
transgender
30sAP10IKP-IIId-7 - Q8
Mayroong mga ilang isyu ang may kinalaman sa gender at kasarian bunsod ng bahaging ginagampanan ng isang tao sa lipunan. Saan unang nahuhubog ang kasarian ng isang indibidwal?
Paaralan
Pamayanan
Tahanan
Simbahan
30sAP10IKP-IIId-8 - Q9
Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sapagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
A.Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina opaglilingkod ng buhay sa Diyos.
C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sapanahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapon.
D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalagasa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna Carta of Women.
3,2,4,5,1
1,2,3,4,5
2,3,4,5,1
4,5,1,3, 2
30sAP10IKP-IIId-8 - Q10
Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
Sinisipa,sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop
Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo nanararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
Nagseselosat palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
30sAP10IKP-IIId-8 - Q11
Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito?
Dowry
Babaylan
Lotus Feet
Purdah
30sAP10IKP-IIIe-9 - Q12
Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.
Pambubugbog
Pangangaliwa ng asawang lalaki
Sex Trafficking
Sexual Harassment
30sAP10IKP-IIId-7 - Q13
Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae,matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at ‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
Kababaihang Moro at katutubo
Maralitangtagalunsod
Magsasakaat manggagawa sa bukid
Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
30sAP10IKP-IIId-8 - Q14
Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Angbabae ay maaari lamang mag-asawa ng isa
Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki angkarapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
Maypantay na karapatan ang lalaki at babae
30sAP10IKP-IIId-8 - Q15
Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan (bata atmatanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
Upangmapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal
Pagsunodsa kanilang kultura at paniniwala
Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
Upanghindi mag-asawa ang kababaihan
30sAP10IKP-IIId-8