
AP7 - MOCK TEST
Quiz by Virginia T. Jaralve
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ang mga taga Europa ay naakit na maglakbay patungo sa silangan. Alin sa mga
sumusunod ang nag-udyok sa mga taga kanluran upang maglakbay at tumuklas
ng mga lupain sa silangang bahagi ng daigdig?
Kagandahan ng mga tanawin sa Asya
Pagsara ng tatlong rutang pangkalakalan na nag-uugnay sa Asya at Europa
Pagkakatuklasng mapa,compass at barko
Ang pag-iral ng sistemang pang-ekonomiya na merkantilismo
60s - Q2
Sa unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo nag-unahan ang mga kanluraning
bansa sa pagtuklas ng mga lupain sa Asya. Bakit nanakop ng lupain sa silangan ang
mga taga-Kanluran tulad ng Portugal,Pransya at England?
Upang magkaroon ng himpilang pangkalakalan
Sapagkatnais nilang maging pinakamakapangyarihan
Para sanayin ang mga Asyano sa bagong kultura
Dahilsa patakarang merkantilismo
60s - Q3
May iba’t ibang dahilan ang una at ikalawangyugto ng kolonyalismo at imperyalismo
saTimog at Kanlurang Asya. Alin sa mga dahilan sa ikalawang yugto ang nakatulong sa
pag-unlad ng pamumuhay ng mga taga-Asya?
Nasyonalismo
Reinassance
Kapitalismo
Rebolusyong Industriyal
60s - Q4
Pinakinabangan ng England ang hilaw na materyales ng India. Samantala, nahikayat
ang iba pang Europeo na sakupin din ang Kanlurang Asya dahil sa mina ng langis sa mga lupain dito. Batay sa pahayag, ano ang nag-udyok sa mga Kanluranin para manakop sa Asya ?
Nang dahil sa yamang likas na taglay ng kontenenteng Asya
Nang dahil sa pagnanais nila na magkamal ng yaman at kapangyarihan
Nang dahil sa hangaring mapalaganap ang teritoryo nila at magkaroon ng mapagkukuhanan ng mga yamang-likas
Nang dahil sa 3 Gs ( God, Gold and Glory )
60s - Q5
Civil disobedience laban sa pamahalaang Ingles ay isa sa ginamit na paraan ng mga Indians sa pangunguna ni Gandhi para labanan ang kanilang mananakop. Paano mailalarawan ang manipestasyon ng nasyonalismo sa bansang ito ?
Pagtangkilik sa mga produktong ibinibenta ng Europeo para hindi magalit sa kanila
Idinaansa diplomasya at tamang ugnayan sa mga Kanluraning bansa upang ibigay ang kanilang kalayaan
Paggamit ng armas para makamit ang kalayaan ng kanilang bansa
Paggamit ng mapayapang paraan para sa kalayaan
30s - Q6
Alin sa sumusunod ang magandang naidulot ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
Paglaya ng mga bansa mula sa pananakop ng mga Kanluranin.
Natutunan ng lahat ng mga Asyano na pamahalaan ang sarili.
Paghahalo ng lahi sa mga naganap na pananakop
Pagtangkilik ng mga produktong gawa ng mananakop.
60s - Q7
Alin sa sumusunod ang dahilan na nag-udyok sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig ?
Pagkakaisa ng mga Muslim at Hindu
Pag-unahan ng mga bansang Europeo sa mga teritoryo at kani-kanilang interes.
Pagkamatay ni Prinsipe Archduke Francis Ferdinand ng Austria.
Pagkamit ng kalayaan ng mga Asyano mula sa mga Kanluranin.
60s - Q8
Alin sa sumusunod ang naging epekto ng pagkakaroon ng samahan ng mga kababaihan sa kalagayang pampolitika ?
Nagkaroon ng pag-unlad ang ekonomiya
Nagkaroon ng pagkakataong maihalal ang mga kababaihan
Nagkaroon ng magandang kabuhayan ang mamamayan
Nagpatayong mga istruktura para mapaunlad ang mga kabuhayan
60s - Q9
Ano ang naging dahilan ng mga kababaihan upang magtatag ng samahan na para sa kababaihan lamang?
Upang ipakita ang kakayahan ng kababaihan
Upang ipakita ang talino ng kababaihan
Upang ipaglaban ang mga karapatan ng kababaihan.
Upang makapantay sa karapatan ng kalalakihan
60s - Q10
Bakit nararapat na pahalagahan ang mga kontribusyong Asyano sa larangan ng panitikan?
Dahil napakayaman nito.
Dahil maaari itong ihanay sa mga dakilang akda sa buong daigdig.
Dahil maaari itong mawala at makalimutan.
Dahil sinasalamin ng panitikan ang relihiyon, kultura at kasaysayan ng tao.
60s