
AP9_LAGUMANG PAGSUSULIT-QTR 1
Quiz by ersina casino
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1
Ang Ekonomiks ay hango sa salitang griyego na "oiko" at "nomos" na nangangahulugang ____
pamamahala ng bansa
pamamahala ng yaman
pamamahala ng negosyo
pamamahala ng tahanan
30s - Q2
Ang paggamit ng bakanteng oras sa pagrereview sa halip na maglaro ng on-line games ay halimbawa ng matalinong pagtugon sa anong pang-ekonomikong katanungan?
Gaano karami?
Paano gagawin?
Ano ang gagawin?
Para kanino?
30s - Q3
Ang suliranin sa kakapusan o scarcity ay maaaring masolusyunan sa pamamagitan ng ____
pagkakaroon ng maraming pera at ari-arian
matalinong paggamit ng limitadong pinagkukunang-yaman
pag-iimbak o pagtatago ng maraming pagkain sa panahon ng krisis
pagtaya sa lotto
30s - Q4
Pangunahing suliranin sa pag-aaral ng Ekonomiks ay ang suliranin sa kakapusan. Bakit nagkakaroon ng kakapusan?
Dahil sa mapagsamantalang negosyante na minamanipula ang suplay ng mga produkto.
Dahil sa kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman.
Dahil sa mapang-abusong paggamit ng likas-yaman.
Dahil limitado ang pinagkukunang yaman subalit walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
30s - Q5
Tumutukoy sa halaga na maaaring mawala o nang "best alternative" na pangunahing nararapat na isaalang-alang sa paggawa ng anumang desisyon.
Trade-off
Opportunity cost
Incentives
Marginal thinking
30s - Q6
Ano ang ipinapahiwatig ng kasabihang " If you buy things that you don't need, you might end up selling things that you need" ?
Hindi masama na magkaroon ng maraming kagustuhan hangga't natutugunan ang mga pangangailangan
Iba-iba nag pangangailangan at kagustuhan ng tao
Maaaring masakripisyo ang ating mga pangangailangan kapag inuna natin ang mga kagustuhan
Maituturing na kagustuhan ang isang bagay kapag ito'y higit pa sa ating pangangailangan
30s - Q7
Pursigido si Alfred na magkaroon ng average na 90 pataas o with Honor ngayong Grade 9 na siya dahil sa pangakong cellphone ng kanyang mga magulang.
Opportunity cost
Incentives
Trade-off
Marginal thinking
30s - Q8
Tumutukoy sa dagdag na pakinabang o halaga na maaari natin makuha sa gagawing desisyon
Trade-off
Opportunity cost
Incentives
Marginal thinking
30s - Q9
Maliban sa mura at maganda, eco-friendly pa ang nabiling bag ni Julia.
Trade-off
Marginal thinking
Opportunity cost
Incentives
30s - Q10
Tukuyin kung alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng Trade-off.
Nanghihinayang si May sa premyong makukuha niya sa raffle kaya bumili siya ng ticket
Gagawin ni Reggie ang kanyang assignment upang makakuha ng mataas na marka.
Maliban sa 2 pakete ng sabon na may dagdag pang shampoo at conditioner ng Sunsilk ang piniling bilhin ni Liza kaysa sa regular niyang binibiling shampoo na Sunsilk lang.
Pinili ni Jake na bumili ng school supplies ngayong pasukan sa halip na bumili ng rubber shoes na matagal na niyang gusto.
30s - Q11
Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa?
Upang mas lumaki ang kita ng ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito,.
Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
Nararapat itong bigyan ng pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.
Mas mapapalawig nito ang yamang-likas ng isang bansa.
30s - Q12
Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mamimili at gaano karami ang lilikhaing produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
Prodyuser
Presyo
Pamahalaan
Likas-yaman
30s - Q13
Alin sa mga sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng bansa
Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa
Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito
Upang matugunan ang pangangailangan at walang katapusang kagustuhan ng tao
30s - Q14
Ang sistemang pang-ekonomiyang ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa pwersa ng pamilihan.
Command Economy
Mixed Economy
Traditional Economy
Market Economy
30s - Q15
Sa Command Economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng _____
Konsyumer
Pamahalaan
Prodyuser
Pamilihan
30s