
APPLE FIL_8 [PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN]
Quiz by Eden Cañete
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ito ay tumutukoy sa anumang babasahin na nagtataglay ng mahahalaga at tiyak na mga detalye tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari.
ITO AY TUMUTUKOY SA DIWA NG BUONG TEKSTO.
Ito ang nagbibigay ng pahiwatig kung tungkol saan ang pag-unawa sa talata. Kadalasang matatagpuan sa unang pangungusap. Maaari rin namang mabasa sa gitna ng talata at maging sa huling pangungusap ng talata.
ITO ANG NAGBIBIGAY PALIWANAG O DETALYE SA ISINASAAD NG PAMAKSANG PANGUNGUSAP.
Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon tulad ng tulad ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos, istatistika at iba pa na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binabasa.
TAMA o MALI:Â Maaaring gumamit ng mga pantulong na kaisipan na walang kaugnayan sa pangunahing kaisipan.
Alin ang pangunahing katanungan na dapat isaalang-alang upang madaling matukoy ang pangunahing ideya o kaisipan sa binasa?
Bakit mahalagang maunawaan ang detalyeng nagbibigay suporta sa pangunahing ideya?
Tukuyin ang PAKSANG PANGUNGUSAP sa talata:
Maaga pa ay gising na lahat ng mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.
Tukuyin ang PAKSANG PANGUNGUSAP sa talata:
May iba't ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.
Tukuyin ang PAKSANG PANGUNGUSAP sa talata:
Ang aklat ay nagbibigay ng iba't ibang impormasyon. Ito rin ay nagdadala sa atin sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matutuhan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
Tukuyin ang PAKSANG PANGUNGUSAP sa talata:
Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos karamihan ay ang kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay-galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit sa lahat ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa araw na ito.
Tukuyin ang PAKSANG PANGUNGUSAP sa talata:
Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba't ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod sa bansa.
Suriin ang talata at tukuyin kung alin ang pangunahing kaisipan:
Maagang pumapasok sa paaralan si Tonyo upang makapag-review sa library. Tuwing nagkakaroon ng oral recitation ay palagi siyang nakakasagot. Kapag nakauwi mula sa paaralan ay agad niyang ginagawa ang kanyang mga takdang-aralin kung kaya mataas ang markang nakukuha ni Tonyo. Si Tonyo ay mabuting estudyante.
Suriin ang talata at tukuyin kung alin ang pangunahing kaisipan:
Si Patricia ay isang mabait na bata. Kapag nakikipag-usap siya ay kakikitaan mo talaga ng paggalang. Sinusunod niya rin ang payo ng kanyang mga magulang, guro at iba pang mga nakakatanda sa kanya. Tinutulungan niya rin ang kanyang mga magulang sa mga gawaing-bahay.
Suriin ang talata at tukuyin kung alin ang pangunahing kaisipan:
Napakagandang tingnan kung ang ating mga ngipin ay maputi. Kapag ito’y walang sira, tiyak na mabango ito. Kapag araw-araw kang nagsisipilyo, tiyak na walang sasakit at walang masisirang ngipin. Kaya dapat talagang mapangalagaan ang ating mga ngipin.
Suriin ang talata at tukuyin kung alin ang pangunahing kaisipan:
Ang paborito kong bulaklak ay rosas. Gustong-gusto ko ang amoy nito kaya araw-araw akong namimitas nito sa aming hardin. Tuwing birthday ko ay hindi mawawala ang rosas sa dekorasyon.
Suriin ang talata at tukuyin kung alin ang pangunahing kaisipan:
Palaging nag-aaway ang aking mga magulang. Kung si papa ay matipid, mahilig namang gumasta ng pera si mama. Mahilig din si mama na lumabas kasama ang mga kumara nito kahit gabi na. Gusto ni mama ang sports habang si papa ay mahilig magbasa ng mga libro. Natatakot ako na baka maghiwalay sila.
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Ang wikang Filipino ang dapat na maging wika sa pagtuturo at pagkatuto. Una, nakasaad ito sa Konstitusyong 1987. Bukod dito, may mga pananaliksik na nagpapatunay na madaling matuto ang mga mag-aaral kung wikang Filipino ang ginagamit.
PILIIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t ibang kaalaman. Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay. Ang pagbabasa araw-araw ay nakatutulong din sa pagpapahaba ng atensiyon ng isang tao. Nalilinang din nito ang bokabolaryo ng mambabasa. Mas maraming salita kang matututuhan kung ikaw ay magbabasa.
TUKUYIN ANG PANTULONG NA KAISIPAN:
Ayon sa pag-aaral na isinagawa, ang mga katutubong Ifugao ay gumugol ng mahigit na 2,000 taon upang matapos ang hagdan-hagdang palayan. Ito ay itinayo sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong teknolohiya.
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Matatagpuan ang Vigan sa bukana ng ilog ng Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon. Malapit ito sa bansang Tsina. Dahil sa magandang lokasyon nito naging mahalaga ang papel ng Vigan sa kalakasan noong panahon ng katutubo hanggang ikalabinsiyam na siglo.
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Ang mga Pilipino ay mapamahiin. Naniniwala sila na ang pagkahulog ng kutsara o tinidor ay nangangahulugan ng pagdating ng panauhin. Hindi dapat tumuloy sa anumang lakad kung nakasalubong ng itim na pusa dahil ito'y hudyat ng kapahamakan. Mawawala ang swerte kapag nagwalis sa bahay tuwing gabi. Ang pagkabasag ng salamin ay magdudulot ng pitong kamalasan.
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Kahit siya ay doktor, manunulat, siyentipiko o ano pa man, nananatili siyang ama o anak, pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba ang kanyang katungkulan at ang pagkakakilala sa kanya. Ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.Â
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Siya ang nag-aaruga sa atin mula nang tayo ay isinilang hanggang sa paglaki. Siya rin ang humuhubog sa ating pagkatao para tayo ay maging mabuting anak. Pinag-aaral niya tayo para sa ating kinabukasan. Bilang ganti, dapat natin siyang mahalin at maging mabuting anak sa kanya. Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan.
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Ang panitikan sa panahon ng Amerikano at Komonwelt ay naging masigla at maunlad. Naging malaya ang mga manunulat sa alinmang akda na kanilang isusulat. Marami ang nailimbag na mga aklat pampanitikan at mga babasahin sa panahong ito.
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Ang mga tao na may mataas na antas ng edukasyon ay kadalasang mas may pagkakataon sa magandang trabaho at mas mataas na kita. Bukod dito, ang edukasyon ay nag-aambag sa kaalaman at kasanayan ng mga mamamayan na nagpapabuti sa kanilang kakayahang makilahok sa lipunan. Mahalaga ang edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa. Sa huli, ang isang maunlad na sistema ng edukasyon ay nagbibigay-daan sa mas mahusay na pamumuhay at mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Nakatutulong ang pagsasanay sa pagpapabuti ng pisikal na kalusugan sa pamamagitan ng regular na ehersisyo na nagiging sanhi ng mas malakas na katawan. Nagtuturo din ito ng disiplina at kooperasyon sa mga kabataan na mahalaga sa kanilang personal na pag-unlad. Nagiging pagkakataon din ito para sa mga kabataan na makabuo ng mga bagong kaibigan at makipag-ugnayan sa iba. Samakatuwid, ang pagsasanay sa palakasan ay isang mahalagang bahagi ng paglaki ng kabataan. Ang pagsasanay sa palakasan ay may maraming benepisyo sa kalusugan at pag-unlad ng kabataan.Â
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao. Kapag matatag ang loob ng isang tao ay nalalampasan niya ang bawat pagsubok. Ano man ang pagsubok na dumating ay hindi niya ito inaayawan. Sa halip, ay buong lakas na hinaharap. Kaya mahalagang ang isang tao ay may matatag na kalooban.
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Ganito ang sitwasyon ng sambayanang Pilipino sa kasalukuyan. Nagkaroon ng malubhang problema sa komunikasyon ang bawat Pilipino. Labis na hindi sila nagkakaintindihan at hindi nagkakaisa sa kanilang pag-iisip, pagnanasa at pagkilos sa pambansang kaunlaran. Sapagkat hindi mabisa ang komunikasyon sa isa’t isa.
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Maraming masasayang gawain ang iskawts. Natututo sila ng iba’t ibang paraan ng pagtatali. Nagka-camping at natutulog sila sa mga tent. Nagha-hiking sila para makatuklas ng mga kakatwang puno, dahon, at bulaklak. Marami silang natututuhang kasanayan hinggil sa kung paano makaliligtas sa mapapanganib na sitwasyon. Sila ang nagluluto ng sarili nilang pagkain tuwing may camping at iba pang kaugnay na gawain.
TUKUYIN ANG PANGUNAHING KAISIPAN:
Hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino ang nagnanais pumuti ang balat at tumangos ang ilong. Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles dahil gustong matawag na sosyal. Ibinibida sa mga kaibigan ang damit at sapatos na imported. Tunay na suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang-alipin o kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino. Nagpapatuloy pa rin ang pag-idolo sa mga kanluraning kultura ng awitin, sayaw, pagkain, at pananaw. Maging ang iba pang sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan.