Loading...
ARALIN 1: Kategorya ng Pangngalan Pangngalan (noun) – tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Mayroon itong dalawang uri: A. Pantangi B. Pambalana 1. Pantangi (proper noun) – ito ay tiyak na pangngalang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari o kaisipan. Nagsisimula ito sa malaking titik. Halimbawa: Jose Rizal, Maynila, Pilipinas 2. Pambalana (common noun) – ito ay pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Nagsisimula sa maliit na titik maliban na lamang kung nasa unahan ng pangungusap. Halimbawa: guro, paaralan, hayop, lungsod, bayaniMga Uri ng Pangngalang Pambalana 1. Kongkreto o Tahas - Pangngalang ginagamitan ng isa sa limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam, pang-amoy). Ito ay may katangiang pisikal kaya nakikita at nahahawakan. Halimbawa; pagkain, manggagawa, damit 2. Di-Kongkreto o Basal - Pangngalang tumutukoy sa kaisipan o konsepto na hindi ginagamitan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Hindi ito nakikita o nahahawakan. Halimbawa: kalayaan, kasipagan, pagmamalabis 3. Hango - Pangngalang tumutukoy sa payak na pangngalan na may panlapi. Halimbawa: kagubatan, kaibigan 4. Lansak - pangngalang nangangahulugan ng karamihan o kalipunan ng marami. Halimbawa: lupon, tribu 5. Patalinghaga – pangngalang pambalanang di-tuwirang tumutukoy sa pinaguukulan ng salitang hindi literal ang pagpapakahulugan dito, bagkus ayon sa interpretasyon na nakabatay sa karanasan ng bumabasa. Halimbawa: a. Ang kawanggawa ang puso ng organisasyon. b. Ang ina ang ilaw ng tahanan. | Quizalize