
ARALIN 2: Kayarian o Kaanyuan ng Pangngalan Ang kayarian ng pangngalan ay tumutukoy sa pagkakaayos o anyo ng salita kung paano nabubuo ang isang pangngalan. Ibig sabihin, ito ang paraan kung paano nagiging pangngalan ang isang salita. PAYAK - Binubuo lamang ng salitang-ugat. Walang panlapi, di-inuulit, at di-tambalan. Halimbawa: a. bata b. gubat c. aso d. libro e. bahay MAYLAPI - Binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Maaring panlapi sa unahan (unlapi), gitna (gitlapi), hulihan (hulapi), o kombinasyon ng mga ito. Halimbawa: a. magbasa (mag- + basa) b. pinuno (pi(n)- + puno) c. bahayan (bahay + -an) d. pagkain (pag- + kain)TAMBALAN Tambalang ganap – ang kahulugan ay nagbabago o may bagong diwa. Halimbawa: a. balat kalabaw b. kapitbahay c. bahaghari Tambalang di-ganap – ang kahulugan ay nananatili pa rin. Halimbawa: a. silid-aralan b. bahay-kubo c. bahay ampunan INUULIT Ganap na inuulit – inuulit ang buong salitang-ugat. Halimbawa: a. gabi-gabi b. araw-araw Di-ganap na inuulit – inuulit lamang ang isang pantig o bahagi ng salita. Halimbawa: a. kaklase (ka + klase) b. sasabihin (sa + sabihin)
Quiz by Teacher Thanygie
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measure skillsfrom any curriculum
Measure skills
from any curriculum
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
With a free account, teachers can
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
10 questions
Show answers
- Q1Ano ang kayarian ng pangngalan na binubuo lamang ng salitang-ugat at walang panlapi?PAYAKTAMBALANMAYLAPIINUULIT30s
- Q2Anong uri ng kayarian ang inilarawan bilang inuulit ang buong salitang-ugat?TAMBALANGanap na inuulitMAYLAPIDi-ganap na inuulit30s
- Q3Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng maylaping kayarian ng pangngalan?sasabihinbahaypinunogubat30s
- Q4Ano ang tawag sa kayarian ng pangngalan na may bagong diwa o kahulugan?Di-ganap na inuulitPAYAKTambalang ganapMAYLAPI30s
- Q5Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang di-ganap na inuulit?sasabihinaraw-arawkaklasegabi-gabi30s
- Q6Ano ang tawag sa kayarian ng pangngalan na binubuo ng salitang-ugat at isang panlapi?PAYAKINUULITTAMBALANMAYLAPI30s
- Q7Anong uri ng kayarian ang binubuo ng dalawang salitang kapag pinagsama ay hindi nagbabago ang orihinal na kahulugan?PAYAKTambalang ganapINUULITTambalang di-ganap30s
- Q8Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng payak na kayarian ng pangngalan?asosasabihinmagbasabahay-kubo30s
- Q9Alin sa mga sumusunod ang gumagamit ng unlapi bilang bahagi ng maylaping kayarian ng pangngalan?kaklasebahaymangarapmagluto30s
- Q10Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tambalang ganap?bahagharisilid-aralansababasabahay kubo30s