placeholder image to represent content

Araling Panlipunan 2

Quiz by CID Marikina

Grade 2
Araling Panlipunan
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

Feel free to use or edit a copy

includes Teacher and Student dashboards

Measures 1 skill from
Grade 2
Araling Panlipunan
Philippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)

AP2KOM-Ia- 1

Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards

With a free account, teachers can
  • edit the questions
  • save a copy for later
  • start a class game
  • automatically assign follow-up activities based on students’ scores
  • assign as homework
  • share a link with colleagues
  • print as a bubble sheet

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1
    Ano ang tawag sa isang lugar na kung saan naninirahan ang mga tao?
    Pamilihan
    Komunidad
    Paaralan
    30s
    AP2KOM-Ia- 1
  • Q2
    Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa komunidad?
    Paaralan, pamilya, pamilihan at sentrong pangkalusugan
    Paaralan, pamilya, pamilihan, at simbahan o pook dalanginan
    Paaralan, pamilya, pamilihan, simbahan o pook dalanginan at sentrong pangkalusugan
    30s
    AP2KOM-Ia- 1
  • Q3
    Ano-ano ang mahahalagang impormasyon ukol sa inyong komunidad?
    Pinuno, wika, populasyon, kaugalian at relihiyon
    Pinuno, wika, populasyon
    Pinuno, wika, relihiyon at kaugalian
    30s
  • Q4
    Paano mo ilalarawan ang Lungsod ng Marikina sa kasalukuyan?
    May disiplina ang mga tao, malinis at maayos ang kapaligiran at maunlad ang pamumuhay.
    May disiplina ang mga tao, tumatawid sa tamang tawiran.
    Maraming magagandang lugar at mga gusali na maaring pasyalan.
    30s
  • Q5
    Ano ang kahulugan ng labing-anim na sinag ng araw na makikita sa sagisag ng Lungsod ng Marikina?
    Prinsipyo ng mga taga Marikeño.
    Bilang ng barangay sa lungsod ng Marikina
    Nagpapahayag ng lokasyon ng Marikina
    30s
  • Q6
    Alin sa mga simbolo ang kumakatawan sa hanapbuhay ng mga tao sa Lungsod ng Marikina?
    Answer Image
    Answer Image
    Answer Image
    30s
  • Q7
    Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa kapaligiran ng Lungsod ng Marikina?
    Ito ay isang lambak na napapalibutan ng mga kabundukan.
    Ito ay isang burol na maaaring pastulan ng mga hayop.
    Ito ay isang kapatagan na maaring taniman ng mga halaman.
    30s
  • Q8
    Ano-ano ang mga suliraning nararanasan ng ating komunidad kapag may bagyo o malakas ang ulan?
    Maraming basura ang nagkalat sa kalye na nakabara sa mga kanal.
    Madalas na pagbaha, maraming kabuhayan at kabahayan ang nasisira.
    Maraming tao ang nasa evacuation center o pumupunta sa mga paaralan.
    30s
  • Q9
    Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita kung paano natutugunan ng mga tao ang kanilang pangangailangan mula sa likas na yaman?
    Si Mang Islaw ay may sakahan kaya ipinarenta muna niya ito sa iba upang mataniman.
    Si Mang Ador ay isang magsasaka. Nakikisaka lamang sa ibang may sakahan.
    Si Mang Karding ay nakatira malapit sa ilog ng Marikina, siya ay nangingisda at nagtatanim sa may pampang upang magkaroon sila ng pagkain sa araw-araw.
    30s
  • Q10
    Ano ang dapat gawin upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran?
    Ilabas lamang ang basura sa araw ng pagkuha ng trak na basura.
    Sumunod sa mga alituntunin at proyekto ng komunidad para sa kalinisan at kaayusan.
    Sundin ang sinasabi sa awiting Munting basura ibulsa muna.
    30s
  • Q11
    Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa likas na yaman?
    Inihiwalay ko ang mga basurang nabubulok at di nabubulok.
    Inaayos ko ang mga tanim na gulay ni tatay sa aming bakuran.
    Inihiwalay ko ang mga basurang nabubulok at di nabubulok at hindi ako nagtatapon ng basura sa tabing ilog.
    30s
  • Q12
    Sa pagkaubos ng mga puno sa kabundukan ay nagkakaroon ng pagguho ng lupa. Ano ang maaring gawin upang mapangalagaan ang ating kapaligiran?
    Sumali sa proyekto sa pagtatanim ng mga puno sa kapaligiran.
    Taniman ng panibagong halaman ang punong pinutol upang magkaroon ito ng kapalit.
    Ipagbawal ang pagputol ng mga puno sa kabundukan.
    30s
  • Q13
    Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tungkulin ng pamahalaan?
    Simula ng pandemya ay nagbibigay ng ayuda sa bawat pamilya, ang mga nawalan ng trabaho ay nabigyan ng mga trabaho at nagkaroon ng bakuna sa bawat tao.
    Ang mga batang gustong mag-aral ay nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral ng libre sa mga pampublikong paaralan.
    Ang mga mahihirap na mga pamilya ay nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng 4p’s para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
    30s
  • Q14
    Gabi-gabi ay nagbabantay ang mga barangay tanod upang matiyak ang katahimikan ng komunidad. Ano ang ipinakitang tungkulin ng pamahalaan sa bawat komunidad?
    Pagpapaunlad ng kabuhayan at kaunlaran ng bansa.
    Pangangalaga at pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng bansa.
    Pagpapabuti sa panlipunang kaayusan ng mga mamamayan.
    30s
  • Q15
    Para mabawasan ang mga kaso ng pagkakaroon ng sakit ng Covid-19, lahat tayo ay hinihikayat na magpabakuna para sa ating kaligtasan. Ano ang ipinakitang tungkulin ng pamahalaan sa bawat komunidad?
    Pangangalaga at pagpapanatili ng katatagan at katahimikan ng bansa.
    Pagpapabuti sa panlipunang kalagayan ng mga mamamayan.
    Pagpapanatili ng kalusugan ng buong bansa.
    30s

Teachers give this quiz to your class