placeholder image to represent content

Araling Panlipunan 5 Q2, Week 2

Quiz by Gemma E. Yu

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag tungkol sa patakarang divide and rule?

    Ang paglalabanin ang kapwa katutubong Pilipino upang di magkaisa

    Ang patakaran sa pagbabayad ng buwis

    Ang pagtuturo ng relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo

    Ang patakaran sa sapilitang pagpapalipat ng tirahan

    60s
  • Q2

    Nakapaloob sa kasunduang ito na ibinigay ng Simbahang Katoliko sa Hari ng Espanya ang katungkulang ipalaganap ang Kristiyanismo sa kanyang mga kolonya. Anong kasunduan ito?

    Tributo

    Kolonyalismo

    Reduccion

    Patronato Real de las Indias

    60s
  • Q3

    Anong relihiyon ang ikinalat ng mga Espanyol sa Pilipinas at tinangkang takpan ang mga simbolo ng mga sinaunang pananampalataya sa anito at bathala?

    Islam

    Pagano

    Katolisismo

    Budhismo

    60s
  • Q4

    Sa panahong ipinalaganap ang Katolisismo, sino ang pumalit sa katungkulan ng mga babaylan?

    gwardiya sibil

    prayle o pari

    ordinaryong mamamayan

    sundalong Espanyol

    60s
  • Q5

    Alin ang dahilan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas?

    upang makapangalap ng maraming ginto at pilak

    upang masakop ang mga Pilipino at maituro ang aral ng Kristiyanismo

    upang mapakinabangan ang yamang tao ng Pilipinas

    upang maipakita na maka-Diyos ang mga Espanyol

    60s
  • Q6

    Alin sa mga ito ang  ginawa ng mga prayle kung kaya't madaling niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo?

    namigay ang mga prayle ng libreng sakahan sa mga katutubo

    nagtayo ang mga prayle ng mga kolehiyo at unibersidad

    ipinakita ng mga prayle ang kanilang mabuting hangarin sa mga katutubo

    tumulong ang mga prayle sa pagpapatupad ng mga patakaran

    60s
  • Q7

    Alin sa mga misyonero o prayle ang unang dumating sa Pilipinas?

    Agustino

    Franciscano

    Heswita

    Recoletos

    60s
  • Q8

    Naging matagumpay ang Kristiyanisasyon dahil sa paggamit ng mga prayle ng katutubong wika. Alin ang patunay nito?

    Pinag-aral ng Latin ang mga batang mag-aaral.

    Isinalin sa Espanyol ang mga aklat na naglalaman ng katesismong Katoliko.

    Tinuruan ang mga katutubo ng wikang Espanyol.

    Naglimbag ng mga aklat-dasalan at babasahin na nakasalin sa wika ng mga Pilipino.

    60s
  • Q9

    Bakit Kristiyanisasyon ang itinuring na pinakamatagumpay na paraan ng pananakop ng mga Espanyol?

    dahil ang Pilipinas lamang ang nag-iisang Katolikong bansa sa buong Asya

    dahil natakot ang mga Muslim na labanan ang mga Espanyol

    dahil nakakaakit ang mga ritwal na ginagawa sa loob ng Katolisismo

    dahil ayaw nang bumalik ng mga katutubo sa dating relihiyon

    60s
  • Q10

    Ano ang pinakaunang paraan upang maging isang Kristiyano?

    pagsambit ng maraming dasal

    pagpapakasal

    pagpapabinyag

    pagkukumpil

    60s

Teachers give this quiz to your class