
Araling Panlipunan 5_3rd Quarter_Week 2
Quiz by Chenee Origenes
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Kilala siya sa tawag na "Hermano Pule". Pangarap niyang maging banal na misyonero o ministrong Diyos kaya't nagtungo siya sa Maynila upang pumasok sa isang orden.
Pinamunuan niya ang pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagsimula ang pag-aalsa niya nang tanggihan ng kura paroko na bigyan ng Kristiyanismong libing ang kaniyang kapatid na yumao.
Siya ay nag-alsa dahil sa buwis at pagnanais na palayasin ang mga Espanyol. Pinatay ng kaibigang si Miguel Vicos.
Tinutulan nila ang pagbibinyag ng Kristiyanismo sa hilagang Luzon alinsunod sa utos ni Gobernador - Heneral Francisco de Tello de Guzman. Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na mapasailalim sa kanilang pamumuno ang pangkat na ito.Â
Pinamunuan niya ang pag-aaklas laban sa polo y servicio sa Samar. Humina ang pag-aalsa hanggang sa tuluyang masupil nang madakip at ipapatay ng mga Espanyol ang pinunong ito at iba pang lumahok sa pag-aalsa.