Araling Panlipunan 6
Quiz by CID Marikina
Feel free to use or edit a copy
includes Teacher and Student dashboards
Measures 3 skills fromGrade 6Araling PanlipunanPhilippines Curriculum: Grades K-10 (MELC)
Track each student's skills and progress in your Mastery dashboards
- edit the questions
- save a copy for later
- start a class game
- view complete results in the Gradebook and Mastery Dashboards
- automatically assign follow-up activities based on students’ scores
- assign as homework
- share a link with colleagues
- print as a bubble sheet
- Q1Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting epekto ng pagbubukas ng daungan sa bansa sa pandaigdigang kalakalan?Binuksan ang Suez Canal na nagbigay daan sa pagbilis ng paglalakbay at maayos na pagpapalitan ng produkto.
Nagsimulang makontrol ng ibang bansa, lalo na ng Inglatera, ang takbo ng ekonomiya.
Nagkaroon ng pagbabago sa batayan sa pag-uuri ng tao sa lipunan.Nakilala ang Pilipinas bilang top exporter ng ilang produkto tulad ng abaka, tabako, at tubo.30sEditDelete - Q2Malaki ang naging epekto o bunga ng pag-usbong ng liberal na ideya sa bansang Pilipinas. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang magpapatunay nito?Pag-usbong ng ekonomiya at kaisipan sa pamamagitan ng kaalaman sa kalakalan.Pagyaman ng kaalaman sa agham at aritmetika.Paglaganap ng iba’t ibang ideya, kaisipan, paniniwala na galing sa iba’t ibang dako ng mundo.
Pag-unlad ng teknolohiya sa iba’t ibang larangan ng kabuhayan.
30sEditDelete - Q3Ang Kilusang Propaganda ay isang samahan na humihingi ng pagbabago sa sistema ng pamamahala ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Isinatinig nila ang pakikipaglaban sa pamamagitan ng panulat at mga talumpati. Nabuo naman ang Kilusang Katipunan dahil hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda sa paghingi ng reporma o pagbabago. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng Kilusang Katipunan?
Magkaroon ang mga tao ng kagandahang asal at pagpapahalagang moral.
Magtulungan ang mga tao sa oras ng pangangailangan at kagipitan.Pukawin ang diwang makabansa ng mga Pilipino mula sa pang-aapi at kalupitan ng mga Espanyol.Magkaisa ang lahat ng mga Pilipino at lumaban para sa kalayaan sa pamamagitan ng isang rebolusyon.30sEditDelete - Q4Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam gawin upang maipagmalaki ang natatanging Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansang Pilipinas?Ipapakita sa ibang lahi na magaling ang mga bayaning Pilipino.
Pakikilahok sa National Heroes Day.
Tularan ang mga bayani at magboluntaryo sa aking paaralan upang makatulong sa kapwa ko estudyante.Tularan ang mga Bayani at papahalagahan ang kalayaang tinatamasa sa pag tulong sa pamahalaan.30sAP6PMK-Ih-11EditDelete - Q5Bilang paghahanda sa pagsasarili, unti-unting ipinatupad ang Pilipinisasyon ng pamahalaan. Nabigyan ng pagkakataong mapatunayan ng mga Pilipino ang kanilang kakayahang mamuno sa bansa. Nagtagumpay ang kanilang adhikain na makamit ang pagsasarili ng bansa. Ano ang nagtakda sa paggawad ng pagsasarili ng bansa?
Ang pakikiisa ng mga Pilipino sa pamamahala kaya nakamit ang pagsasarili ng bansa.
Ang pagkakaroon ng kaisipang makabansa ng mga Pilipino kaya nakamit ang pagsasarili ng bansa.Ang pagpupunyagi ng mga Pilipino kaya nakamit ang pagsasarili ng bansa.Sa pamamagitan ng mga batayang batas kaya nakamit ang pagsasarili ng bansa.30sEditDelete - Q6Sa simula ng pamahalaang komonwelt binigyan ang ilang piling Pilipino ng kapangyarihang mamahala. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng Pamahalaang Komonwelt?Sanayin ang mga Pilipino sa sariling pamamahala at gawing matatag ang sitemang pampolitika at mapaunlad ang kabuhayan.Mapaunlad ang pamamahala ng bansa.Bigyan ng karapatan ang mga kababaihan.
Paglinang pambansang wika.
30sEditDelete - Q7Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng pananakop ng bansang Japan sa Pilipinas?Itakwil ang mga impluwensiyang kanluranin upang mapagyaman ang kulturang Asyano sa ilalim ng islogang ang “Asya ay para sa mga Asyano”.Magkaroon ng mga bansang sakop upang mapagkuhanan ng mga hilaw na materyales at mapagbentahan ng mga produkto.Pagsama-samahin ang mga bansa sa Silangang Asya upang patatagin ang “Sama-samang Kasaganaan sa Lalong Malaking Silangang Asya” (Greater East Asia Co- Prosperity Sphere).
Palawakin ang kanilang kapangyarihan sa buong daigdig at isulong ang imperyalistang layunin.
30sAP6KDP -IIe - 5EditDelete - Q8Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng sistema at balangkas ng Pamahalaang Hapon?Ang pamahalaang militar ang pinakamakapangyarihan at nanggagaling ang mga kautusang ipatutupad sa Tokyo, Japan.
Itinatag ng mga Hapones ang Philippine Executive Commission o Komisyong Tagapagpaganap bilang Pamahalaang Sentral ng Pilipinas na siyang magpapatupad ng mga utos ng mga Hapon.
Ang binuo nila ay pamahalaang puppet na sunod-sunuran lamang sa ilalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.Ang pamahalaang militar na binuo sa panahon ng mga Hapones ay pinamunuan ng isang director- heneral. May itinalaga siyang magsisilbing tagapagpaganap ng pamahalaang Hapon at ang mga hukuman ay naging limitado ang kapangyarihan.30sEditDelete - Q9Paano tinugunan ng pamahalaan ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan?Paghingi ng tulong o suporta sa Amerika.Pagpapalakas ng ekonomiya at industriyalisasyon.Binigyan pansin ang suliranin sa kawalan ng negosyo.
Pangungutang sa ibang bansa.
30sEditDelete - Q10Nagkaroon ng ugnayang Pilipino-Amerikano sa pamamagitan ng Treaty of General Relation. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit ito nagpatuloy?Pinagpatuloy ang pagprotekta at pakikipag-ugnayan ng Amerika sa Pilipinas.Pagpapanatili ng mga Base Militar ng Amerika sa bansang Pilipinas.
Mabigyan ng gabay sa pamumuno ang Pilipinas.
Matulungan ang Pilipinas na ipagtanggol ang soberanyang panloob at panlabas.30sEditDelete - Q11Bakit nagkaroon ng kolonyal na mentalidad ang mga Pilipino?Iniisip nila na ang mga bagay na yari sa Amerika ay higit na maganda.Nasanay sila sa paggamit ng mga bagay na yari sa Amerika at sa iba pang bansa.
Para sa kanila mas magiging sikat ang isang tao kung gagamit ng mga produktong Imported.
Dahil sa pag-iisip na ang mga banyagang produkto ay mas higit na mabuti ang kalidad kaysa sa lokal na gawa ng bansa.30sEditDelete - Q12Nakabubuti ba ang epekto ng Colonial Mentality sa ekonomiya ng bansa?Hindi, dahil ang bansang nagdala ng mga produkto sa bansa ang higit na makikinabang.
Oo, dahil nakatutulong din naman ito sa ating ekonomiya.
Hindi, dahil mas lalong matatalo ang produktong Pilipino.Oo, dahil kapag maraming produkto na dadalhin sa bansa lalaki ang kaban ng yaman.30sEditDelete - Q13Siya ang nagtatag ng programang President’s Action Committee on Social Amelioration o PACSA sa pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap at nasalanta ng kalamidad.Carlos GarciaManuel RoxasElpidio Quirino
Rodrigo Duterte
30sEditDelete - Q14Isa sa mabigat na naging problema para sa pamahalaang Quirino ang HUK na nakabuo ng higit na maraming bilang ng kasapi sa panahon ng kanyang panunungkulan. Paano niya ito tinugunan?Tinugis niya ang lahat ng kaanib ng HUK.Nakipag-ayos siya sa mga kasapi ng HUK.Hinirang niya si Ramon Magsaysay upang pakiusapan ang HUK na sumuko.
Pinagbigyan niya ang mga nais at hiling ng HUK.
30sEditDelete - Q15Ito ay programa ni Pangulong Ramon Magsaysay na itinatag upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbili ng kanilang produkto o ani at mailigtas sila sa nagpapautang na may mataas na tubo o interes.Minimum Wage LawPresidential Action Committee on Social Amelioration (PACSA)Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA)
Labor Management Board
30sEditDelete - Q16Pinagtibay sa panunungkulan ni Pangulong Elpidio Qurino ang pagtatakda ng pinakamababang sahod (minimum wage law) sa mga kawani ng pamahalaan. Anong dahilan ni Pangulong Quirino bakit niya ito ipinatupad?Upang matulungan malutas ang paghihikahos sa buhay ng mamamayan.Upang makatulong sa pangangailangan ng mamamayan.
Dahil ito ang kailangan na gawin.
Dahil sa problemang pang-ekonomiya ng bansa.30sEditDelete - Q17Sa panunungkulan ni Pangulong Carlos P. Garcia, ipinatupad niya ang Austerity Program sa pamahalaan at mamamayan. Ano ang hangarin niya rito?Masugpo ang katiwalian at makapagtipid sa paggasta ang pamahalaan at mamamayan.
Matulungan ang mamamayan sa pagpapahalagang pinansyal.
Maiahon sa kahirapan ang bansa at mamuhay nang matiwasay ang mamamayan.Mapaglingkuran ang mamamayan nang may katapatan.30sEditDelete - Q18Noong Hulyo 4, 1946 pormal na pinagtibay ang ganap na kasarinlan ng Pilipinas, kasabay nito ang pagkakaroon natin ng soberanya o lubos na pagiging malaya o pagkamakapangyarihan bilang isang bansa. Alin sa mga sumusunod ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang ating teritoryo at estado, magpanatili ng kapayapaan at kaayusan, at magtaguyod ng maunlad na bansa?Philippine National PoliceHukbong Sandatahan Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the PhilippinesDepartment of Environment and Natural Resources
Department of Education
30sEditDelete - Q19Sa pagkamit ng Kalayaan ng Pilipinas, alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng pagpapanatili nito?Pamamahala ng ating mamamayan at teritoryo.Pagbibigay ng karapatan sa mga tao.Pagtatanggol sa ating soberanyang panloob at panlabas.
Kapangyarihan sa pagbubuwis.
30sEditDelete - Q20Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pakikiisa sa pagpapanatili ng karapatang pantao at demokratikong pamahalaan?Pagboboluntaryo sa programa ng pamahalaan at pagbibigay respeto sa karapatan ng iba.
Pagpapahayag ng mga suhestiyon sa pamahalaan.
Paglunsad ng mga adbokasiya sa pagpoprotekta ng karapatang pantao.Paggamit sa karapatang pagboto.30sEditDelete