
ARALING PANLIPUNAN 6 - KWARTER 3 - MODULE 10
Quiz by AILEEN SY
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Ang malaking korporasyon ng bansa ay kinontrol ng mga Amerikano
at Tsino samantalang ang mga Pilipino ay nagsilbing mga manggagawa
Dahil sa napagdaanang digmaan, naging lugmok ang ekonomiya ng
bansa na naging dahilan ng pagbaba ng antas ng pag-aangkat (import) kaysa pagluluwas(export).
Ang Market Stalls ay isang korporasyon ng pamahalaang ang
pangunahing layunin ay tustusan ng kalakal ang mga Pilipinong magtitingi sa mas murang halaga.
Sa mga paaralang pampamayanan ang kurikulum o programa at
pamamaraang gagamitin sa pagtuturo ay nakasalalay sa uri ng pamayanang kinabibilanagan ng mamamayan.
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang kinabibilangang charter ng
ekonomiya ng bansa.
Ang Patakarang Pilipino Muna ay ipinatupad ni Pangulong Garcia sa
bisa ng Resolusyon Blg. 402.
Ang Patakarang Pilipino Muna ay madaling natanggap ng mga
dayuhang mangangalakal sa bansa.
Itinatag noong Enero 3, 1949 ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ang Kodigo sa Reporma ng Lupa ay inilunsad ni Pangulong Diosdado P.
Macapagal.
Ang patakarang Pilipino Muna ay nagdulot ng lalong pagkalugmok sa pamumuhay ng
taong-bayan.
Noong ________, ang konsepto ng paaralang pampamayanan ay pormal na naging bahagi ng kurikulum ng mga pampublikong paaralan.
Sa programang ito ni Pangulong Macapagal na _____________ ay napahalagahan at napangalagaan ang karangalan ng maliliit na magsasaka at nailigtas sila sa masasamang kinagawiang pinaiiral sa mga sakahan.
Si _________________________ ang nagmungkahi na kinakailangang huwag manatiling Ingles ang gagamiting wikang panturo sa mga paaralan at sa halip gamitin ang wikang vernacular.
Itinatag ang __________________________________________________kung saan ang mga kasapi ng kooperatibang ay maaaring umutang sa ACCFA upang magkaroon ng perang magagamit pambili ng kalabaw, mga pataba at iba pang kagamitan sa pagsasaka.
Anong batas resolusyon ang pinagbatayan at ipinatupad ang batas na "Pilipino Muna"