placeholder image to represent content

Araling Panlipunan

Quiz by Krizzia Manalili

Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
30 questions
Show answers
  • Q1
    Ito ay tinaguriang “Kamalig ng Bigas ng Pilipinas” dahil sa malaking produksiyon ng bigas na nanggagaling sa malawak na kapatagang angkop sa pagtatanim.
    B. Gitnang Luzon
    C. Ilocos Region
    A. CARAGA
    D. NCR
    30s
  • Q2
    Ano ang anyong lupang matatagpuan sa Zambales na pumutok noong 1991?
    B. Bundok Arayat
    C. Chocolate Hills
    D. Ermita Hill
    A. Bulkang Pinatubo
    30s
  • Q3
    Ito ay mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, karagatan, at iba pa.
    D. Pakinabang
    B. Kultura
    A. Ekonomiya
    C. Likas na Yaman
    30s
  • Q4
    Ito ay sumisimbolo sa kung ano ang estado ng pamumuhay ng isang bansa. Dito malalaman kung ang isang bansa ay maunlad.
    D. Pakinabang
    C. Likas na Yaman
    A. Ekonomiya
    B. Kultura
    30s
  • Q5
    Ito ay nangangahulugang benepisyo o halaga.
    B. Kultura
    D. Pakinabang
    C. Likas na Yaman
    A. Ekonomiya
    30s
  • Q6
    Ito ang nangunguna sa malaking ambag sa ekonomiya ng rehiyon.
    D. Turismo
    C. Pagmimina
    A. Agrikultura
    B. Enerhiya
    30s
  • Q7
    Alin sa sumusunod ang HINDI industriya sa Pampanga?
    B. paggawa ng paputok
    D. paggawa ng paso
    A. paggawa ng muwebles
    C. paggawa ng parol
    30s
  • Q8
    Maraming lungsod ang nag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura katulad ng palay at mais sa karatig na mga lalawigan. Alin kaya ang maaaring dahilan nito?
    A. Maraming anyong lupa at anyong tubig ang mga lungsod.
    D. Walang sakahan ang lungsod dahil pinatatayuan ito ng mga gusaling pangkomersiyo.
    B. Kulang ang mga lupang sakahan sa lungsod, kaya hindi sila makatanim.
    C. Maraming sakahan sa lungsod, ngunit wala silang kakayahang magtanim.
    30s
  • Q9
    Ang sumusunod ay may malaking pangangailangan sa yamang dagat MALIBAN sa isa.
    A. karatig na lungsod
    D. malalayong lalawigan sa kabundukan
    C. lalawigan sa tabing dagat
    B. malalayong lungsod
    30s
  • Q10
    Saan maaaring mag-angkat ang mga taga-lungsod ng mga produkto tulad ng Chromite?
    C. sa mga lalawigan na nasa tabing dagat
    A. sa mga lalawigan na maburol
    D. sa mga lungsod na maraming modernong opisina
    B. sa mga lalawigan na may minahan
    30s
  • Q11
    Sa paanong paraan pinupunan ng ilang lalawigan ang pangangailangan ng ibang lalawigan?
    A. sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng produkto
    D. sa pamamagitan ng pagpapahiram ng salapi na gagamiting puhunan sa negosyo
    C. sa pamamagitan ng pagbebenta ng produkto nito sa mas mataas na halaga
    B. sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng produkto
    30s
  • Q12
    Ang isang lalawigan ay isang kapatagan. Saan ito mag-aangkat ng produktong dagat?
    A. sa karatig lalawigan na nasa tabing dagat
    B. sa malayang lalawigan na nasa tabing dagat
    D. sa malayang lalawigan na nasa tuktok ng bundok
    C. sa karatig lalawigan na nasa tuktok ng bundok
    30s
  • Q13
    Dahil sa pagkakaroon ng sentralisadong pamilihan ang mga mamamayan ay_______________.
    B. nalilito sa dami ng mga bilihin na nakikita sa pamilihan.
    C. nalulugi dahil maraming kakompitensiya sa pagbebenta ng produkto.
    A. nawawalan ng direksiyon sa pagbili ng mga produkto.
    D. nabibigyan ng pagkakataon na paunlarin ang kanilang kabuhayan dahil may tiyak na lugar na pagdadalhan ng mga produkto.
    30s
  • Q14
    Ang mga imprastraktura ay mahalaga sa kabuhayan ng mga mamamayan dahil________________________.
    B. walang kinalaman ang imprastraktura sa pag-unlad ng kabuhayan.
    D. nakatutulong ang mga ito sa mabilis na pagproseso ng mga produkto at serbisyo at ang pagpapalitan ng mga ito.
    C. gumagastos nang malaki ang pamahalaan para maipagawa ang mga ito.
    A. mas lalong nakikilala ang isang lugar
    30s
  • Q15
    Nakatutulong ang sementadong daan sa kabuhayan dahil______.
    C. madaling napupuntahan ang mga sakahan at lugar kung saan naroroon ang kabuhayan
    B. maiiwasan ang pagkasira ng mga produkto dahil sa bako-bakong mga kalsada.
    D. Lahat ng nabanggit.
    A. mas magiging mabilis ang transportasyon ng produkto.
    30s

Teachers give this quiz to your class