
ARALING PANLIPUNAN GR 8 Q3 M3
Quiz by Mark Kevin Galang
Tag the questions with any skills you have. Your dashboard will track each student's mastery of each skill.
Sa kanyang aklat na Leviathan, inilarawan niya ang lipunang walang pinuno at posibleng maging direksyon nito na magulong lipunan.
Binigyang-diin niya ang mga kasunduan sa pagitan ng tao at pinuno para sa pagbuo ng maayos na lipunan sa kanyang lathalain na Two Treatises of Government.
Sa kanyang On the Spirit of the Laws, ipinaliwanag niya ang ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan: Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura.
Sumulat siya ng mga lathalain laban sa Simbahan at Royal Court ng France at dahil dito ay pinasikat niya ang kalayaan sa pananalita.
Ang pilosopiyang politikal niya na nararapat na masunod ang kagustuhan ng nakararami sa isang demokrasya ay nakapaloob sa kanyang aklat na Social Contract.
Ang imbensyong ito ay isa sa nagpasimula sa pag-unlad ng telekomunikasyon sa mundo.____________________
Ang imbensyong ito ay upang maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang materyal sa bulak. ______________________
Ang makinang ito ay nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya kaya bumilis ang pagprodyus ng mga tela. __________________
Ang imbensyong ito ay nagbibigay ng enerhiya sa pamamagitan ng singaw at ginamit sa pagpapatakbo ng iba pang makinarya sa mga pabrika. _______________________
Halimbawa ng sasakyang pantubig na gumamit ng makina at coal kaya mas mabilis at naging simula ng maunlad na sistema ng transportasyong pandagat. ______________