Our brand new solo games combine with your quiz, on the same screen

Correct quiz answers unlock more play!

New Quizalize solo game modes
10 questions
Show answers
  • Q1

    Nagbigay ang iyong guro ng proyekto na ipapasa kinabukasan. Niyaya ka ng iyong kaibigan na dumalo sa “Birthday Party” ng kanyang pinsan. Ano ang iyong gagawin?

    Sasama sa party pero magpapaalam din agad sa may kaarawan pagkatapos kumain. 

    Sasama sa party para hindi magtampo ang kaibigan. .

    Magalang na sasabihin sa kaibigan na hindi muna makakasama sa party dahil mayroong gagawing proyekto

    Sasabihin sa kaibigan na hindi makakasama sa party pero ipagbalot na lamang siya ng handa nito

    30s
  • Q2

    Miyembro ka ng Mga Batang Iskawt sa inyong paaralan. Napagkaisahan ng grupo na magsagawa ng Clean Up Drive sa barangay sa Sabado.

    Sasali ako kapag mayroong sertipikong ibibigay

    Hindi ako sasali sa proyekto.

    Sasali ako sapagkat ako ay isang batang iskawt na laging handa sa lahat ng bagay.

    Hindi ako sasali sapagkat ang araw ng Sabado ay inilalaan ko para sa paggawa ng mga proyekto at takdang-aralin

    30s
  • Q3

    Sinabihan ka ng iyong kamag-aral na palitan ang mababa niyang iskor dahil pagagalitan siya ng kanyang nanay. Ano ang dapat mong gawin?

    Gagawin ang pinagagawa niya para hindi siya mapagalitan ng kanyang nanay.

    Hindi ko ito gagawin dahil tataas ang marka niya kaysa sa akin. 

    Susundin ko ang hiling niya para ako naman ang hihingi ng pabor sa susunod.

    Hindi ko ito gagawin dahil masama ang pandaraya.

    30s
    EsP5PKP – Ia- 27
  • Q4

    Umamin sa iyo ang kaibigan mo na hindi siya nakapagbayad ng binili niya sa kantina

    Sasabihan ang kaibigan na ilihim na lamang dahil wala namang ibang nakakaalam.

    Sasamahan ko siya para magbayad at humingi ng paumanhin

    Sasamahan ko siya para bumili ng panibagong pagkain. 

    Gagayahin ang ginawa ng kaibigan dahil hindi naman pala ito napapansin. 

    30s
    EsP5PKP – Ia- 27
  • Q5

    Lumiban ka dahil may pinuntahan kayo ng iyong pamilya. Tinanong ka ng iyong guro sa dahilan ng iyong pagliban. Ano ang sasabihin mo?

    Sasabihin kong kausapin na lamang niya ang aking mga magulang.

    Ibang dahilan ang sasabihin ko sa kanya.

    Hindi na lamang ako magsasalita. 

    Ipapaliwanag ko ang tunay na dahilan ng aking pagliban sa klase.

    30s
    EsP5PKP – Ia- 27
  • Q6

    Pinag-aaralan ang idudulot sa iyong sarili at pamilya ng mga nababasa, napakikinggan, o napanonood

    OPO

    HINDI

    30s
    EsP5PKP – Ia- 27
  • Q7

    Pinahahalagahan ang mga telenobela o teleserye kaysa sa mga balita.

    HINDI PO

    OPO

    30s
    EsP5PKP – Ia- 27
  • Q8

    Naniniwala ka na ang lahat ng nababasa sa internet ay nakasasama kaya hindi ka gumagamit nito.

    HINDI PO

    OPO

    30s
    EsP5PKP – Ia- 27
  • Q9

    Mas nasisiyahan sa mga awiting uso ngayon kahit hindi maganda ang isinasaad nito.

    OPO

    HINDI PO

    30s
    EsP5PKP – Ia- 27
  • Q10

    Kinikilatis munang mabuti ang isang produkto na nakita sa patalastas bago bumili o gumamit nito.

    HINDI

    OPO

    30s
    EsP5PKP – Ia- 27

Teachers give this quiz to your class